Chapter 40 Gone

346K 6.2K 483
                                    

Happy 4M and #8GF,#11R. lol Thankiss readers :)

Yvo's POV

"Mr. Villareal mayroon pa ba kayong maidadagdag na pahayag?" habol na tanong sa akin ng isa sa mga reporter nang palabas na ako ng conference hall sa Bellavill Hotel.

Umiling ako. Sinenyasan ko si Allan. Mukhang naintindihan naman niya na kailangan na niyang harangan ang mga reporter.

Nagtuloy-tuloy ako sa aking sa sasakyan.

Nagpa-presscon na ako para matuldukan na ang nangyari nang nakaraang sabado. Kahit naharang namin ang ibang pahayagan ay malaki ang naging epekto nito sa kumpanya. Bumaba ang sales namin sa loob lang ng isang araw. Ito rin ang isa sa dahilan kung bakit kinailangan ko nang magpa-pressocn upang maliwanagan ang lahat ng tao. At umaasam ako na matatapos na ang problema.

Paulit-ulit lang sagot ko. Na kaunting hindi pagkakaunawaan lang ang nangyari. Kahit ilang pilit nilang itanong kung sino ang babae ay hindi ko sinabi.

Sapat nang ako ang minamatyagan ng mga reporter.

Heto ang pinagplanuhan namin kanina nina August. umuwi na rin ang mga ito pagkatapos nilang makita na maayos na ang plano. Binalewala ko si Graciela kanina hindi dahil galit ako sa kanya sa mga nasabi niya sa party kundi dahil ayoko siyang makahalata.

Ayokong madamay silang dalawa ng anak ko dito. Tama si Lola. Ako ang nag-umpisa ng gulong ito,dapat ako ang umayos.

Nang makaakyat na ako sa opisina ay nagataka ako kung bakit wala si Graciela sa kanyang mesa.

Umuwi ba ito ng maaga?

Lumapit ako.

Kumunot ang noo ko nang makita kong nandoon pa ang bag ni Graciela. Pumasok ako sa loob ng opisina ko nagbabakasakaling nasa loob siya. I even checked the washroom. Ngunit wala siya doon. Napatakbo ako sa may pantry.

Shit.

Where is she?

Mabilis akong bumalik sa mesa ni Graciela. At doon ko napansin ang isang post-it-note.

Kinabahan ako sa nabasa ko. I never left her a note.

Patakbo kong tinungo ang elevator habang tinatawagan si Allan.

"Umakyat ka sa rooftop. Magdala ka ng mga tao. Ngayon din!" utos ko at agad kong tinapos ang tawag. Malakas ang kutob kong may nangyaring hindi maganda.

Pagkabukas ko ng pintuan ay ang umiiyak na si Sandra ang naabutan ko.

Lumapit ako dito.

"Anong nangyari? Bakit ka nandito? Nasaan si Graciela?" Sunod-sunod kong tanong habang hinahanap ng mga mata ko si Graciela.

Mas lumakas ang hagulgol niya.

Lumuhod siya sa harapan ko na ikinataka ko.

Humawak siya sa tuhod ko.

"Yvo, tayo na lang ulit. Hindi ko kayang mawala ka." patuloy ang iyak niya habang sinasabi ang mga bagay na iyon.

"Tumayo ka na Sandra. Walang papupuntahan ang kung ano man ang hinihingi mo sa akin. Matagal na tayong tapos." kahit papaano ay naaawa ako sa dating kasintahan. Hindi ko akalain na ganito siya magpapakababa.

Pinunasan nito ang luha niya at tumingala sa akin. "Bakit Yvo? Masama bang abutin ko ang mga pangarap ko. Konting panahon lang ang hiningi ko sa iyo noon pero mas pinili mong makipaghiwalay sa akin. Bakit hindi mo ako nahintay?" panunumbat niya.

I sighed. "You know what I learned right after you left for France? Or right after you said no to my marriage proposal? Na hindi ganon katibay ang pagmamahal natin sa isat-isa para manatili tayo sa isang relasyon. Hindi ka nanatili sa tabi ko. Hindi kita hinabol. Mas pinili nating tahakin ang magka-ibang daan."napatawa ako ng pagak. Naalala ko nang siya ang palaging sumasama sa akin kapag nag-iisa ako. Nandoon siya noong sa tingin ko ay pasan ko ang mundo. At lahat nang iyon ay isang malaking nakaraan na lang ngayon.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon