Chapter 33 Turning tables

429K 5.4K 271
                                    

Dedicated kay baby face dahil sa wakas nag-update na siya. Hindi na siya stick to chapter one. Heheh. Please do read her stories.  Maganda po ang story niya kahit itaga niyo pa sa abs ni CG. :)

Graciela's POV

Ano nang gagawin ko ngayon?

I asked the cold breeze as if it is going to give me a heartwarming answer. Hindi na ako nag-abala pa na sipatin kung anong oras na.

I wiped my tears. Tumingala ako sa langit.

Natawa ako sa aking sarili dahil sa lahat ng iniwanan, ako lang ang nagawa pang maglinis sa kalat ng nang-iwan sa akin. Sa sobrang tulala ko kanina, i unconsciously cleaned up the mess in his suite before I left. 

Nakikiayon din ata ang panahon sa sitwasyon ko ngayon.

Wala akong makita na kahit isang bituin.

It looks like its going to rain.

I dont care.

I just want to cry my heart out.

I didn't think my heart could break any more than it already has. The pieces still inside of me feel like broken glass. Every time I take a breath, they stab into me.

It never ends.

Napatigil ako sa paghikbi nang may umupo sa katabing upuan sa swing kung saan din ako nakaupo. May kaunti lang na distansiya. Hindi ko agad nakita ang mukha niya dahil medyo madilim dito sa parteng kinauupuan ko. At blurry na din ang paningin ko dahil sa kakaiyak. 

Hindi ko alam kung matatakot ba ako o ano. Pero nang malanghap ko ang panlalakeng pabango niya ay napagpasyahan kong huwag nanag magduda pa. Siguro naman matino siyang lalake at hindi siya gagawa ng kahit anong masama. At tsaka madami naman ang mga tao dito sa parke. Yung nga lang, they are all busy with their monkey business. Hindi ko alam kung anong meron sa parke at dito sila parati naghahasik ng lagim.

Nandito kasi ako ngayon sa park malapit sa Belavill Hotel.Nang makita ko ang lugar na ito paglabas ko ay agad ko itong pinuntahan.

Valentines na ba?

Bakit ang daming couples dito.

Ang sakit sa mata.

What can I say? I love torturing myself.

Napuno nang katahimikan.

Sisinghot-singhot na hinalughog ko ang bag ko para sana kunin ang panyo ko o kahit tissue man lang. Pero ilang minuto na ang lumipas pero hindi ko pa rin ito makita.

"Asan na ba yun?" mahinang usal ko.

Napatigil ako nang marinig ko ang malakas na buntong-hininga nung lalake.

Tumingin ako sa direksyon niya. Tumayo siya at meron parang dinudukot sa loob ng jacket niya. Napayakap ako sa bag ko.

Brokenhearted na nga ako ngayon.

Huwag naman na sana madagdagan pa ang kamalasan ko ngayong araw na ito.

Akmang tatayo na ako at handa nang tumakbo nang biglang niyang ilahad ang isang kamay niya. Nagulat ako nang panyo ang inaabot niya sa akin.

Nagdadalawang-isip ako kung kukunin ko ang panyo. Una,hindi ko siya kilala. Pangalawa, baka may gamot ito. Ganun ang ginagawang modus ng mga iba ngayon.

Pero tumutulo na naman ang sipon ko. Kailangan ko na talaga ng pampunas. Nakakadiri na kamay ko ang gawin kong pamunas.

Kinuha ko na lang ang panyo tutal wala naman akong naamoy na kakaiba doon nang ilapit niya iyon sa mukha ko. Medyo kaamoy lang ng pabango niyang nalanghap ko kanina.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon