Kabanata 23

25 5 0
                                    


Rights

Nagising ako ulit kinabukasan ng maaga. Mabilis akong nag-ayos at umalis na agad. Dumiretso ulit ako sa fast food chain kung saan ako nag almusal kahapon. Hindi pala ako nakapaghapunan kagabi. Tinignan ko ang wallet ko na paubos na ang laman. Kailangan ko na sigurong mag-withdraw mamaya sa sarili kong account. Ngayon lang ulit ako napagastos ng ganito kalaki dahil sa pagta-taxi ko at pagkain sa labas. Halos wala akong nilalabas na pera dati dahil sumasabay ako lagi kay Ivan sa pagpasok at sa pag-uwi, at siya rin ang nagbabayad kapag kumakain kami ng sabay.

Ten minutes na lang nang mapagdesisyunan kong pumasok na sa university.

"Alex." Nilingon ko si Paulo na nasa loob ng kotse niya na nasa tabi ko lang pala. "Sabay ka na sa'kin."

Malayo layo pa mula sa main building kung maglalakad lang ako pero mas pinili ko pa rin na tanggihan siya.  Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at siya naman ay dumiretso na para i-park ang kotse niya. Agad akong nagpunta sa room para magreview. Hindi rin nagtagal ay may dumating na isa pa kahit maaga pa naman. Hindi ko 'yon pinansin at nagconcentrate lang sa pagre-review kahit na tumabi 'yon sa'kin.

"Alex, bakit mo naman kami iniwan sa ere?" tanong niya.

Tinignan ko lang siya at hindi sinagot.

"Hinayaan ka lang namin no'ng hindi mo pinapansin si Ivan. Baka kailangan mo lang ng space. Nag-usap pa kayo ni Drake, diba? Anong nangyari Alex?" Tinignan ko lang ang namumulang mata ni Paulo.

"I'm sorry," 'yon lang ang kaya kong sabihin. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang sarili ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang nararamdaman ko.

"Kailangan ka namin Alex."

"Kaya niyo na 'yan. Magagaling naman kayo e," sabi ko sa kanya at bahagyang tumawa para pagaanin ang lahat.

"Tinatamad na nga kami magpractice no'ng nalaman namin na hindi ka na namin makakasama. Paano 'yon Alex?" malungkot niyang sabi.

"Hindi kayo dapat nagkakagano'n. Dapat ginagawa niyo 'yong isang bagay dahil sa gusto niyo. Hindi dahil sa may iba lang kayong dahilan," iritado kong sagot.

"Mas masaya kasi kapag nandoon ka," sabi niya at sumandal sa upuan habang nakatingin sa'kin.

Tinignan ko lang siya at walang masagot. Masaya rin akong kasama sila.

"Tinuring ka na naming pamilya. Sana bumalik ka na sa'min," 'yon lang ang sinabi niya at tumayo na rin nang dumating na sina Ivan.

"'Dre, nandito ka na pala-" Kean cutted off nang ma-realize na nandito rin ako.

Nagsiupo na sila sa mga upuan nila pero dumiretso sa pwesto ko si Joshua. Umupo siya sa katabi kong upuan at nagsuot ng headset. Narinig ko pa siyang tinawag ni Lance pero tinanggihan niya lang 'yon.

"Umupo ka na do'n," utos ko sa kanya.

"I can't. Dito lang ako," sabi niya at tinignan ko.

"Ano bang problema Joshua?"

"Subject ni Mr. Cruz diba?" tanong niya sa'kin na parang alam ko na dapat kung anong ibig niyang sabihin.

"Oh tapos?" tanong ko na hindi pa rin nakukuha ang gusto niyang sabihin.

"Tama lang na nandito ako," deklara niya at pinagtuunan ng pansin ang cellphone niya.

"Sabihin mo nga sa'kin! Ano bang alam mo?" iritado kong baling sa kanya. Pagdating talaga sa kanya ang bilis kong mairita. Pakiramdam ko kasi ang hirap niyang intindihin.

"Nakikita ka nilang laging mag-isa Alex. Nagkakaroon sila ng lakas ng loob kapag gano'n. Binibigyan mo sila ng pagkakataon," mahina niyang sabi.

"Give me your phone number," utos niya at binigay sa'kin ang cellphone niya.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon