#8GF,#10R wow. Dahil dyan baka may UD ulit ako. hahha!
Yvo's POV
"Kuya,umuwi muna tayo at nang makapagpahinga ka. Kahapon ka pa nandito." aya ni Ivan. Kadarating lang nito galing opisina dahil siya na muna nag-aasikaso doon habang wala ako.
Kahit hindi ako kinakausap ni Graciela ay okay lang basta nandito lang ako malapit sa kanya.
Umiling ako.
Nakita kong umirap sa amin si Giana. Tinawagan siya ni Ivan kahapon para pumunta dito sa hospital. Pagkatapos niya akong sisihin kahapon ay hindi na rin niya ako kinakausap. Palagi lang itong nakatungo sa magazine na binabasa niya o di kaya ay nakikipagkwentuhan kay Graciela kapag siya ay gising.
Naiintindihan ko siya dahil maski ako ay sinisisis ang aking sarili.
Tinapik ni Ivan ang balikat ko.
"Sige na kuya. Kakausapin ka daw ni Lola and she wants to see Graciela too. Pero kung pupwede daw ay ikaw ang magdala sa kanya dito bago man lang mailabas si Graciela." mamayang gabi na kasi ang labas ni Graciela dito sa hospital. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ayaw kong umalis.
Gusto kong ako mismo ang maghatid sa kanya sa kanilang bahay. Kung pwede lang nga sa akin na lang siya tumuloy kaya lang sa sitwasyon ngayon ay alam kong hindi siya papayag.
Napatingin ako sa nakahigang si Graciela. Hindi ko alam kung tulog ba talaga siya o nagtutulug-tulugan lang.
"Nandito naman si Giana eh." pangungumbinsi ulit ni Ivan.
Tumango ako.
Lumapit ako kay Graciela at hinalikan ito sa may noo.
"I'll be back,sweetheart. I love you." sabi ko.
Nanatili itong nakapikit kahit pakiramdam ko ay gising ito.
Mabigat ang dibdib kong tinungo ang pintuan palabas ng kwarto niya.
"Kuya,just give her time to heal." sabi ni Ivan.
"I know. Hindi ko lang talaga mapigilan ang sumama ang loob. Nawalan din ako Ivan pero pinipilit ko na lang intindihin ang sitwasyon."
"Naiintindihan ko. You'll get through this."
Sana nga makapagsimula kami ulit ni Graciela ng panibago. Nawala man ang baby namin,alam kong may ibang plano ang Diyos para sa amin.
Elias's POV
"Sandra Yamada, may dalaw ka." tawag ng pulis na sumama sa akin kung saan ang selda ni Sandra. Gusto ko na siyang ilabas dito kaya lang hindi daw siya pwedeng magpiyansa. Hindi ko alam kung anong ginawa ng Villareal na iyon para hindi siya makapagpyansa.
Naabutan kong nakasandal si Sandra sa may rehas. Nakayakap ito sa kanyang mga binti. Sinenyasan ko ang pulis na pwede na ako dito. Lumayo naman ito ng kaunti para bigyan kami ng privacy. May mga kasama si Sandra sa loob ng selda. Nakahiga ang mga ito sa karton na para bang walang mga pakialam sa mundo.
Umupo ako paharap kay Sandra. Hinaplos ko ang mahaba nitong buhok.
"Ang tigas talaga ng ulo mo." halos pabulong kong sabi.
Pinigilan ko na siya na huwag niyang iituloy kung ano man ang binabalak niya nang komprontahin niya ako sa parking lot ng Piada. Yun din ang araw kung saan humingi ako ng tawad kay Graciela dahil hindi ko na kaya ang magsinungaling sa dati kong kaibigan.
Doon na siya nag-angat ng mukha. Magang-maga ang mga mata nito. Napansin ko rin ang pasa nito sa bandang gilid ng labi niya.
"Sinong may gawa sa iyo niyan?" turo ko sa pasa.
Umiling lang siya.
"I deserve this. Bakit ka pa nagpunta dito?" malungkot na sabi niya.
"Alam mong hindi kita matitiis. Ilalabas kita dito kahit na anong mangayri." sagot ko.
"Huwag ka nang mag-aksaya ng panahon Elias. Gagawin lahat ni Yvo manatili lamang ako sa seldang ito."
"I will not let that to happen. Kung kailangan kong magmaka-awa sa kanya gagawin ko."
Hinaplos niya ang pisngi ko at pilit itong ngumiti. Pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang mainit nitong palat sa balat ko.
"Naalala mo ba nang tanungin mo ako kung ano ang ginagawa ko sa France?" biglang tanong niya.
Dumilat ako at tumango.
"I told you that I am looking for someone who can fix my broken heart." napatawa siya ng peke. "Tapos sabi mo, baka ikaw ang hinahanap ko kasi expert ka sa pagkukumpuni." nasabi ko lang iyon noon dahil negosyo ko ay ang pag-aayos ng mga sasakyan.
"Bakit mo sinasabi ang mga ito sa akin?"
"Kasi broken hearted ako ulit. And this time, i dont want you to fix me."
"Sandra---"
"No Elias. Hindi mo ba nakikita? Hindi ako nakabuti para sa iyo. sa sobrang pagmamahal mo sa akin,nakalimutan mong pahalagahan ang sarili mo. Nakalimutan mong may pamilya ka pa. Nakalimutan mong kapatid mo si Elliot. Kinamuhian ka nila nang dahil sa akin. Nagawa mong magsinungaling sa mga kaibigan mo dahil sa akin. Lahat nang iyon dahil sa akin. I turned you into a monster."
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay.
"Pwede naman tayong magbago na dalawa. Magpakalayo-layo na tayo dito."
Binawi nito ang mga kamay niya.
"Dumalaw sa akin si papa kanina. Napatawad na niya ako sa lahat ng mga nagawa ko. Kung sakaling makalabas ako dito, sasama na ako kay papa sa Canada. We will be staying there for good. Ipinangako ko sa sarili kong hindi ko na ulit siya bibiguin. Kaya Elias huwag ka nang mag-aksaya na dumalaw pa sa akin dito. I want you to live the rest of your life without me."
"Hindi ko kaya Sandra. Alam mong mahal kita. Huwag naman ganito oh!" pakiusap ko.
"Alam mong hanggang pagmamahal lang ng isang kaibigan ang maibibigay ko sa iyo Elias."
Napayuko ako. Alam ko naman iyon pero hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sana magbago ang isip niya at ako naman ang mahalin niya.
Pero siguro nga hindi na mangyayari iyon.
Sa dami ng pinagdaanan namin,ang hirap bumitaw.
"Tanggap ko na. Na hindi na kami magkakabalikan pa ni Yvo. Hinihiling ko na lang na sana mapatawag nila ako. At sana matanggap mo din ang naging desisyon ko. " sabi niya.
"Youre a good man, Elias. And I am very lucky that I have met you." umiiyak nitong pahayag.
Kahit may rehas na pumapagitna sa amin ay pinilit kong yakapin ito.
Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin ang desisyon niya pero kung ito ang makapagpapasaya sa kanya ay pipilitin kong unawain.
At kung magkita man kami ulit, hinding-hindi ko na siya papakawalan pa.
-------------------------------------------------------------------
A/N Dont forget to vote and comment :)
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Pregnant
General Fiction[Tagalog/Completed] Graciela's new boss is young, extraordinarily handsome, and the successful, Yvo Villareal. Although he's a workaholic, a robot man, there's an unmistakable connection between them, and she knows he feels it too. But she's not abo...
