Chapter 42 Escape

334K 6K 625
                                    

Dedicated ito sa iyo dahil tinulungan mo akong i-promote ang FB Page ng stories ko. Thank you loves. :)

Elliot's POV

7 years ago

"May I have this dance?" sabay lahad ng kamay ko sa kanya.

Nag-angat ito ng mukha. Mas lumaki pa ang bilugan nitong mga mata ng makita ako. Bigla na lang itong yumakap sa akin na ikinagulat ko.

"Elias? Akala ko ba hindi ka na makakarating?" natutuwang tanong nito.

Elias?

Right.

Ako nga pala si Elias ngayon. Nagatatago sa katauhan ng kakambal ko para lang makasama ang pinakamamahal ko.

Pangalawang beses ko na itong uwi sa Pilipinas. Umayon sa akin ang kapalaran dahil nagkataon na pinadala si Elias sa France.Biglaan ang pag-alis nito at alam kong hindi iyon alam ni graciela. Kaya nang minsan na marinig ko itong kausap si Graciela sa telepono ay nalaman kong ngayon ang Prom night nila.

Una kong nakita si Graciela ng unang beses kong magbakasyon dito sa Pilipinas. Sa France na kasi ako lumaki. Pero fluent ako sa tagalog dahil iyon ang salita namin sa bahay. Hiwalay kaming lumaki ni Elias sa isat-isa dahil na rin sa hiwalay ang mga magulang namin. Sa mommy namin ako napunta at siya naman ay kay Papa.

Hindi ako noon lumalabas sa kwarto ko dahil ayoko dito sa Pinas. Ngunit ng minsan kong marinig ang tawa nito ay na-curious ako. Nakita ko sila ni Elias sa may terrace noon na gumagawa ng projects nila. Lihim ko siyang pinagmamasdan. Natatawa ako kasi mukha siyang mestisang dora. Maikli kasi ang buhok nito at may bangs pa siya. Simple lang din ito manamit. Kaya mas lalo akong humanga sa kanya dahil wala itong kaartehan sa katawan hindi katulad ng mga babae sa France na ilalabas ang pwedeng makita sa kanilang katawan.

Gusto ko sana itong makilala pa kaya lang lantaran na sinabi sa akin ni Elias ang gusto nito sa dalaga. Bilang kapatid ay pinigilan ko na lang ang sariling damdamin. Hindi man kami lumaking sabay ni Elias ay gusto ko pa rin na magkasundo kami at hindi mag-away nang dahil lang sa babae.

"Ah eh..of course. Ikaw pa eh malakas ka sa akin." sagot ko. Sana hindi nito mahalata ang pagkakaiba namin ni Elias. Hindi naman nalalayo ang pangangatawan namin ng kakambal ko.

"Pwede na ba tayong magsayaw?" pabirong tanong ko dahil nakayakap pa rin sa akin ito.

"Wala naman tayo sa dance floor eh." reklamo niya. Nandito kasi kami sa may garden ng skwelahan nila.

"Pwede na dito.Naririnig pa rin naman ang kanta ah."

"Sige na nga."

Nasa kalagitnaan na kami ng pagsasayaw nang magsalita ito.

"Akala ko may emergency sa bahay niyo?"

"Naayos na. Ang importante ay nandito ako."

Nakita kong kumunot ang mukha nito.

"Anong nangyari dyan sa mukha mo? Kailan ka pa nagkapilat?" takang tanong nito.

Shit.

Bigla akong kinabahan. May pilat kasi ako sa taas ng kanang kilay ko. Nakuha ko ito nang isang beses akong madisgrasya sa pakikipagkarera. Hindi naman iyon kalakihan pero madali itong mapapansin kapag matagal na tinitigan.

"Ha? Matagal na kaya. Hindi mo lang siguro napapansin." pagdadahilan ko.

Ipinilig nito ang ulo. "Siguro nga. Ang haba kasi ng buhok mo buti nga nagpagupit ka na ngayon."

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon