Chapter 18

423K 4.7K 135
                                        

***7 weeks later...

Graciela's POV

"Graciela,Pupuntahan ko lang ang shop sa may Alabang for a few hours...tapos babalik din ako before 6.Tawagan mo lang ako if you need me." sabi ni Yvo nang dumaan ito sa mesa ko para i-inform ako sa schedule niya. Main office of Villareal Incorporation is located here in Makati.







"Akala ko aatend ka ng meeting with the financial officer to discuss the budget for next year?" takang tanong ko. Kasi wala pa naman itong pinapalagpas na meeting sa buong duration ng pagtatrabaho ko sa kanya.







"I changed my mind." sagot niya.







"Talaga?" di makapaniwalang tanong ko. "I mean, gusto mo bang ako na lang ang pupunta at te-take notes na lang ako?"







"No need." tanggi nito. Imbes na umalis na sana ito ay nanatili itong nakatayo sa harapan ko while both hands were in his pocket. "Arent you having lunch with Stacy today?"







"Oo. Paano mo nalaman?" kunot noong tanong ko.







He lifted a brow..na parang sinasabing nakalimutan kong sister-in-law niya si Stacy. "Pag-uusapan niyo ba ang pagbalik mo sa pag-aaral?"







"Siguro."







"You are.Kausapin mo ang HR. We have funds for our employees who wants to go back to school." sabi nito









Umiling ako. "Nakalimutan mo na ba? Temporary lang ang pagtatrabaho ko sayo."









Yvo was driving me insane. Naguguluhan na ako sa ipinapakita niya sakin nitong nakaraang linggo.







"Pwera na lang kung bibigyan mo ako ng permanent position dito sa kumpanya mo?" himok ko.







"A permanent position?" he lazily asked.







Kinabahan ako sa nakikita ko ngayon sa mukha nito. Hindi maipinta ang mukha nito.









Kung bibigyan man niya ako ng permanenteng trabaho ay malugod ko itong tatanggapin. Kahit na gabi-gabi ko sinasabi sa sarili ko na iiwasan ko na ito at hindi na ako babalik pa dito sa oras na bumalik si Liza. Ang lumayo kay Yvo.







Oo, yan ang sinasabi ko sa sarili ko. Sa gabi. Pero pag asa opisina ako, gustong-gusto ko siyang makita. Na hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko man lang siya masilayan sa buong araw. I longed for his deep voice. Minsan nga medyo humihilig ako sa kanya para lang masamyo ang panlalaking pabango nito.





Yun ay kung asa opisina ito. Kasi magmula ng bumalik kami sa trabaho mula sa London ay palagi na itong lumalabas para bisitahin ang mga branches. Hindi ko alam kung sinasadya niya lang ba iyon para iwasan ako.











"Hindi kita maintindihan Yvo." frustated kong sabi. "Hindi ko malaman kung gusto mo ba kong manatili dito or gusto mo na akong umalis?"









Napatitig ito sakin. SInusuri ang buong mukha ko. " Good question. Sa oras na alam ko ang kasagutan diyan sa katanungan mo, ikaw ang unang makakaalam." itinaob na nito ang hourglass. Pagkatapos ay tumalikod na ito at naglakad paalis.







Napailing na lang ako at bumalik na sa ginagawa ko.















Kasalukuyan kaming nag-lulunch ni Stacy sa isang Japanese restaurant dito sa Glorietta.









"Hindi ko alam kung anong nangyari sa London." takang sabi ni Stacy. "Parang nag-iba siya. Ibang tao na ang bumalik dito sa Pilipinas. Naiwan ata yung totoong Yvo sa London." exxagerated na dugtong nito.







"Talaga?" Nilalaro ko ang straw sa ice tea ko para maiwasan na magkatitigan kami. "Paano mo naman nasabi?"









"Yung ano..basta iba. Yung palaging andyan na siya. Mahahagilap mo siya kaagad. Naglaro pa nga sila ni Yuan ng golf nung nakaraan. At tsaka parati na din siyang present sa sunday dinner ng family. Maski nga si Lola ay takang-taka pero shes happy din at the same time." paliwanag nito sabay kagat sa sushi nito.







"Mahalaga naman tlaga ang pamilya para sa kanya. Hindi naman na bago yun."









"No, pero medyo aloof siya samin.I mean pag may malaking okasyon, nandun siya pero kapag sa sunday dinner..minsan lang siya pumunta." Napasandal ito sa upuan nito at humalukipkip. "Malakas ang kutob ko na may nangyari sa London eh kaya siya nagbago."







"Siguro masaya lang talaga siya kasi nakuha niya yung deal." pagdadahilan ko.









"Siguro nga," sabi nito. Mukhang kumbinsido ito sa palusot ko. Baka kung saan pa kasi mapunta ang usapan. "Know what, lets talk about you. Narinig kong may balak kang bumalik sa pag-aaral. You know I can help you with that." sabi nito. Stacy was an Associate Director in Pacific University.So kayang-kaya niya nga akong ipasok duon ng walang hirap.







Nagpatuloy nga ang pag-uusap namin tungkol sa school at kung ano-ano pa.









Pero lumilipad ang isip ko sa mga sinabi ni Stacy kanina. Na baka nga nagbago si Yvo dahil sa mga nangyari sa London. Malamang siguro kasi naimpress ito sa style ni Heithefort sa pagnenegosyo.







Yun siguro ang nakapagpabago dito. Maski naman ako may nagbago sakin. Ang mga kwento ni Paulina ang nagtulak sakin para bumalik sa pag-aaral. Yung nangyari samin ni Yvo, i realized na i opened myself to him more than any other man I'd known.







Too bad...







Ako yung klase ng babae na gustong dapat laging inuuna kaysa sa negosyo. And Yvo is far from that. He was driven by the success of his company.









Lolokohin ko lang ang sarili ko kung maniniwala akong magbabago pa ang paniniwala nito.







No matter how much I wished things were different.









Ibinaba ko na ang kubyertos ko sa pinggan ko at medyo itinulak ito palayo sa harapan ko. Parang nasusuka kasi ako sa lasa at amoy ng Shitake rolls na inorder ko. Which is really weird kasi its one of my favorite japanese food.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon