Chapter 45 Cemetery

370K 7.1K 412
                                    

Yvo's POV

"LIZA,WHAT IS THIS? HINDI KO SILA PINAPASWELDO PARA LANG BIGYAN AKO NG BULLSHIT NA REPORT.GAWAIN ITO NG MGA TAMAD. SABIHIN MO YAN SA FINANCE DEPARTMENT." bulyaw ko kay Liza na nasa harapan ko ngayon. Kanina ko pa nirereview ang pinabigay na report ngunit puro lamang mali ang nababasa ko.

"Si---sige po Sir. May ipag-uutos pa po ba kayo?" sabi nito sa mahinang tinig. I sighed. Natakot siguro ito sa pagsigaw ko.

Nagulat ako ng siya ang mabungaran ko  dito sa opisina. I am expecting her to report next week. Pero pinatawag siya ng mas maaga ni Lola. Siguro na rin dahil hindi naman masyadong kabisado ni Ivan ang kalakaran sa posisyon ko. Mas mabuting nandito na si Liza noon para matulungan niya ang kapatid ko. Isang linggo din kasi akong naawala. Abala ako sa paghahanap kay Graciela kahit madami ang nagsasabi na antayin ko na lang siya bumalik. Gustuhin ko man pero mas mababaliw ako kung hindi ko siya hahanapin. I dont want to make the same mistake again.

"Im sorry Liza. I guess I am a bit overwhelmed with the amount of work in my desk this morning." kahit may hangover pa ako kagabi ay pinilit ko talagang pumasok ngayon. Lalo na at pinadala na ni Lola si Isabel sa suite ko kaninang umaga. Makulit pa naman ng batang 'yun.

"I understand. Sir, okay lang po ba kayo? Napansin ko kasi na hindi kayo mapakali tapos lagi kayong nakatingin sa telepono at cellphone niyo.Gusto niyo po bang tawagan ko na lang si Sir Ivan para tulungan kayo?" suhestyon nito.

Umiling ako. "Im fine,Liza. Ako ang kailangan ngayon dito sa opisina." pirma ko pa rin naman ang kailangan nila kahit si Ivan ang nandito.

"Paano naman kayo? Mas kailangan niyo siya." napatingin ako sa kanya.

Yumuko ito. "Pasensiya na Sir. Narinig ko po kasi kayo kanina na parang babae ang hinahanap niyo. Hindi ko talaga sinasadya. Medyo napalakas kasi boses niyo."

Sumandal ako sa upuan ko.Mas matanda si Liza sa akin ng ilang taon kaya siguro hindi ito masyadong takot sa akin. Masyado lang itong magugulatin. Isa ito sa pinagkakatiwalaan kong empleyado dahil matagal na ito sa kumpanya. Isa rin siya sa mga nakasaksi on how devastated I am when Sandra left me.

"She left me. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Habang lumilipas ang mga araw na hindi ko siya mahanap, pakiramdam ko wala na talagang pag-asa para sa amin." puno ng hinanakit na sabi ko. Siguro kailangan ko lang ilabas ito para kahit konti mabawasan yung sakit.

"Mahirap ang naghihintay. Nakakainip. Nakakapagod. Pero kung tunay ang pagmamahalan ninyo sa isat-isa,walang kahit anong problema ang makakahadlang niyon. Kahit lumipas pa ang mga araw,buwan o kahit taon. Maaring mabago ka nang panahon, pero mananatili pa rin siya sa puso mo," nakangiti ngunit puno ng sinseridad nitong sabi.

Nanatili akong tahimik.

"Alam mo Sir, hindi ko ito sinasabi dahil gusto ko kayong pangunahan sa mga desisyon niyo. At wala din akong alam sa mga nangyari nitong nakalipas na buwan. Hindi niyo man napapansin pero para ko na rin kayong bunsong kapatid."

"Salamat." iyon lang ang nasabi ko.

"Babalik siya. Magtiwala lang kayo sa kanya. Sige po." tatalikod na sana ito ng magsalita ako.

"Ikamusta mo ako kay Liam." gulat itong lumingon sa akin. Liam ang pangalan ng anak niya. Inumpisahan kong kilalanin ang mga empleyado ko nang iparamdam sa akin ni Graciela kung gaano ako walang kakwenta-kwentang Boss.

"Nakilala niyo na po ang baby ko?" hindi makapaniwalang sabi niya.

Umiling ako dahil hindi ko pa naman nakikilala ng personal si Liam. "No. But I would love to meet him."

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon