Kabanata 4

132 87 178
                                    

I will listen

Hinila ko ang braso ko na hawak niya para makalayo. Nang tuluyan na nga akong makatakas sa kanya ay nagpunta ako sa roof deck ng pinakamataas na building dito sa campus. I need some air, hindi naman ako takot sa heights. Actualy, ilang beses na akong nag-attempt na tumalon sa mga roofdeck ng mga building dahil sa sobrang anxiety at depression. At katulad nga ng sinabi ko, lahat ng 'yon ay attempt lang. Cause I'm still alive but barely breathing.

First day of school din noong una ko siyang nakita. Kung ngayon kailangan ko pang mag intay para makisabay sa iba, noon ay siya na mismo ang naghihintay sa'kin para lang makasabay ako.

Naglalakad ako palabas ng gate dahil uwian na. Nakahawak lang ako sa magkabilaang strap ng bag ko at tahimik na naglalakad sa sidewalk nang biglang may bumusina sa gilid ko. Tumigil ako para tignan kung sino 'yon.

"Wala ka bang kaibigan para makasabay?" Nagulat ako sa tanong niya. Akala ko magtatanong siya ng direksiyon o ano. Napailing na lang ako sa medyo personal niyang tanong at nagpatuloy sa paglalakad samantalang siya naman ay nagba-bike sa gilid ko. Ano bang kailangan niya?

"Anong pangalan mo?" tanong niya na naman.

"Alex," maiksi kong sagot.

"Alex talaga ang pangalan mo?" pangungulit niya.

"Alexandrea." sagot ko ulit na hindi man lang nag-aangat ng tingin.

"Ang ganda naman pala ng pangalan mo e. Pwede bang Andrea na lang ang itawag ko sayo?"

Natigilan ako sa sinabi niya at napalingon. Doon ko unang beses nakita kung gaano siya ka-sincere sa lahat ng bagay na sasabihin niya. Kung gaano siya ka-gentle at kung gaano siya kamasayahing tao. Pero lahat ng mga nakikita ko ay nagsimulang maging malabo nang mag ulap ang paningin ko. Agad akong tumakbo palayo sa kanya.

I hate Andrea!

Pagkatapos ng araw na 'yon ay lagi na siyang nakadikit sakin kahit palagi ko siyang tinatarayan at hindi pinapansin. Pinaparamdam niya sa'kin na I am worth staying for. Pero asan na siya ngayon?

Pinunasan ko ang mga luha ko at pinanood ang mga kalapating dumadapo sa kabilang building. Halos lahat sila may mga partner at naglalambingan pa. Buti pa sila! Pakiramdam ko tuloy nang-aasar "tong mga kalapating 'to. Namimiss ko na tuloy siya. Gusto ko na ulit siyang makita. Gusto ko na ulit siyang yakapin. Pero hindi ko na magawa. Hindi na pwede.

Pinikit ko ang mga mata ko at hinayaang pumatak ang mga luhang walang kapaguran. Naka-vitamins yata 'tong mga 'to e, kaya ganado. Naramdaman kong may tumabi sa'kin kaya dinilat ko ang mga mata ko at bumungad sa'kin ang panyong hawak ni Ivan. Hindi ko 'yon tinanggap at pinunasan ko na lang ang mga 'yon ng sarili kong mga kamay.

Tinignan ko ang relo ko at nakitang 5:00 pm na pala.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Hindi ko siya pinansin at tumalikod na lang.

"Tara na. Umalis na tayo," sabi ko at naglakad palayo.

Tahimik lang kaming bumabiyahe pauwi. Walang gustong magsalita na pabor naman sa'kin. No one knows how much I am craving for silence and peace. Walang pag-atungal sa pag-iyak. Walang paghagulhol dahil sa pagkawala. Walang nakikiusap at nagmamakaawa. Ayoko na maging ganoon. Nakakapagod din ang maraming drama.

Nasa kalagitnaan kami ng traffic nang biglang tumunog ang phone ko.

"Hello!" sagot ko.

"Hi."

"Who's this?" tanong ko sa kabilang linya.

"Ouch! It is sad to know na nakalimutan mo na ako agad."

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon