Chapter 19 Girl talk

512K 5.5K 110
                                    

 

Graciela's POV

"Good Morning ate!" bati ni Giana sa akin at humalik sa pisngi ko.

Pagkatapos ay umupo ito sa silya sa tapat ko at nakita kong nakukunot noo itong papalit-palit ang tingin nito sakin at sa iniinom ko.

"Good Morning," balik kong bati..."Bat ganyan ka makatingin sakin?" habang sumisimsim sa iniinom ko.

"Your weird lately you know. Strawberry juice in an early morning? Really?" takang tanong nito.

"Whats wrong with this. Gianna, this is a healthy drink. Palibhasa kasi puro coke lahat laman niyang katawan mo." sabi ko

"Yeah right! Sa pagkakaalam ko kasi you never drink juice in the morning. Youre always a coffee person."

Shes right. I dont drink anything in the morning except a cup of coffee or just water. Hindi ko din naman alam pero gusto ko talaga ng juice na strawberry flavored.

"At tsaka san ka kumuha ng juice...eh wala tayo nun?"tanong nito habang naglalagay ng peanut butter sa bread nito tsaka kumagat ito dito.

"edi sa 7 eleven. Ano, may tanong ka pa?"

"Wow ha, lumabas ka pa talga ng ganito kaaga para bumili. So not you. Teka nga," ibinaba nito ang kinakain sa plato pagkatapos ay tumayo ito sa pagkakaupo. Pinalibutan ako nito at hinawakan ang magkabilang-balikat ko. Sinusuri niya ang buong mukha ko na parang may makukuhang impormasyon doon.

"Ano ba?" sabi ko habang tinatabig ang kamay nito sa balikat ko. "Ikaw ata ang weirdo eh."

Nagkibit balikat itong umupo ulit sa upuan nito at ipinagpatuloy ang pagkagat sa sandwich nito.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon