Chapter 50 PART 1 Choices

424K 5.6K 402
                                        

Graciela's POV

I wished Yvo was here. Nami-miss ko na siya. Naging clingy na nga ako nitong nakaraang araw bago siya lumipad patungong London. Gusto kong sumama. Pero alam kong hindi iyon makakabuti sa kalagayan ko. Mas mahabang biyahe ang london kumpara dito sa Tagaytay. At kahit ipagpilitan ko pa ay tiyak na hindi siya papayag.

"Ate, what are you doing here? You should go out and explore. Kahapon ka pa ganyan." bungad ni Giana. Kasalukuyang nagmumuni-muni kasi ako dito sa balcony ng hotel room namin. Tanaw dito ang Taal Lake kaya maganda ang tumambay at tumunganga na lang sa sobrang ganda ng view.

Tumabi siya sa akin at nakitanaw na rin habang sumisimsim sa hawak niyang ice candy.

Napalabi ako. Gusto ko rin ng ice candy pero ayaw ko ng malamig. I'm a bit picky but on a weirder side. "Heto nga sa kaka-explore ko,lumobo ang tiyan ko."

Tumawa ito sabay akbay sa akin.

"It's your birthday pero mukha kang namatayan."

"Don't say that. Mas lalo akong ninenerbyos sa'yo eh."

Tumagilid ito ng harap sa akin. "Bakit ka nenerbyosin?"

"Kasi hindi ko makontak si Yvo. Hindi man lang niya ako tinatawagan." malungkot na sagot ko. Nakatulugan na ako kahapon sa kakahintay sa tawag niya. Hanggang ngayon wala pa rin.

"Ano ka ba? Baka naging busy iyon sa kung ano man ang ipinunta niya doon. Tapos uuwi pa siya agad. Oh! Malay mo naman hahabol siya dito." pampalubag-loob niya sa akin.

Napailing ako. "Imposible! Masyadong malayo ang London. Kung didiretso siya dito, baka umaga na ang dating niya. Baka may nangyari na doon?" tanong ko sabay dukot sa cellphone para i-check kung may tawag o text man lang ako.

"Ano ka ba? Huwag ka ngang paranoid diyan. Baka nasa byahe na pabalik iyon ngayon." sabi niya. Nanlulumong ibinalik ko sa aking bulsa ang cellphone ko. "At tsaka nandyan naman si Allan para magreport sa iyo eh kung meron man masamang nangyari kay Yvo mo."ngumunguyang dugtong niya.

I frowned. "Ikaw! Tigilan mo ang pangungulit kay Allan." Kahapon pa siya tanong ng tanong kay Allan ng kung ano-ano. Napapakamot na lang din naman sa ulo ang lalaki.

"Hmp! Ang cute kasi kapag nakukulitan na sa akin." nangingiting sagot niya.

"At tsaka saan ka pala nagpupunta?" iniiwan na lang ako niyan dito eh. Kaya ayaw kong lumabas kasi hindi ko siya kasama.

"Diyan lang nagtatagu-taguan."

Napataas-kilay ako. "Sino naman tinataguan mo?"

Si Flynn.

"Ano yun?" may sinabi siya pero diko naintindihan sa sobrang bilis ng pagkakasabi niya.

"Ang sabi ko wala. Sino naman pagtataguan ko." itinapon niya ang pinagkainan niya ng ice candy sa maliit na basurahan dito sa balcony. Pagkatapos ay hinila ako nito papasok sa kwarto namin.

"Let's play dress up bago tayo magdinner." aniya.

Napa-huh ako. "Bakit pa eh kakain lang naman tayo."

"Kasi nga birthday mo. Dapat maganda ka. At tsaka hindi tayo nakapag-celebrate kahapon kasi natulog ka." Tama siya. Nakatulog kasi ako kaagad pagkarating namin dito. Dala na rin siguro ng pagbubuntis ko kaya antukin ako.

Napasimangot ako. "Mukha akong lumba-lumba. Sa tingin mo may igaganda pa ako?" Ewan ko ba. Pakiramdam ko ang pangit-pangit ko na. Kahit oras-oras pa ipaalala sa akin ni Yvo na maganda ako. Sinasabi lang naman niya iyon para hindi ako ma-insecure sa mga katrabaho niya na magaganda at sexy.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon