Kabanata 41

20 2 0
                                    


Huli

Drake is not my best friend but Xander do. Madalas kaming nagkakasama sa Hitler Volts at sa kampo nang magmilitary ako. Nakilala ko siya kung paano siya nakilala ni Xander at nakilala niya ako kung paano ako nakilala ni Xander. Kaming dalawa ang pinakanawasak nang nawala si Xander. Kaya rin siguro nagkaintindihan kaming dalawa.

We're friends, dati pa. Pero hindi kasing close nang kung paano kami ngayon. Before, he was so distant, reserved and very opposite from Xander. May mga bagay na pareho sila pero mas marami ang pinagkaiba. Xander is very clingy, sweet and joker, samantalang siya ay sakto lang.

Nang magkita kami dito ay may bumalik sa'king pakiramdam. 'Yong kahit papaano, sa kabila ng napakaraming nagbago ay may familiar pa rin. He is my protector, best friend at kuya. Ginigising niya ako sa katotohanan sa tuwing gusto ko pang managinip sa mga pangarap ko at gusto ko pang paniwalaan. Sinasabi niya sa'kin kung anong dapat kong gawin kapag pakiramdam ko nawawala na ako.

Hindi siya espesyal pero importante siya sa'kin. Malinaw 'yon.

Pagkarating sa bahay ay agad akong nag-ayos para sa victory party na para sa'min.

I just wear a white formal hugging and pencil cut dress. Pinaresan ko lang 'to ng vintage pumps and wear a simple make up. Hindi ko na tinali ang buhok ko at niladlad na lang ang humahaba kong buhok. I get my vintage sling bag at bumaba na.

"Are you ready?" tanong ni Ivan na naka polong itim na nakatupi hanggang siko na nag-emphasize sa braso niya. Hindi ko siya sinagot at lumapit na lang sa kanya. Hinapit niya ang baywang ko at niyakap ako.

"Don't worry. Everything will be fine," sabi niya at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.

"I hope so," maiksi kong sagot at pumunta na kami sa kotse.

Pagkarating namin sa university ay nauna siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Agad naming hinanap ang table na para sa'min. Maraming invited sa party na 'to. Mga schoolmate namin at fans ng Crusade Spartans.

Di rin nagtagal ay nakita na rin namin ang table nila Joshua kaya agad kaming pumunta do'n. Dalawang upuan na lang ang bakante do'n kaya do'n na lang din kami umupo. Nandoon na silang lahat at kami na lang pala ang kulang.

Hindi na ako nagtangka pa na tignan isa-isa ang mga taong nando'n. Nasaktan ako sa ginawa ni Drake. Bakit hindi niya sabihin sa'kin kung anong problema? Hindi 'yong kailangan ko pang manghula dito na parang tanga.

"Alex," tawag sa'kin ni Joshua na nasa tabi ko lang pala.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Drake wants to talk to you."

"I don't want to," mabilis kong sagot.

"Alex!" saway niya sa'kin.

"I think we don't have anything to talk about. Ang sabi niya, wala siyang problema diba? Edi wala," malamig kong sagot habang pinaglalaruan ang wine sa harap ko.

Nilingon ko si Joshua nang hindi na siya sumagot. Naabutan ko siyang bumubulong kay Drake na katabi lang pala niya. Nakatingin lang si Drake sa'kin habang binubulungan siya ni Joshua kaya umiwas na ako ng tingin.

"Alex, sige na," bulong ulit ni Joshua na naiirita na sa pagiging tulay ng usapan namin ni Drake.

"Ayoko!" di ko napigilang mapasigaw dahilan kung bakit naagaw ko ang atensiyon ng iba.

Agad kong ininom ang wine na nasa baso ko at tumingin sa ibang direksiyon.

"Anong problema 'Lex?" tanong sa'kin ni Ivan.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon