Graciela's POV
Nang sumunod na araw pagkatapos ng trabaho, nasa firm ako ni Ivan para sa regular workshop na ito mismo ang nagtuturo. Pinagmamasdan ko lang ito habang nakahawak at masusing sinusuri ang designs ko.
"These are really great " komento niya.
"Thank you." pasasalamat ko.
"youre a natural. I will definitely hire you once you get out on my brother's boring office" biro nito pero mukha naman siyang seryoso.
"alam ko naman yun kaya lang im just an amateur." dugtong ko
Narinig kong bumukas ang pintuan. "Hindi ko alam na balak mong makatrabaho ang isang baguhan?" tanong nito kay Ivan habang palapit sa workshop table namin. Napayuko ako. My excitement became bubbles because of what he said
"Doon naman tayo nagsisimula Kuya. But dont worry. Shes good. Tignan mo pa ang design niya." inaabot ni Ivan ang mga sketch ko kay Yvo.
Napakagat labi ako habang nakatingin kay Yvo na sinusuri ang design ko.
Talk about being judged. Siyempre si Ivan, siya yung artistic, pero si Yvo ay puro negosyo...he'd look at my work from an entirely different perspective. Kaya nirerespeto ko ang talino at panlasa nito.
Napahugot ako ng hininga.
"I'm impressed,' sabi ni Yvo pero matalim ang pagkakatingin sa akin. "So ito ang pinagkakaabalahan niyong dalawa." dugtong nito. Binalewala ko na lang yung huling sinabi nito bagkus dun ako sa positibong komento nito sa gawa ko. Ewan ko ba pero mahalaga sa akin na magustuhan niya yung gawa ko.
"Bakit ka nga pala nandito kuya?" tanong ni Ivan sabay abot sakin ng design ko.
"May natanggap akong balita. The Magna Group is pulling out of our European deal."malungkot na balita niya.
"What the heck?" bulalas ni Ivan na nakapameywang. Naiintindihan ko kung bakit ganun na lang ang reaksyon nito. Narinig ko kung gaano katagal na nilang pinaplano ang european anniversary event tapos mababalewala na lang lahat dahil sa nawalang deal?
"Anung nangyari?" tanong ni Ivan. "Eh mukang excited pa nga si Thomas Magna sa pakikipag-alayansa sa atin. I cant believe he changes his mind."
"Inatake siya sa puso last week. Kaya hindi pa naipapadala sa atin ang final documents. Napagdesisyonan din ng board of directors nito na ipawalang bisa ang kontrata."
"Bro, Im sorry." sabi ni Ivan sabay tapik sa balikat nito. "Youve work so hard on this deal."
Alam ko na mahabang panahon ang pinaghanda ni Yvo para lang makuha ang deal na iyon. Sa anim na taon niyang pagiging CEO, naipakilala nito ang kumpanya hindi lang sa Asia kungdi sa Amerika din. Para ipagdiwang ang nalalapit na anibersaryo ng Villareal Incorporations, plinano nitong dalhin ang kumpanya sa Europa. Pero mukang hindi na ata matutuloy pa ito.
"Too hard to give up now," sabi ni Yvo. Madilim ang mga mata nito. "Ive gone through the notes on our alternative choices. I like BMW Group as a close second. Norbert Reithofer has agreed to meet with me next wednesday. Kaya meron tayong isang linggo para maghanda at baguhin ang plano. Ms Garces, kailangan ko ang mga notes kanina." baling nito sa akin
"Yes Sir." mailking sagot ko.
"Kailangan mo din sumama sa akin sa London para sa meeting ko kay Reithofer. Kaya icancel mo na yung pinareserve mo na hotel dati dahil may inalok si Reithofer na suite para sa atin sa hotel na pagmamay-ari niya."
"Tayo?" bulalas ko.
"Oo, kailangan mong sumama." balewalang sagot nito
"London." napatulala ako. Iniisip ko yung Big Ben, Buckingham at westminster abbey. Grabe.
"Ms Garces?" napabalik ako sa kasalukuyan.
"I can handle the change in reservations. Pero baka hindi ako makakuha ng kaparehong flight ng sayo. Hindi din avilable ang private plane." sabi ko.
Sa totoo lang halo-halo ang nararamdaman ko sa pagsama ko sa kanya sa London. Siyempre excited na ako makapunta sa London kaya lang yung makasama siya sa buong biyahe at sa london, dun ako parang aligaga.
"Edi baguhin mo yung flight ko." sabi nito sabay tingin sa kanyang relo. "Pwede bang bumalik ka sa opisina? Gusto kong mgtrabaho ka sa BMW deal full-time." palabas na ito ng workshop habang nagsasalita.
"I'll get started right away," sagot ko.
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang makasama sa mga ganitong deal ay ang paraan para mapatunayan ko na karapat-dapat ako sa trabahong ito. Maganda din ito para sa resume ko. Plus pupunta kami ng London.
Kaya lang mukhang magkasama pa kami ni Yvo sa iisang suite.
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Pregnant
General Fiction[Tagalog/Completed] Graciela's new boss is young, extraordinarily handsome, and the successful, Yvo Villareal. Although he's a workaholic, a robot man, there's an unmistakable connection between them, and she knows he feels it too. But she's not abo...
