Kabanata 30

31 4 0
                                    

Princess

"Joshua!" tawag ko sa kanya matapos niyang ilapag ang cellphone sa kamay ko at tumalikod na para umalis.

"I'm sorry. Nakalimutan ko lang sabihin sa inyo," sabi ko nang lumingon siya. Tumango lang siya at nagpatuloy na.

"Hayaan mo muna siya Alex. Ano ba 'yon?" tanong ni Drake kaya inabot ko ang cellphone ko sa kanya.

"Sino 'to Alex?" madiin niyang tanong.

"Hindi ko alam." nanghihina kong sagot at kinuha ko ang cellphone sa kanya.

Pagkatapos ng isang tune up game ay nagpahinga na rin kami. Napansin ko ang malaking pagbabago sa kanila. Hindi na sila mabilis mapagod at hindi na sila agad natutumba kapag nagkakatulakan.

Si Coach Buboy ay nasa kabilang mansion at nagpapakasaya. Para nga silang bagong kasal kung umasta e. Ilang araw pa lang ay malaki na ang in-improve ng Crusade Spartans. Hindi malabong matalo nila ang Hitler Volts.

Pagkatapos ng hapunan ay lumabas kami sa dalampasigan para mag-bonfire. Kasama namin doon ang mga volleyball team na pinalilibutan ang malaking apoy. Samantalang sina Lance at Sam naman ay nasa kalapit lang namin na duyan at nagka-cuddle.

Naglabas si Coach ng canned beer at binigyan kami isa isa bago siya pumunta sa kabilang mansion para makipag-loving loving sa asawa niya. Mga nilamon na sila ng pag-ibig.

Katabi ko si Drake, as usual at si Joshua naman ang nasa kabilang gilid ko. Ewan ko ba sa mga 'to at parang naging personal bodyguard ko na sila.

Dahil walang magawa ay naisipan nilang mag spin the bottle. Lahat ng nakaupo do'n ay kasali at bawal tumanggi.

Unang natapat ang bote sa mga volleyball players at nagsilabasan ang mga sikretong may gusto pala sila sa mga players ko.

May mga pumili rin ng dare at iba't ibang kaweirduhan at spg ang pinapagawa nila dito at kapag truth naman, lahat ng may gustong itanong sa'yo ay magtatanong. Kaya kapag nagtruth ka, feeling mo nasa hot seat ka na at may instant interviewers ka na magbo-bombard sa'yo ng mga tanong.

Muling pinaikot ang bote at tumapat 'yon kay Kean.

"Truth," sabi niya at tinungga ang huling lagok ng beer niya.

"Sinong crush mo, na nandito ngayon?" tanong no'ng isang babae na volleyball player.

"Napakapang-grade 1 naman niyan," nakangiti niyang sagot do'n sa babae na halos maihi na sa shorts sa kilig.

"Sagutin mo na lang dre. Nang may makilala naman ako sa mga crush mo," gatong naman ni Paulo na nasa tabi niya lang.

"Nahihiya ako e. Nandito kasi siya."

"Malamang, 'yon nga 'yong tanong e," iritadong sagot naman ni Paulo na ikinatawa namin.

"Sino na?" ulit na tanong no'ng babae.

"Umm. Si A-alex," Bahagya pa akong napaigtad ng marinig ko ang pangalan ko na binanggit niya.

"Ivan, wag kang magalit sa'kin ah. Crush lang naman e," sabi niya kay Ivan at hinawi pataas ang humahaba na niyang buhok. Dumako naman ang tingin ko kay Ivan na pinaglalaruan ang labi niya habang nakatingin sa'kin.

"May lihim na pagnanasa ka pala kay Boss Alex ah!" kantiyaw ni Paulo kay Kean.

"Crush nga lang men. Sa tagalog, paghanga," paliwanag niya kay Paulo. "Alex, wala namang masama do'n diba?" baling niya sa'kin.

"Oo naman," natatawa ko pang sagot sa kanya.

"Wag kang maiilang sa'kin ah!"

"Never," I said.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon