Kabanata 47

26 4 0
                                    

Sorry

Ngayon ko lang narealize kung gaano ka-awkward ang posisyon naming dalawa ni Ivan. Nakaupo siya sa toilet bowl at patagilid naman akong nakakandong sa kanya. Tinignan ko siya para lang makita na nakatingin din siya sa'kin. Tumikhim ako ng tatlong beses bago nagsalita.

"Ivan," bulong ko sa kanya. "Tayo ka muna," sabi ko at naunang tumayo para makatayo siya. Pagkatayo niya ay umakyat na ako sa toilet bowl para pumatong. Medyo nahirapan pa ako dahil sa pencil cut kong uniform.

"Alex!" saway sa'kin ni Ivan pero hindi niya pa rin ako napigilan kaya hinawakan niya na lang ang baywang ko. Medyo napaigtad pa ako nang gawin niya 'yon. Dahan dahan akong humawak sa pinto ng cubicle at sinilip kung wala na bang ibang tao.

Bababa na sana ako nang madulas ako sa cover ng toilet bowl. Nanlaki ang mata ko nang masalo ako ni Ivan pero ang isa niyang kamay ay nasa pwet ko na. Agad ko siyang tinulak para malayo kami sa isa't isa.

"Sorry," sabi niya. At kahit madilim ay nakita ko ang pamumula niya dahil sa ilaw na pumapasok sa maliliit na bintana.

Tumango lang ako at inayos ang skirt ko na medyo tumaas. Nilagpasan ko siya at binuksan ang cubicle saka lumabas.

"Alex, sorry," sabi niya at hinawakan ang braso ko.

"Ivan, okay lang," sagot ko at nilingon siya.

"Hindi ko sinasadya. I just wanted to catch you."

"Okay nga lang," sabi ko at bahagya pang tumawa para lang masiguro sa kanya na hindi ako galit. Bakit ba nag-aalala siya ng husto?

Gano'n na lang ang gulat ko nang hilahin niya ako palapit sa kanya at yakapin ng mahigpit.

"Natatakot lang ako na baka lumayo ka na naman sa'kin ulit," diretsong sabi niya.

Wala akong masagot sa sinabi niya kaya hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Dito sa madilim na C.R.

Hindi ko rin siya masisisi dahil sa pagiging abnormal ko. Kapag napapansin kong masiyado na akong napapalapit ay unti unti naman akong lalayo. Para walang attachment na mangyari. Ilang beses na akong naiwan at alam kong marami pang susunod pa. And the least thing I can do to protect myself from the pain is to never attach to anyone. So, when they leave, it doesn't matter anymore.

Ilang sandali ang lumipas ay tumikhim ako saka kumawala sa yakap niya.

"Ivan, kailangan na nating lumabas," sabi ko at dumiretso na sa pinto. Pinihit ko ang doorknob pero hindi na 'yon mabuksan. Ilang beses ko pang sinubukan ulit pero wala talaga.

"Ivan," tawag ko at agad naman siyang lumapit. "Nakalock sa labas ang pinto."

Sinubukan niya itong buksan pero wala ring nangyari. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin sana ang cellphone ko pero wala pala at naiwan sa bag. Nilingon ko siya para manghiram sana ng phone pero nakita kong gamit niya na.

"How many minutes you will take?" tanong niya sa pormal na tono.

"We will wait. Just make it fast,"  punong puno ng awtoridad niyang utos sa kausap sa phone.

Sumandal ako sa lababo at humalukipkip habang pinapanood siya. Pagkababa niya ng tawag ay nasa cellphone pa rin ang atensiyon niya at may kung sino-sinong tini-text.

"Anytime ay makakalabas na tayo-" sabi niya na naputol nang tumingin siya sa'kin.

"What?" tanong ko sa kanya.

"Why are you looking at me like that?" tanong niya na ikinagulat ko.

"Like what?" nagtataka ko pa ring tanong.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon