Graciela's POV
Pagkatapos kong mag-grand exit dumiretso ako sa restroom.
Goodnight Babe? Uhuh.. Ang galing ko pala sa mga impromptu drama. Para na akong baliw na ngumingisi sa harap ng salamin. Hinugasan ko lang mga kamay ko at lumabas na ng restroom. Nakita ko si Yvo na nakatayo sa may lobby at mukhang inaantay ako dahil hawak nito ang scarf at coat ko. Linapitan ko na ito.
"Heithefort said you have something planned, so mauuna nako sa suite?" tanong ko habang kinuha dito and coat at scarf ko.
"May surpresa ako para sa yo." sagot nito habang tinutulungan niya akong isuot ang coat ko.Hindi na ako umangal pa sa ginawa niya.
I frowned, wala ako sa mood sumama sa kanya kahit saan man yon. "I dont like surprises."
"Talaga? I thought you love surprises.Well most people do." sabi niya.
"Dati iyon, hindi na ngayon." ismid kong sabi. Wala talaga ako sa mood kausapin siya dahil hanggang ngayon nababadtrip pa rin ako sa kanya. Bakit kailangan niya pa akong paglaruan.
"Magugustuhan mo ito." pilit nito habang iginiya na ako pasakay sa kotse. Eh wala na pala akong choice..nagtanong pa siya.
Pagkatapos lang ng ilang minutong byahe ay talagang nagulat ako sa nakita ko. It was the freaking London Eye right in front me. Oh My Gosh. "Wow, Im surprised." sabi ko kay Yvo. Para akong bata na binigyan ng maraming kendi.
"Its more beautiful during the night." nakangiting sabi nito sakin. Napatigil ako sa kakatingala sa london eye at tumngin ako sa kanya. Nakatayo ito sa tabi ko looking hot as ever, medyo magulo din ang buhok nito dahil sa mahangin, at kumikinang din ang mga asul nitong mga mata. I sighed.
How can be a man so damn this gorgeous? He's an eye catcher.
Iginiya na ako nito palapit sa entrance. Bumalik naman ako sa katinuan, at bigla na lang akong ninerbyos. "Sandali Yvo, parang hindi ko ata kaya. Tignan mo oh, nakakatakot kaya." hinwakan ko pang manggas ng coat nito para patigilin ito sa paglalakad.
Humarap ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko..."Do you trust me?" biglang tanong niya.
Huminga muna ako ng malalim. "Oo naman." sagot ko na tumango-tango pa.
Ngumiti siya. "Then let me take you to the moon and back." sabi nito.
"Sige. Pero kasalanan mo kapag hindi ako nakapaglakad ng maayos bukas."sabi ko. Sobra kasi ang pangangatog ng mga binti ko.
"I'll keep you safe." he assured and smiled.
Napatili ako ng lihim sa sobrang kilig sa huling sinabi niya. Ewan ko ba, pero nawala lahat ng takot ko.
Sumakay na kami. Parang nirentahan niya ang isang buong capsule para sa aming dalawa. Kaming dalawa lang kasi ang pumasok at isang attendant na nasa may gilid lang. Nakita ko din may bottle of wine at fruits sa isang table sa gitna.
"The view is pricelesst."komento ko habang nakatingin sa view ng buong london. "Thank you for this," nakangiting sabi ko.
Nagkatinginan kami. Desire flared between us. A finger under my chin lifted my head up to me and kiss me. Ipinikit ko ang mga mata ko at tinugon at ang halik nito. Parang mas madaming bituin pa ang nakikita ko habang mgkalapat ang aming mga labi.
That night was a dream come true even while i knew it was too good to be true.
Dapat nagtatanong ako kung bakit he change his attitude towards me.
Nang maghiwalay ang aming mga labi, inihilig ko ang ulo ko sa dibdib nito.
It felt wonderful.
So I wouldnt ask, wouldnt question. I'd simple hold on tight and live in the moment.
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Pregnant
Fiksi Umum[Tagalog/Completed] Graciela's new boss is young, extraordinarily handsome, and the successful, Yvo Villareal. Although he's a workaholic, a robot man, there's an unmistakable connection between them, and she knows he feels it too. But she's not abo...
