Chapter 12

448K 4.7K 19
                                        

Graciela's POV

Nakahinga ako ng maluwag ng makarating kami sa London na matiwasay. Nakakpagod pero handa na ako para sa nalalapit na pagpupulong. Naligo na ako at nagsuot ng corporate suit ko. Ito kasi isa sa mga bagay na nagpapalakas ng kumpiyansa ko sa sarili ko. Sabi nga nila, people will respect you if you dress properly.

Lumabas na ako mula sa kwarto ko at nakit ko si Yvo na nagbabasa ng dyaryo sa may dining area. May kape, breads at prutas na rin doon.

Nag-angat ito ng mukha mula sa binabasang dyaryo. "Good Morning." bati nito. I just smiled at him.

Kumakain na ako habang pinapanuod ang mga buildings sa labas. Kita kasi mula dito ang labas ng hotel dahil glass wall ang buong suite. Dito na rin sa hotel na ito pagdadausang ang pulong namin kasama ang BMW groups.

Bumababa na kami ng mga bandang alas-diyes ng umaga.

Nagsimula na ang kalbaryo ko ng magsimula na ang meeting. Magaling si Yvo sa paglalatag ng mga plano at finances pero mukhang hindi maganda ang patutunguhan ng meeting na ito. Nakikita ko kasi sa mukha ni Norbert na hindi siya nasisiyahan. At parang ang layo-layo nila sa isat isa. Pinipilit kong hulihin ang mga mata ni Yvo para sana senyasan ito kaya lang hindi man lang ako tinatapunan ng kahit isang tingin. Ah ganun hah, sariling sikap na talaga ito.

Tumikhim ako. "Mr Reithefort." shit kinakabahan ako. "I was wondering which property you would suggest for the joint venture?" tuloy ko sa sinasabi ko. Hindi ko alam kung napansin ba nilang kinakabahaan ako although lima lang naman kami dito kasama ang assistant and isang anak na lalaki ng matanda.

Nagtatanong ang mga mata ni Yvo ng tumngin ito sakin. "Ms Garces, this isnt the time----"

"Please." reithefort waved Yvo off. "I dont mind and just call me Norbert." baling nito sa akin. I nod.

Sumandal ito sa upuan. "Actually, Its either a property in Germany or here in London." sagot niya sa tanong ko kanina.

Hmmm. Maganda bagay an sinabi niya. Pwede namin bisitahin ang property at doon namin ipagpatuloy ang pag-uusap.

"Hmm.. Can we go see the one located here in London?" tanong ko

"Ms Garces-----" warned by Yvo

Lumingon ako dito para siya lang makakita sa mukha ko and silently mouthed, "akong bahala." Pagkatapos humarap ulit ako sa matanda, "I hope you wouldnt mind Norbert." i said with a pleading eyes.

"No problem with me." Bumaling ang matanda kay Yvo. "I will contact the property owner so he can meet us there." tumayo na ito

Nang makarating na kami sa lobby, tumigil sa paglalakad si Reithefort at kinausap nito sandali ang anak na lalaki.Hinawakan ako sa braso ni Yvo at hinila sa may gilid, "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" bulong nito kasi hindi naman kami ganun kalayo sa matanda.

Tumngin ako kung saan ang matanda para siguraduhing hindi siya nakatingin sa direksyon namin. "Sir, kailangan natin siyang i-distract." dugtong ko

"Are you insane?" hindi sang-ayon ito.

"Siyempre nasabi mo na sa kanya yung plan mo dati at kinumbinsi mo pa siya. Pagkatapos, ibang kumpanya ang pinili mo. So ngayon sa tingin ko napapaisip siya kung bakit bumalik ka sa kanila kung may mas magandang deal pala kumpara sa BMW Groups." paliwanag ko

"Our reputation will seal the deal" sagot nito

How could such a brilliant man be so dense?

"Magaling ang mga stratehiya mo pero sa sitwasyong ganito kailangan mo din basahin ang tao. Its a matter of loyalty and pride."He frowned but I know I'd caught his attention. "Sabi mo i have personal relationship with everyone. Magtiwala ka sakin. Kailangan lang nating kunin ang tiwala niya." dugtong ko

Umabrisyete ako kay Yvo at iniharap ko siya sa direksyon ng matanda. "Pag nakarating tayo sa location, huwag ka munang magsasalita ng tungkol sa deal. Connect with him on another level." sabi ko.

Naramdaman kong nanigas ito bago humiwalay sa pagkakahawak ko dito. " Alam ko kung paano humarap sa isang negosyante."pasupladong sabi niya.

"Sabi ko nga." lumayo ako ng kaunti dito, feeling awkward. What had i been thinking linking arms with him like that?

I am his assistant, not his girlfriend.

YVO's POV

Mahirap mang aminin, pero tama si Graciela. Which is good thing for her. Dahil sa oras na mawala ang deal na ito dahil sa pinagsasabi niya kanina ay mapipilitan akong tanggalin ito sa trabaho. Kahit tumutol pa si Lola.

yoko sa ganitong sitwasyon. Sanay ako na ako ang kinukumbinsi, hindi yung ako ang naghihitay ng tango bilang sagot.

Masyado lang siguro akong nagmamadali dahil gusto ko itong matapos bago ang anibersaryo ng kumpanya.

Nandito kami ngayon sa isa sa mga prospect location para sa itatayong store. I kept my mind open to the possibilities as we toured the space with Heithefort. Medyo maliit ang space kumapara sa iba pero ang location kung saan ito itatayo ay maganda. Sinunod ko na din ang payo ni Graciela na huwag magsasalita tungkol sa deal pwera na lang sa usapin tungkol sa constructions kung saan si Heithefort ang naunang nagsalita tungkol dito.

Nang matapos na ang paglilibot namin ay nakapagdesisyon na ako. "Norbert, thank you for your time." nakipag-kamay ako dito. "Things happen for a reason. I know youre hesitant about going forward with the project. but I hope you decide in our favor. I think I can learn a lot from you.'

"Hmmm." humalikipkip ang matanda at tumango ito. Hindi mo alam kung nakinig ba ito sa mga sinabi ko. Lumingon ito kay Graciela na nasa likuran naming dalawa.

"Beautiful lady, what should I do with this man? He is cold and calculating earlier. But right now, he comes alive and shows passion and heart. Which is true man?" tanong ni Norbert

Ngumiti si Graciela."He's serious about business. He is the heart of Villareal Incorporation." sagot niya.

"Loyal. You are lucky to have someone who believes in you so strongly." komento nito

"Yes." maikling sagot ko

"I have much to think about. My assistant will call you on what time we can meet tomorrow." sabi ni Norbert.

"We'll be waiting for your call." sagot ko.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon