Kabanata 24

23 5 1
                                    

Hitler Volts

Sinabihan ako ni Ma'am Flabio na magsulat ng affiliation letter tungkol sa case ko para maging formal ang lahat bago niya i-grant ang wish ko.

Nauna ng lumabas ang lahat at naiwan ako na inaayos pa rin ang mga gamit ko na nagkalat sa sahig. Kasama ko si Joshua na inaantay pa ako at si Mr. Cruz na aligagang inaayos ang mga test paper at answer sheet ng mga kaklase ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ay nilapitan ko siya hawak hawak ang answer key na lukot lukot na.

"Ito ba 'yong hinahanap mo," tanong ko sa kanya at itinaas ang papel habang iniisa-isa niya ang mga test paper at nagbabakasakaling makita ang hinahanap.

"Paanong...?" tanong niya na hindi makapaniwalang nasa akin pala 'yon.

"Ano man 'yang binabalak mo, hinding hindi ka magtatagumpay," sabi ko sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

Balak niya sanang agawin 'yon pero agad kong inilayo 'yon sa kanya at pinunit ng pinung-pino saka hinulog sa kape niyang hindi pa nauubos.

"Good luck sa susunod mong plano," sabi ko at lumabas ng room.

"Ngayong nakilala mo na siya, mag-ingat ka na. Please lang," sabi ni Joshua na nasa likod ko pa rin pala. Mahahalata talaga sa boses niya na nag-aalala siya.

"Hindi ko pa siya kilala. Kikilalanin pa lang," sabi ko at nginitian lang siya. "Salamat nga pala."

"Mauna na ko," sagot niya at nilagpasan na ako.

Tinignan ko lang ang likod niya habang lumiliit ito hanggang sa napalitan ito ng imahe ni Ivan na nakatingin sa'kin. Tinignan ko lang siya ng ilang sandali at umiwas na din. Hindi ako sigurado sa reaksiyon niya at ayaw ko ng makita 'yon.

Mabilis akong naglakad at lalampasan na sana siya ng bigla niya akong hawakan sa braso.

"Bumalik ka na sa team. Wag mo silang idamay sa galit mo sa'kin," sabi niya at umalis din agad.

'Yon ba talaga ang tingin nila? Na galit lang ako sa kanya kaya nadadamay ang team.

Pinikit ko ang mga mata ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi gano'n ang gusto kong mangyari. Hindi ako galit kay Ivan o sa kahit na kanino man sa team. Nagagalit ako sa sarili ko at hindi sa kanya.

Nagalit ako nang makita ko ang sarili ko na bukas na naman sa ibang tao. Nagagalit ako dahil umaasa na naman ako na makakahanap ako ng pamilya mula sa kanila. Nagagalit ako kasi umaasa na naman ako na parang hindi ko alam 'yong sakit ng maiwan. Nagagalit ako kasi alam kong sa huli maiiwan na naman akong mag-isa.

"Alex, malapit na ang training. Hindi pa rin ba nagbabago ang isip mo?" Nag-angat ako ng tingin kay Kean na nakatayo sa harap ko dito sa cafeteria.

"Kean, wag niyo sanang isipin na galit ako sa inyo," umpisa ko.

"Pero parang 'yon ang lumalabas," giit niya at nilapag ang pagkain sa mesa ko sabay upo.

"Hindi 'yon gano'n."

"Tinuring ka na naming pamilya Alex. Hindi namin maipapanalo ang tournament kung wala ka."

"Wag mong sabihin 'yan. Magagaling naman kayo ah! At manonood ako do'n. Iche-cheer ko kayo. Pangako." pag-aalu ko sa kanya na parang bata.

Tinignan niya lang ako at inirapan. Okay fine. Ano pa bang pwede kong gawin?

"Hindi ko kailangan ng mga pangako mo Alex. Kailangan sumama ka sa'min sa training."

"Kean-"

"Iiwan mo na lang ba kami sa ere? Wala lang ba sa'yo 'yong mga pinagsamahan natin kaya ang bilis lang para sa'yo ang tumalikod. Ano bang ginawa sa'yo ni Ivan-"

They're gone with AndreaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon