Chapter 38 The President

434K 6.1K 538
                                    


Mrs. Carmela Villareal's POV

Its been ten years nang maaksidente at mamatay ang anak kong si Jaime,ama nina Yvo. Kasama nito ang asawang si Ivette.

Halos mabaliw ako ng araw na iyon. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari sa apat kong apo nang hindi sila masasaktan.

Theyre too young to feel the kind of pain I was suffering as a mother. Masakit para sa akin pero mas masakit para sa mga bata ang mawalan ng mga magulang.

Nagpapasalamat ako at nandyan ang mga iba kong anak at apo para kahit papaano ay tulungan akong pagaanin ang bigat na nararamdaman nina Irvin,Yuan,Yvo at Ivan.

Sina Irvin at Yuan na maski nasasaktan ay madaling natanggap ang masamang balita. Si Ivan ay masyadong dinibdib ang nangyari. Araw-araw siya noon na umiiyak. He is only thirteen at that time.

Pero natakot ako noon para kay Yvo.

He didnt cry.

Walang kahit na anong luha ang pumatak galing sa kanyang mga mata.

Hanggang sa hindi ako nakatiis at kinausap ko siya. Pinilit ko siyang ilabas ang nararamdaman niya. Pinilit ko siyang umiyak.

Ngunit hindi iyon nangyari.

Mas tumatak sa aking isipan ang mga salitang nasabi niya.

I hate him. I hated my father.

Hindi ko alam kung paano niya nasabi ang bagay na iyon. Gayong aksidente ang lahat ng nangyari. Tinanong ko siya pero wala akong nakuhang sagot.

Thats Yvo.

He never opened up about his feelings to anyone. He just keep it to himself.

Hindi ko na kilala si Yvo pagkatapos mailibing ang mga magulang nila.He became cold and distant. He doesn't seem to care if he emotionally hurts someone.Naging manhid siya sa mga bagay-bagay.

When I took over the position of Jaime as President he always come with me.

Sa apat na magkakapatid, siya ang mas nagpakita ng interes sa kumpanya.

Kahit saan basta tungkol sa negosyo hindi siya nagpapahuli. I want him to enjoy his teenage life.

He wants to join my world at a very young age.

Pero pinigilan ko ito. Hinintay ko munang makatapos siya ng pag-aaral bago ko pagbigyan ang kagustuhan niya.

Isanga araw ipinakilala niya sa akin si Sandra. Nasilayan kong muli ang dating Yvo na masayahin at puno ng kislap ang mga mata.

I really like her. Botong-boto ako sa kanya. Palaging silang magkadikit. At palagi kong sinasabi kay Yvo na si Sandra na siguro ang babaeng makakatuwang niya sa buhay. Na sinegundahan naman niya.

Tinuring ko na rin si Sandra na parang tunay na apo.

Hanggang sa nadiagnosed ako ng sakit sa puso.

Masyado pang maaga ngunit kinailangan kong ipasa ang buong pamamahala kay Yvo bilang CEO. Dahil nagkaroon ng malaking problema ang kumpanya nang mga oras na iyon. I am still the president but I dont do that much for the company anymore. Kailangan lang nila ang opinyon ko sa mga bagay-bagay.

Hindi na umangal pa ang board members ko dahil madami nang napatunayan si Yvo kahit fresh graduate pa lang siya noon.

He excels in everything. He is a good leader. Kaya hindi ako nagdalawang-isip sa desisyon ko.

Pero hindi ko akalain na ang desisyon kong iyon ang muling nagpabalik kay Yvo sa dati.

He's ruthless and numb again. He spends most of his time in the office. Lumayo ang loob niya sa pamilya. If there is a family gathering... he is only with us physically. Masyado siyang naging aloof sa amin.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon