Chapter 7

541K 5.3K 212
                                        

YVO's POV

Halos bumagsak ang kumpanya ng mawala ang mga magulang namin. Si Lola ang sumalo sa lahat ng responsibilidad. Tumutulong din kami ng mga kapatid ko. Fifteen years old pa lang ako noon pero tuwing weekends asa kupanya na ako para pag-aralan kung paano ito patakbuhin. At nang tumanda na kami, mas lalo akong naglaan ng oras para dito. Ako ang tumutulong kay Lola habang si Ivan ay nahati ang oras nito sa kumpanya at sa firm na binubuo pa lamang nito noon.

At nang mag-retire si Lola, ibinigay nito ang pamamahala sa akin. I'd made the hard choice to put family first.

Siguro pag nacelebrate na ang 50th anniversary ng company sa pamamagitan ng pagdala dito sa European market, ay masasabi kong nagtagumpay ako sa isang bagay na hindi nagawa ni papa noon.

Narinig kong kumatok si Graciela at tuluyang pumasok ito sa loob ng opisina ko.

"Here are the profit and loss statements for the past two years. Inaayos pa ng accounting department ang maaring gastuhin ngayong taon na ito. Nagset na ako ng appointment sa CFO bukas ng umaga." Iniabot na nito ang papeles sa akin.

Nag-umpisa kaming magtrabaho nang alas-syete ng umaga hanggang ngayon na alas-otso na ng gabi. Katulad ng mga nakalipas na araw. Ang kailangan namin siguro ay pahinga.

As if on cue, pumasok sa opisina ko si Ivan. "Nagtatrabaho pa din kayo hanggang ngayon? Akala ko ba tapos na kayo sa proposal?" takang tanong nito

I leaned back in my chair."We do. Na kay attorney na. Malalaman namin ang komento niya bukas ng umaga. I was just going to suggest we call it a night." Mabuti na din yun, para matapos na ang paghihirap ko hindi lang sa trabaho pati na din sa ibang bagay na nasa harapan ko lamang.

"Kuya, mahaba pa ang flight niyo bukas. Bakit di mo pauwiin itong si graciela ng maaga. Baka nga hindi pa siya nakakaempake. Hindi ba graciela?"dugtong nito.

"Huh?" mukang nagulat ito dahil nasentro sa kanya ang usapan."ah kasi-----"

"Kita mo na." putol nito sa sasabihin ni Graciela. "Sige na kuya," balik tingin nito sa akin. "Sa ngayon, magpapareserve ako para sa ating tatlo ng hapunan."

"kailangan ko nang umuwi." paalam ni graciela pagkatapos nitong tumayo. Hindi ko sinasadyang mapatingin sa dibdib nito at nasilip ang kulay ng bra nito. Medyo maluwang kasi ang damit nito sa bandang cleavage.

At isa lang ang masasabi ko, peach had just become my new favorite color..

"No join us," pagpipilit ni Ivan. "Youve worked hard. Let us treat you to dinner."

Mukhang nagaalinlangan pa ito sa umpisa pero ngumiti din ito. " sige na nga."

Inihatid muna namin si graciela sa sasakyan nito at dumiretso na rin ako sa isang napag-usapan namin na steak house na paborito naming kainan ni ivan.

SA kasamaang-palad, nang makarating kami sa restaurant tinawagan ako ni Ivan na hindi na siya makakasama sa dinner. Hindi ko napigilang mapamura.

Naghihintay na sa loob si Graciela. She wore her jacket, her hair once again neat and tidy.

"Ivan blew us off for a date, so I guess that leaves just you and me," makatotohanang sabi ko

Napakagat-labi ito, "sige uuwi na lang din ako. Its been a long day." sabi nito

Pabor iyon sa akin pero ng makita ko ang malamlam na mga mata nito, "No, stay. Mas maganda kumain dito kaysa sa mga fastfood na bibilhin mo din pag-uwi mo." Hindi ko na hinintay na sumagot ito kung kaya iginiya ko na siya sa reservations namin.

Nauna na itong maglakad sa akin kung kaya kitang kita ko ang balakang nito habang naglalakad.Hindi ko alam kung saan nga ba ako gutom.

Nang makarating na kami sa table namin, agad na din kaming nag-order.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon