Chapter 32 Back to square one

458K 6.6K 925
                                    

1M reads and #10 in GF. WOW! Thank you lovies!

Play video--->>

Graciela's POV

Pasado alas-syete na nang matapos ako sa ginagawa ko dito sa opisina. At kanina ko pa hinihintay ang tawag ni Yvo. Sabi niya sabay kaming magdidinner. Pero hindi ko alam kung paano kasi nasa Cebu siya ngayon. Sa skype siguro. Me and my little dragon were hungry already.

I yawned.

Im tired too.

Ang dami kasing ginawa dito sa opisina kahit wala si Yvo. Buti na lang andito sa kumpanya si Ivan para tulungan ako. He is somehow the person in charge of the company kapag wala ang kapatid niya. Matagal na din akong hindi nakakapunta sa firm niya para magpaturo ng mga baga-bagay patungkol sa architecture. Yung balak ko na bumalik sa pag-aaral pagkatapos kong magtrabaho dito ay napurnada. Sa kadahilanang buntis ako. I want to be a full time mom but I want to fulfill my long time dream as well. Tinatanong na din ni Stacy kung naasikaso ko na yung mga papeles ko para makapasok sa Pacific University. Kaya lang hindi ko naman masabi na buntis ako kasi baka sabihin niya kay Yvo. Ayokong sa iba pa niya malaman ang balita.

Idinukdok ko ang mukha ko sa mesa.

Gusto ko na umuwi pero tinatamad ako.

I miss him.

When you miss someone,

it’s weird…

Your body doesn’t function normally as it should.

After half an hour of brooding,i decided to go home. I grabbed my things lazily. And walked down the basement where the parking area is located.

Pagkalapit ko kung saan ang pwesto nang kotse ay nagulat ako nang hindi ko makita yun doon.

Naging ulyanin na ba ako?

Napakamot ako sa ulo.

Linibot ko ang kabuuan ng parking habang pinipindot ang remote key ko baka sakaling may marinig akong tumunog.

Nang wala akong marinig.

Nagsimula nang uminit ang ulo ko.

Imposible naman na may magnakaw ng kotse ko. Bukod sa luma na iyon ay mahigpit ang seguridad ng buong building. Madami nga ang mga guards dito eh.

Speaking of guards... Bakit nga ba hindi ko naisip na humingi ng tulong.

Nagmartsa ako papunta sa pwesto ng guard na nasa tabi lang elevator.

Nakita ko itong nakatanga lang siya sa akin. Cute siya. Wala pa siguro siyang trenta.

"Kuya,nakita mo ba yung nakapark na kotse doon?" turo ko sa pwesto ng kotse ko. Sinundan naman niya 'yun ng tingin. "Kulay red siya na Toyota Corolla," pagpapatuloy ko.

Napangiwi siya. "Naku Maam.. kinuha po iyon kanina ng towing service ng kumpanya."sagot niya.

"ANO!!!?" singhal ko. Nagulat pa ata si Kuyang Guard. Nananahimik ang sasakyan ko tapos kukunin nila. Oo..alam ko naman na isa ito sa pinakalumang sasakyan dito sa parkingan. Pero bawal na ba ang pangit at lumang kotse dito?

"Nasa parking area lang ang sasakyan ko,for petes sake. At hindi ko naman tinawagan yang toll services na yan bakit nila kukunin ang sasakyan ko?" galit na sabi ko kay Guard. Alam kong hindi niya kasalanan kaya lang sa sobrang inis ko siya na ang napagbuntunan ko. Malas niya.

Natataranta na din siya. "Naku maam, hindi ko din po alam. Pasensiya na po."

Tumingala ako at huminga ng malalim.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon