Kabanata 43

18 2 0
                                    

Surpresa

"Alexander Buencamino's case. Prime Suspect: Feliciano Cruz Sr. alias Senior," mahina kong basa at ini-scan na lang ang iba pang detalye tungkol kay Senior.

Tinignan ko pa ang susunod na page at nakita ang isang screenshot.

CCTV Cam 6, Floor 3: Bldg. 4

Kitang kita do'n ang kuha na hawak hawak ni Senior si Xander at tinututukan niya ng baril.

"Fuck!" malutong kong mura at hinang hina na inilapag ang mga papel  sa study table.

"Bakit Alex?" tanong ni Ivan na agad tumayo para saluhin ako sa muntik na pagtumba.

Habol ang hininga ko ng inilabas ako ni Ivan sa kwarto para dalhin sa kusina. Kumuha siya ng tubig at pinainom sa'kin.

"What's with the papers?" nag-aalala niyang tanong at lumuhod sa harap ko habang hawak hawak ang mga kamay ko na nakapatong sa tuhod ko.

"Alam ko na," mangiyak ngiyak kong sagot at tumingin sa mga mata niya.

"Kaka-issue lang ng Intel report na 'yon kay Drake at may suspect na sa pagkamatay ni Xander," sabi ko sa kanya.

Tumango tango siya sa'kin at tinayo ako para paupuin sa couch sa sala.

Umupo ako do'n at tinukod ang mga siko sa tuhod at tinakpan ang mukha ko ng aking mga kamay saka binuhos lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko.

Kaya pala ako dapat! Dapat nga talaga ako na lang.

Naramdaman ko ang mga kamay ni Ivan na humahagod sa likod ko. Nakakapanghina talaga 'to. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Masiyado na siyang maraming pagkakautang sa'kin na sa puntong hindi ko na alam kung paano siya sisingilin.

Hindi ko na matandaan kung paano nagsimula ang lahat ng ito. Basta nakita ko na lang siya na nasa labas ng bakod at tinutukan ako ng baril. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon ginawa at kung bakit gusto niyang sirain ang buhay ko. Anong kasalanan ko sa kanya? Anong motibo niya?

Pinunasan ko ang mga mata ko at tinignan si Ivan.

"Nagalit sa'kin si Drake dahil sa sinabi sa kanya ni Cyrus. Sinabi sa kanya ni Cyrus na ako talaga ang pakay ng pumatay kay Xander. Ako dapat 'yon, Ivan. Ako dapat," nanghihina kong sabi kay Ivan.

Gusto kong ipilit na ako dapat ang namatay. Xander didn't deserve it.

"Yong prime suspect na sinabi ni Intel, ay 'yong leader ng sendikato na naging parte ako dati. No'ng sinabi ni Drake na ako dapat ang mamamatay, nagtaka ako kung bakit? Pero ngayon alam ko na. Dapat ako pala talaga. At hanggang ngayon, hinahabol pa rin niya ako," paliwanag ko.

"Hindi ka na niya masasaktan Alex. Hindi ako papayag," sabi niya at pinunasan ang luha ko.

Nililis ko ang damit ko para ipakita ang balikat ko na may tatlong paso ng sigarilyong nandoon.

"Minarkahan niya ako Ivan. Ako lang ang kailangan niya. Ayoko ng mandamay pa ng iba pang tao," sabi ko at umiyak na lang. Parang gusto ko na lang sumuko agad kahit hindi pa lumalaban. Pero alam kong hindi pwede. Hindi pwedeng sila na lang ang palaging masaya at ako na lang ang iiyak.

Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit na para bang pinaparamdam niya sa'kin na ligtas ako.

"Hindi mo kailangan matakot. Hindi kita pababayaan," sabi niya sa'kin habang inaalu at hanggang sa makatulog ako sa bisig niya.

Nagising ako na nasa kwarto ko na. Ngayong kilala ko na ang kalaban ay alam ko na dapat ang kailangan kong gawin. Bumangon ako at hinarap ang salamin.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon