Chapter 29 The Ex games

441K 5K 312
                                    

Dedicated to thimi_mosh. :) Dont hesitate to message me if you want a dedic or yoyu have any questions lovies. ^_~ Thank you for reading.

 Sandra's POV

Inis kong inilapag sa mesa ang cellphone ko. Nandito ako ngayon sa may veranda ng mansyon ng mga Villareal. Naiinis ako dahil hindi sinasagot ni Yvo ang mga tawag ko.

Hindi ka makakatakas sa akin Yvo kahit iwasan mo man ako. Ipapakita ko dyan sa babaeng kinahuhumalingan mo na hindi kayo para sa isat-isa.

Akin ka lang.

I get it.. I am a bitch!

Who cares?

I'm tough,

I'm ambitious,

and I know exactly what I want.

I have to be  a bitch to get things done.

"Uggghh..i need to smoke," bulong ko sa sarili. Pero binawi ko din ang sinabi ko dahil nasa mansyon ngayon si Lola. I need to be the sweet,innocent girl she used to know.

Nakarinig ako ng mga yapak. Paglingon ko ay nakita ko si Lola na naglalakad palapit sa akin. I smiled at her. I really do like her. Maybe because I never had any memories with my grandparents. They were gone just before I came to this world. Nararamdaman kong gusto niya talaga ako para sa apo niya kahit noon pa man. Malapit ang pamilya namin sa mga Villareal. I dont have any slight idea how. kapag tinatanong ko namang si Dad, ayaw niya sagutin. Palagi niyang inililihis ang usapan.

Inalalayan ko siyang makaupo. Matanda na si Lola pero makikita mo ang maawtoridad niyang aura. No wonder hanggang ngayon nakatayo pa din ang Villareal Incorporation with the help of Yvo of course. That is one of the things that I admire about her.

 "Oh iha...ang aga mo ata nagising? May pupuntahan ka ba?" tanong niya na nakangiti. 

Umiling ako. "Kayo po...mukhang nakagayak kayo?"

"Yes. im going to the church."sagot niya habang sinesenyasan ang private nurse niya na lumapit.

Nang makalapit ito ay sinabihan niya itong ikuhanan kaming dalawa ng kape.

"Hindi ko ata nakikita si Yvo na dinadalaw ka?"tanong niya.

I smiled at her. "Alam niyo naman po iyon. masyadong busy sa trabaho." pagdadahilan ko. mas lalo tuloy ako naiinis. Napakuyom ako ng kamao.

Kumalma lang ako nang nakakunot ng noo na nakatitig si lola sa mga kamay ko sa ibabaw ng mesa. Bigla ko itong tinanggal duon at inilaay sa ilalim ng mesa. Inilapag naman ng nurse yung kape namin sa mesa.

Humigop ako sa kape ko.

"Gusto mo bang sumama? Para naman mabawasan ang mga kasalanan mo!" seryoso niyang tanong sa akin habang humihigop sa sarili niyang kape. Nasamid ako ng kaunti. Tinignan ko siya sa mata niya pero wala akong mabasa duon. May alam na ba si Lola?

Natawa siya. "I mean lahat naman tayo makasalanan hindi ba? Kaya nga pumupunta tayo sa simbahan para mabawasan man lang ito kahit konti," paliwanag niya. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ahh...hehe. O-opo sasamahan ko na kayo," nauutal kong sagot. "Dadaan na din po ako sa pad ni Yvo para puntahan siya," dugtong ko.

Tumango siya. "Thats good. para naman makapag-bonding kayo,"

May sasabihin pa sana ako nang may nagsalita sa likuran ko.

"Good morning Lola!!!" sabi ni Isabel. Lihim akong napasimangot.She is wearig a leggings,crop top ang a knee high boots.Very boyish. Ganyan na talaga siya kahit noon pa. Pumapasok siya sa school na hindi man lang nagsusuklay. Masyado siyang maangas. Kaya nga magkasundo sila ni Cookie na bestfriend ko. Magkapareho kasi sila ng personalidad.Nagkakilala lang naman kaming dalawa dahil kay Cookie. Isa siya sa sakit sa ulo ni Lola pero paborito siya ng pamilya nila. She can be sweet and a bitch at the same time. Friends naman talaga kami dati kaya lang nagbago iyon nang maging kami ni Yvo. We became frenemies.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon