Chapter 36 Love and War

541K 6.8K 717
                                    

Dedicated to my babe Manilyn. Yun oh. hahaha.

Graciela's POV

Nagising ako nang bumukas ang pintuan ko dito sa kwarto ko. Umupo ako at kinusot ang aking mga mata.

"Ate..you need to come outside," natatarantang sabi ni Giana.

"Why?" tanong ko habang humihikab. Sinilip ko ang orasan ko at alas-otso pa lang ng umaga. Imbes sana na natutulog pa ako, binulabog niya ako nang dahil lang sa gusto niya akong lumabas.

Bumalik ako sa pagkakahiga at nagtalukbong. Inaantok pa kami ni little dragon.

Hinihila niya ang kumot ko. "Ate kasi..halika na. You need to see it dahil baka palayasin na tayo dito," pangungulit niya.

Napilitang bumangon ako at naglakad palabas ng kwarto.

"Nakakainis ka..ano ba kasi iyon?" usal ko.

"You'll see," sagot niya.

Pagbukas ko ng front door namin ay halos di na ako makalabas sa dami ng nakaharang.

Nakakapang-init ng ulo.

"SEE!" sabay turo niya sa mga harang. "Ate wala akong manliligaw na ganito kayaman..kaya imposibleng sa akin ipinadala lahat ng ito." dugtong niya.

Pumikit ako sa inis. Parang alam ko na kung sino ang nagpadala ng sangkatutak na halaman na namumulaklak.

"Giana kunin mo ang cellphone ko sa kwarto ko. bilis na," agad naman siyang tumalima.

Pagkaabot niya ng cellphone ko ay idinial ko kaagad ang numero ni Yvo.

"Hello" sagot niya. Halatang kagigisng lang.

"HOY! Anong karapatan mong gawin na Botanical Garden itong labas ng bahay namin" bulyaw ko.

"Good Mornig too sweetheart.  Labas lang naman ah. Dapat nga hanggang loob kaya lang baka mapagkamalang magnanakaw si Allan kapag pumasok siya sa bahay niyo ng dis-oras ng gabi," malambing na paliwanag niya.

Tignan niyo na. Siya ang may kagagawan ng katangahan na ito.

"SO DAPAT PA AKONG MAGPASALAMAT SA IYO. GANUN BA!!!" sigaw ko.

"Hindi naman sa ganun. gusto ko lang naman magsorry kasi pinag-init ko na naman ulo mo kagabi. But It doesnt mean na titigilan na kita."tugon niya.

Sa dinami-dami ng sinabi ko sa kanya kagabi. Wala pala ni isang salita ang pumasok sa utak niya.

"At sa tingin mo,hindi mo pinag-iinit ang ulo ko ngayon. Namumuro kana," sagot ko.

"Sabi kasi ni Ralph bigyan daw kita ng bulaklak para hindi ka magalit," parang bata na sabi niya. "Kulang pa ba?" dugtong niya.

Seriously. Kulang pa? Mula dito sa pintuan hanggang sa gate ay puno ng ibat-ibang halaman. Hindi ko alam kung paano makakadaan ang kotse ni Giana palabas ng gate.

"APOLOGY.NOT.ACCEPTED." marahas na sabi ko.

"Sweetheart naman," pagsusumamo niya.

"And dont call me sweetheart ever again."patuloy ko at pinatay na ang tawag. I even turned off my phone.

"So ate si Yvo na maliit ang bayag ba yung nagpadala ng mga iyan?" sabay turo ng mga halaman.

Hanggang ngayon natatawa pa din ako sa tawag niya kay Yvo. Magmula kasi nang saktan ako ni Yvo ay 'Yvong maliit ang bayag' na ang tawag niya sa taong yun. Kasi wala daw siyang paninidigan. Ang sagwa pakinggan.

Tumango lang ako bilang kasagutan.

"Pero in fairness hah, mukhang imported ang mga ito. Anong gagawin sa mga ito?" tanong niya sa akin sabay inaamoy ang mga bulaklak na namukadkad na.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon