Woah. 3M reads,GF #7, R #10!!!! Dedicated to Claire dahil palagi mong ipinapaalala na malapit na ako sa deadline ko sa pag-update. haha.
Graciela's POV
"S-Sandra!" mahinang sambit ko. Kakaiba ang tinging ipinupukol niya sa akin. punong-puno ito ng galit at sa itsura niya ngayon hindi maipagkakailang kayang-kaya niya akong patayin. Idagdag mo pang may hawak siyang kutsilyo.
Napahawak ako sa aking puson. Hindi ako natatakot para sa aking sarili kundi para sa walang kamuwang-muwang na bata sa aking sinapupunan.
"Sandra..a-anong ginagawa mo di-dito?" nauutal na tanong ko habang unit-unting umaatras.
She smirked. "Binibisita ka." ngiting-aso niyang sabi.
"Ba-bakit?" napapatras na rin ako. kahit ayaw kong ipakita na natatakot ay hindi ko talaga maiwasan.
"Well,may ipapakilala lang ako sa iyo" ngiting aso niya sagot at naglalakad palapit sa akin.
"sino?" patuloy pa rin ako sa pag-atras.
Napalunok ako.
Itinaas niya ang hawak niyang kutsilyo. "Ito."
"Sa-sandra. Huwag mong gawin ito." pagmamakaawa ko.
My heart was racing.
She smirked. "Kung hindi ka umeksena sa buhay namin ni Yvo ako pa rin sana hanggang ngayon ang gusto niya."
She let her fingers trace the path of the blade.
"Parang-awa mo na Sandra. Kung gusto mong lumayo ako..lalayo ako huwag mo lang gawin ito." i sobbed. Liningon ko ang inaatrasan ko kung may mapapatid akong halaman.
Tumawa siya ng pagak. "Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo. MANG-AAGAW!!!" sigaw niya at nag-aapoy na ang kanyang mga mata sa galit.
Sa sobrang takot ko na tuluyan na niya akong patayin dito ay mabilis akong tumalikod sa kanya. Tatakbo na sana ako nang mabilis niyang nadaklit ang mahaba kong buhok kung kaya napaigik ako sa sakit.
"Aray!!" daing ko. Napahawak ako sa braso niyang nakasabunot sa akin. "Sandra please..maawa ka," iyak ko.
"AWA? Wala sa bokabularyo ko ang salitang awa magmula nang ipinagtabuyan ako ng pamilya ni Yvo. Alam mo ba ang kahihiyan na nakuha ko nang dahil doon. HA!?" bulyaw niya malapit sa mukha ko dahil nakatingala ako sa kanya.
"Hindi ko alam Sandra. Ano bang gusto mo at gagawin ko." pagsusumamo ko. Iniharap niya ako sa kanya ngunit nakasabunot pa rin siya sa buhok ko.
Napapikit ako sa sakit dahil masyadong mahigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Gusto ko siyang itulak kaya lang may hawak siyang kutsilyo sa isa niyang kamay.
"I want you out of our life..for good."
Umatras kaming dalawa hanggang naramdaman kong tumama ang balakang ko sa parang dingding.
Tinanggal nito ang kamay sa buhok ko ang inilipat ito sa leeg ko.
"Ack" daing ko dahil hindi na ako makahinga.
"Tu-tu-TULONG!" sigaw ko ngunit masyado itong mahina para may makarinig sa akin.
Nasa rooftop pa kami. Kaya lang iyon na lang ang magagawa ko para makaligtas dahil alam kong wala akong laban sa kanya.
"Scream and you die. Move and you die." she hissed.
She put the point of the blade against my throat.
Nang dahil doon napalingon ako sa kabilang gilid ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang mga sasakyan na dumadaan sa baba ng building na kinatutung-tungan namin.
Pinagpapawisan na ako ng malamig. Paano kung ihulog niya ako dito? Paano na ang little dragon ko?
Umiyak na ako. "Huwag." umiiyak kong pagmamakaawa."Maawa ka sa ba-----aaaaahhh" bigla akong napadaing sa sakit na nagmumula sa aking puson. Napahawak ako doon ngunit hindi ako makayuko dahil nakahawak pa rin siya sa aking leeg.
"ANO HA! die you bitch!" bulyaw niya.
"Aaaahhhh..."umiiyak pa rin ako sa sakit. Nanginginig ang kamay kong humawak sa mga braso niya. Hindi ako makapagsalita ng diretso dahil na rin sa higpit ng pagkakasakal niya sa akin.
"Ang baby ko," sabi ko ngunit alam kong hindi na niya ito narinig dahil mas mahina pa ang boses ko sa bulong.
Napapikit na lang ako.
Tahimik na lang akong nanalangin na sana iligtas ako ni Yvo. Kahit ngayon lang. Na sana hindi mawala ang baby ko.
Napamulat ako nang biglang may sumigaw.
"GRACIELA!!!" sigaw ng boses ng isang lalake. Hindi ko ito makita ngunit napahiwalay sa akin si Sandra dahil lumingon ito doon sa sumigaw.
Napahawak ako sa barandilya ng rooftop kung saan niya ako isinandal. Pilit kong hinahabol ang aking hininga.
"Kahit kailan talaga napaka-pakialamero mo Eliott." bulyaw niya.
Elliot?
Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang sinasabi niyang Eliott. Pero bakit magkamukha sila ni Elias?
Tinapunan ako ng tingin nung Eliott at pagkatapos ay mabilis niyang sinunggaban si Sandra. Nagkakagulo na silang dalawa.
Napahawak ako sa puson ko. Para akong pinapatay sa sobrang sakit.
Naalarma ako nang may maramdaman akong likido na dumadaloy sa binti ko. Nang bumaba ang tingin ko doon ay napahawak ako sa pulang likido at iniangat ko ang palad kong punong-puno ng dugo.
"No.no.no huwag please" paulit-ulit kong sabi.
Napalingon sila sa akin ng bigla akong humiyaw sa sakit.
"ANG BABY KO, ANG BABY KO!!!" histerya ko habang walang tigil ako sa pag-iyak.
Habang si Sandra ay umiiling-iling na nakatitig sa akin. "Baby?...bu-buntis ka!?" hindi makapaniwalang sambit niya.
"SHIT!" narinig kong mura nung Eliott at mabilis niya akong binuhat na parang bagong kasal.
"Please save my baby." pagmamakaawa ko sa lalaki. Kung sino man ang taong ito ay wala na akong pakiaalam basta mailigtas lang ang anak ko.
"Ssshhh. Kumalma ka muna Graciela. Magiging okay ang baby mo." he assured me habang pinupindot ang down button ng elevator.
Muli akong sumulyap sa direksyon ni Sandra.
Nakaupo na siya ngayon sa sahig habang nakatitig sa mga kamay niya at umiiyak.
Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa siya kapag may nangyaring masama sa baby ko.
-----------------------------------------------------
A/N Mag-uupdate po ako,konting antay lang po. Tnx! If you also have time please read Unexpected Love(external link) thank you.
Dont forget to vote and comment lovies :)
BINABASA MO ANG
P.S. I'm Pregnant
General Fiction[Tagalog/Completed] Graciela's new boss is young, extraordinarily handsome, and the successful, Yvo Villareal. Although he's a workaholic, a robot man, there's an unmistakable connection between them, and she knows he feels it too. But she's not abo...