Chapter 34 New Moon

409K 5.4K 375
                                    

Dedicated to Anne. May mga stories din po siya. :)

Graciela's POV

I have to get my life back on track.

Tinatamad man akong pumasok ngayon sa opisina pero pinilit ko na lang ang sarili ko. Kahit papano ay may mga responsibilidad pa rin akong dapat gampanan. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko kahit ang kapalit niyon ay ang makita ko siya araw-araw.

Dumating na siya ngayon lang. Mas nauna pa siyang dumating dito sa opisina kaysa sa akin. Humingi lang siya ng kape sa akin kanina. Iyon lang. Wala na siyang ibang sinabi. Mabuti na rin iyon dahil hanggat maari ay ayoko din siyang makausap nang hindi tungkol sa trabaho.

From now on, everything will be strictly professional relationship. Just like my first month of working here.

At ngayon nga ay idinidikta ko ang schedule niya ngayong araw na ito. Habang tahimik lang siya. Hindi ko siya tinitignan at nakatuon lang sa planner ko ang buong mukha ko. Pero nararamdaman kong tinititigan niya ako.

"And lastly, you have dinner meeting with Mr. Smith of Smith Corporations." sabi ko. Nag-angat ako ng mukha sa kanya pero hindi ako tumingin sa mga mata niya. Sa ibang parte ng mukha niya ako tumingin.

Napansin kong tumubo na ang balbas niya. He looked haggard and stress. Siguro dahil sa dami ng dapat asikasuhin para sa anibersaryo ng kumpanya bukas.  

Bakit ba ako nag-aalala para sa kanya?

"May ipag-uutos pa po ba kayo Sir?" pormal kong tanong.

Tumikhim siya at umiling.

Kaya tumalikod na ako pero bago pa man ako makahakbang ay nagsalita siya.

"You shouldn't wear high heels. At nakakahinga ka pa ba diyan sa suot mong palda?" seryosong tanong niya.

Liningon ko siya. Tinaasan ko siya ng kilay. "W-what!?" i asked.

"Sa susunod huwag ka nang magsapatos ng matataas ang takong. At tsaka mag-dress ka na lang instead of wearing those kind of skirt."sabi niya pero nasa boses niya parang inuutusan niya ako.

Concern na ba siya ngayon sa baby namin?

What a fake.

"Why do you care? The last time I checked you're not my stylist," i said while rolling my eyes.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Nanigas ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magsalubong ang aming tingin. Ang lakas talaga ng epekto niya sa akin. Pumikit ako para pigilin ang umiyak sa harapan niya. I dont want to look weak in front of him.

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay pero mabilis ko itong hinablot. Na parang napaso ako mula sa pagakakhawak niya.

"Graciela.. Im sorry," malungkot sabi niya.

Doon na gumuho ang mundo ko.

"Sorry? Para saan? Dahil hindi mo kayang panindigan ang dinadala ko. Dahil mas pinili mo akong iwan ng gabing iyon kaysa pagaanin ang loob ko?" i confronted him. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

This is bullshit.

He doesnt know how much I cried that night.

"No..No..No. That is not what I mean. Magpapaliwanag ako," pagsusumamo niya. Gusto niya akong hawakan pero pilit kong iniiwas ang sarili ko sa kanya.

Sa oras na hawakan niya ako, baka bumigay ako at tanggapin ko na lang lahat ng paliwanag niya bigla.

Itinaas ko ang dalawa kong kamay. Na para bang pinapatigil siyang magsalita."You know what.. save your explanations.Kalimutan mo na ang mga nangyari sa atin. Huwag kang mag-alala dalawang linggo mo na lang ako pagtitiisan."matapang na sabi ko.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon