Graciela's POV
Nang lumabas si Yvo para maglunch, dumating naman ang isang mala-modelong babae na may dala dalang baby carrier at tumigil ito sa harap ko.
"Hello. Ako nga pala si Stacy, sister-in-law ako ni Yvo," pagpapakilala nito. "His brother Yuan's wife. Nandyan ba sya?'
"I'm sorry Maam, pero kalalabas lang po niya para mag-lunch. Im his new assistant, Graciela. Can I help you with something Maam?" alok ko.
"First,just call me Stacy. Nice meeting you Graciela." ngumiti ito at nakipagkamay sa akin. "Naikwento nga sa akin ni Lola na ikaw ang bagong assistant ni Yvo."
"Nagpapasalamat talga ako kasi binagyan niya ako ng trabaho dito." sabi ko
Natigil ang pag-uusap namin nang umiyak ang baby sa carrier na hawak nito.Napangiwi naman si Stacy habang pinapatahan ang bata. Nang tumigil na ito kakaiyak, tumingin si Stacy sa akin. "May appointment kasi ako kay Ivan nagyon.Tutal asa kumpanya siya. Pag-uusapan kasi namin ang nalalapit na anibersaryo ng kupanya. Thought hindi naman ako parte ng kumpanya.I guess its part of being a wife of a Villareal."paliwanag niya.
"Thats nice of you." sabi ko.
"Pero gising na kasi itong si Yancy. I was hoping na iiwan ko muna siya kay Yvo habang kausap ko si Ivan sa baba."paliwanag nito.
"Ah, well..." habang tinitignan ko si Yancy, parang di ko maimagine na maaalagaan siya ni Yvo kasi naman wala sa mukha nito ang mahilig sa bata. Pero hindi naman ipapaalaga ni Stacy si Yancy kung hindi nito lubos na kilala si Yvo.
"Gaano katagal ba ang pag-uusap niyo ni Sir Ivan?" tanong ko
"Kalahating oras lang siguro. Yun lang kasi ang kayang isingit sa schedule ni Ivan." Inaalog nito ang carrier nang magsimula na namang umiyak si Yancy. " Di bale nalang siguro. Isasama ko nalang siya tutal mahilig naman si Ivan sa bata. Wala nga lang kaming masyadong magagawa."
Tinignan ko ang hourglass. Hindi naman tumatagal ng isang oras pag nag-lunch ito ah.
"Parating na rin siguro si Sir Yvo. Kung gusto mo, iwanan mo na lang si Yancy dito at ako nalang muna ang titingin sa kanya hanggang dumating si Sir." mungkahi ko
"Talaga? Ang bait mo naman," sabi nito habang nakangiti ng maluwang na para bang nabunutan ng tinik. "Tutal napakain ko na siya at kapapalit ko lang din ng diaper niya kaya wala ka ng proproblemahin pa." Ibinigay na nito sa akin ang carrier. "Thank you talaga ha?"
"Walang problema. Ilan taon na si Yancy?" tanong ko
"seven months." Ibinigay nito sa akin ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Yancy. "Babalik din ako agad." kinawayan ako nito habang halos patakbo itong umalis.
"dito lang tayo, di ba baby?" tanong ko kay Yancy na nakangiti na ngayon.
I always love children.
Sabi ni Giana, hindi man daw ako lapitin ng lalake...lapitin naman daw ako ng mga bata. Napakabuti talaga ng kapatid ko. Hindi naman sa pagmamayabang pero natutuwa sa akin ang mga bata. Hindi ko rin alam kung bakit.
Nilalaro ko muna ito ng kaunti pagkatapos ay iniangat ko na ito sa carrier niya at iniupo sa kandungan ko. I cuddled him and bounce him a bit.
Pilit naman nitong inaabot ang papel na nasa mesa ko. Inalis ko ang mga papel sa harapan niya pero naabot naman nito ang isang ballpen at inihulog sa sahig. Iniupo ko na lang ito sa mesa paharap sa akin.
"You're a busy boy. Gusto mo bang maging katulad ni Tito Yvo mo na trabaho ng trabaho?"tanong ko kahit alam ko namang hindi niya ako sasagutin.
Ngumisi si Yancy sa akin at nagburped pa. Kumuha ako sa bag ng malinis na towel. "huhugasan na lang kita sa banyo." sabi ko dito. binuhat ko na ito at dinala sa prvate bathroom sa loob ng opisina ni Yvo.
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Pregnant
General Fiction[Tagalog/Completed] Graciela's new boss is young, extraordinarily handsome, and the successful, Yvo Villareal. Although he's a workaholic, a robot man, there's an unmistakable connection between them, and she knows he feels it too. But she's not abo...
