Chapter 31 Mixed Signals

469K 6K 492
                                    

Dedicated to Louise. Oh ayan na si Yvo. May POV na siya. Hehehe.

Graciela's POV

Nandito ako ngayon sa isang Italian restaurant. Dito namin napagpasyahan magkita sana kahapon ni Elias kaya lang hindi natuloy.We resumed it today. And I've been here for a few minutes already. I dont mind. Ako ang may kailangan sa kanya, so ako dapat ang magtiis.Kung hindi lang ako sumabit sa kandungan ni Yvo kahapon edi sana nasagot na lahat ng katanungan ko sa mga nakikita kong mukha ni Elias. Kasalanan ni Isabel. Well, gabi na nga nang ihatid ako ni Yvo kahapon. Sinabi ko naman sa kanya huwag na niya akong ihatid dahil may kotse naman ako, pero hindi siya pumayag.

Hindi ko pa siya nakikita ngayon dahil nasa Cebu ito at binibisita ang mga branches doon.Mga ilang araw din siya doon.Kailangan kasi ako sa opisina niya dahil madaming naghahanap sa kanya kaya hindi na ako isinama. Kaya pala kung makahalik sa akin kahapon, wala nang katapusan.Mukhang malabo din na makapag-usap kami ng pribado tungkol sa ipagtatapat ko dahil masyado na siyang busy this week. Sa sabado na kasi ang anibersaryo ng kumpanya.

"Welcome to Piada,May I take your order Maam?" tanong nung waiter na hindi ko na namalayan na lumapit sa table ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Ahm.Maybe later, I am waiting for my company." sagot ko.

"Alright. Just call me if you need anything."sabi niya. I just nod.Masyado siyang maganda para maging waitress.

Mga ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang kanina ko pang hinihintay. Nang makita niya ako ay ngumiti ito ng matamis. He is wearing a pants,polo shirt and sperrys. Classy.

"Hi,"bati niya at hinalikan niya ako sa pisngi. Pagkatapos ay umupo ito sa tapat ko.

"Hello. Na-traffic ka ba?" tanong ko.

"Yeah. Im sorry if Im late," sagot niya.

"Its alright. Lets order?" tanong ko dahil nagugutom na kami ni little dragon ko.

"Sure," tinawag niya ang isang waiter. Lalapit na dapat sa amin yung waiter nang tapikin siya ng isang lalaki. Na parang may inutos siya. Ito na mismo ang lumapit sa amin.

"Hi. I am Ralph. Youre ready?" tanong niya sa amin nang nakangiti sa akin. Tinatanong niya kung handa na kaming umorder.

"Yes," sagot ni Elias. Tapos tinignan ang menu. Nakatingin lang naman ako sa lalaki. Hindi siya mukhang waiter kasi hindi naman siya naka-uniform. Dark jeans,polo at sneakers ang suot niya. Mas matanda lang siguro siya ng ilang taon sa akin. Iniisip ko kung nakita ko na ba siya noon. he looks really familiar. Titig na titig pa din ako sa kanya dahil inaalala ko kung saan ko siya nakita. Nang biglang kumindat siya sa akin. Doon na ako natauhan. Iniisip niya siguro na may gusto ako sa kanya.

"Graciela. Whats yours?"tanong ni Elias. Nag-iwas ako ng tingin doon kay Ralph.He has a set of blue eyes like Yvo.

"Ahh.. seafood alfredo and mango juice will do," sagot ko.

Inulit ni Ralph ang order namin at tinanong niya kung yun lang ang order namin. Tumango lang kami.

"Your orders will be ready in fifteen minutes," sabi niya.

"Okay. Thank you,"sagot ko na nahihiyang tumingin sa kanya. He is really something.

"Do you know him?" tanong ni Elias nang makaalis si Ralph.

Umiling ako.

"Iba siya makatingin sa iyo eh," sabi niya. Habang tinignan ulit yung lalake na nasa counter na ngayon at may kausap sa telepono.

"Ganoon lang siguro siya tumingin sa lahat. Ano ka ba?" dahiilan ko.

"Maybe. Nga pala sabi mo may sasabihin ka sa akin," panimula niya.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon