Kabanata 15

55 21 12
                                    

Beside me

"Alex, kanina pa kita hinahanap dumating na si Coach Buboy," salubong sa'kin ni Lance. "Teka, anong nangyari sa paa mo?"

"Injured," maiksi 'kong sagot.

"Sige Lance, pupuntahan lang namin si Coach Buboy," sabi ni Drake at inalalayan na 'ko.

"Oh, okay. Si Ivan pala umalis na. Drake, ihatid mo na lang daw si Alex pauwi. Ano bang problema no'n?" pahabol pa ni Lance.

"Baka masama ang pakiramdam," si Drake na ang sumagot.

And what now? Masama ang loob niya sa'kin? Galit siya? Alam niya namang injured ako tapos iiwan niya na lang ako ng ganoon ganoon?

Sa sobrang dami ng gumugulo sa isip ko ay di ko namalayan na nakarating na pala kami ng faculty.

"Congratulations Alex. I knew it! You can win the game," bungad sa'kin ni Coach Buboy.

"They won the game Coach. We won," nakangiti kong sagot.

"Oh teka! Anong nangyari diyan?" tanong niya nang mapansin ang benda sa paa ko.

"Injured po. Hanggang rubber shoes lang po siguro ako at hindi sa heels,"  sagot ko at bahagyang tumawa.

"Mas mabuti pang ipahinga mo na 'yan nang di na lumala. Pinag-iisipan ko pa namang isali ang team sa tournament at gusto kong kasama ka pa rin sa pagko-coach sa kanila."

Alam kong hindi ako makakatanggi kay Coach Buboy kaya um-oo na lang ako para din di na niya ako kulitin pa. Wala pa naman ako sa huwisyo sa mga panahong 'to. Pakiramdam ko napaka-preoccupied ko kahit hanggang pagdating namin sa bahay. Nakalimutan ko ng yayain si Drake na pumasok. Buti na lang ay si Tita na ang gumawa. Di ko na rin naisipan pang kumain at dumiretso na 'ko sa kwarto. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko na para bang may mabigat akong dinadala.

Pasalampak akong humiga sa kama pagkatapos magbihis at nag-online sa Facebook account ko. Napakaraming notifications at friend request pati na messages ang bumungad sa'kin. Binuksan ko ang notifications at nakita ko 'yong mga naka-tag sa'kin na post. Pagkatapos ay sa messages naman ako pumunta. Iba't ibang papuri lang din ang mababasa do'n. Sunod ko namang dinalaw ay ang mga nag-friend request. Karamihan do'n ay ang mga schoolmates ko at ang kabilang team na nakalaban namin ngunit may isang pangalan na umagaw ng atensiyon ko. Agad kong pinindot ang confirm at nakatanggap ng message galing sa kanya.

Kris Andrew Reyes:
Good evening 'Deng. How was your day?

Agad akong nagtipa ng message bilang reply.

Alexandrea Reyes:
Are you real?

Hindi pa rin ako makapaniwala na nakaka-chat ko siya ngayon.

Kris Andrew Reyes:
Of course! Hahahaha. I can't believe it too.

Alexandrea Reyes:
I just can't see this time coming.

Sa aming dalawa siya ang mas malakas. Siguro dahil na rin sa lalaki siya. Lagi niya akong pinagtatanggol at pinoprotektahan sa mga nang-aaway sa'kin dati.

Sa aming dalawa siya ang pinakamalapit sa mga tao at ako naman ay lagi lang nakakulong sa kwarto. He was the transparent and I am the translucent. He is friendly and I am the introvert. Maraming nagmamahal sa kanya as he got the attention of all the people around us while me, I am the audience. Contented in watching him giving happiness to our parents.

He was so confident and free while I am the timid one and reserved. I am completely opposite version of him but I think that's not the enough reason para iwan ako at siya lang ang isama.

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon