Chapter 43 Alone

293K 5.5K 223
                                    

#2 in GF..whaaattt! Thanks for reading you guys :)

Yvo's POV

"Ang mabuti pa Yvo, samahan mo si Graciela sa bahay nila para naman hindi ka nag-aalala." suhestyon ni Lola. Sakay na kami ng elevator ngayon paakyat sa level kung nasaan ang kwrato ni Graciela. Sinundo ko lang siya sa mansyon.

"Lola, i think thats not a good idea." sabat ni Ivan na kasama din namin ngayon.

"Why not?"

Napatingin si Ivan sa akin.

"Galit siya sa akin lola." sagot ko.

"I'll talk to her."

"No need 'la. Ayoko siyang pilitin baka mas lalo pa siyang magalit sa akin."

Natahimik kami nang tumunog ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na kami.

"Fine. Ikaw ang bahala." sabi ni Lola nang naglalakad na kami patungo sa kwarto ni Graciela.

Kumatok si ivan sa pintuan bago ito pumasok. Susunod na sana kami ni Lola nang napatigil si ivan sa pagpasok.

Sinilip ko kung anong nangyari.

Nakita ko ang isang bursing assitant na inililigpit ang higaan ni Graciela. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Linagpasan ko si ivan at luampit rito.

"Miss, bakit mo inililigpit itong higaan. may nakaukopa pa sa kwartong ito."

"Sir, kamag-anak ho ba kayo?"

Mabilis akong tumango.

"Nakalabas na po ang pasyente mga isang oras na ang nakakalipas."

Napamura ako.

Sinadya ba nila ito?

Tumingin ako kay Lola.

"Go ahead iho."

Tinapik ako ni Ivan.

"Ako na ang sasama kay Lola. Puntahan mo na si Graciela sa bahay nila Kuya."

Patakbo kong tinungo ang kotse ko at pinaharurot ito.  Piangpapawisan na ang kamay ko habang nasa daan ko. Kahit may aircon naman ang kotse.Hindi ko gusto itong kabang nararamdaman ko.

Hindi matanggap ng sistema ko ang posibilidad na iwan niya ako.

Umibis agad ako sa sasakyan ng maiparada ko ang kotse sa harapan ng bahay nila. Kakatok na sana ako ng mapansin kong bukas ang mismong gate nila. Agad ako tumuloy. Kumatok ako sa mismong pinto ng bahay.

"GRACIELA? GRACIELA?" pasigaw kong tawag. Pero akong naririnig na kahit anong kaluskos man lang na siyang magsasabing may tao sa loob. Sarado ang lahat ng ilaw. Inulit ko pa ang pagtawag sa kanyang pangalan hanggang sa mapaos na ako.

Nanghihinang napaupo ako sa sementadong sahig. Napahilamos ako sa mukha ko.

Bakit ganito ang buhay?

Bakit hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao?

Bakit kung kailan kaya ko nang ituwid ang mga pagkakamali ko tsaka naman dumating ang mga pagsubok?

Bakit kailangang may maiwan at may mang-iwan?

Hindi naman ito ang unang beses na iniwan ako ng babae pero bakit sobrang sakit ngayon. Siguro ito na ang karma ko sa lahat ng ginawa ko kay Graciela noon. SIguro ganito din kasakit ang naramdaman niya nang iniwan ko siya nang kailangan niya ako.

Maybe I deserve to be left alone.

I wanted to scream out loud and cry.

My grandpa used to say 'Men don't cry.'

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon