Chapter 30 First attempt

471K 5.4K 246
                                    

Dedicated to Wo Xi Huan Ni. Diko alam pero eto nakita ko sa profile mo na name mo eh. Hehe!

Graciela's POV

It's already ten in the morning at nandito lang ako sa mesa ko na nakatunganga. Parang ganito lang ang itsura ko kahapon. Hindi ko na mabilang kung naka-ilang buntung-hininga na ako dito.

Hanggang ngayon naguguluhan ako sa nakita ko kahapon. Kaya tinext ko si Elias na magkita kami ngayong lunch para matanung ko siya ng harapan tungkol doon. I need clarifications. Dahil baka mabaliw ako sa kakaisip. Kasi sa pagkakaalam ko, hindi naman apektado ang grado ng mata kapag nagbuntis ang isang tao. At tsaka imposible talagang kapatid ni Elias iyon. As I said before, I havent met any other member of his family besides his relatives of course. Kasi parang anak na ang turing sa akin ng Mama ni Elias. Wala din akong nakikita na ibang litrato sa mga nakadisplay sa lahat ng sulok ng bahay nila.

Hindi din ako sumama kina Julian na mag-snack kanina dahil wala akong gana. Nangako naman ako sa baby ko na babawi ako mamaya. Tinatamad lang talaga akong maglakad pababa kahit may elevator naman. Wala kasi akong ginagawa ngayon.

And guess what? Absent si Yvo. Hindi din niya sinasagot ang mga tawag ko. Ano kayang nangyari doon? Gusto ko siyang puntahan kaya lang hindi ko naman alam ang tirahan niya. Tambak na din ang mga papeles na dapat niyang pirmahan.Dahil malapit na ang birthday ni Mrs Villareal at pati na din ang anibersaryo ng kumpanya. Mga ilang oras pa lang siyang nawawala...ganun na kadami ang trabaho niya. Ngayon ko na naiintindihan kung gaano kalaki ang responsibilidad niya sa kumpanya. Pero hindi pa din nawawala ang paniniwala ko na dapat una sa lahat ang pamilya.

I wonder what he is doing right now? Napasimangot tuloy ako dahil parang hindi naman niya ako naalala. Hindi man lang ako tinatawagan.

Pinaglalaruan ko ang ballpen ko nang maisip ko ang pilit binabanggit ni Giana sa akin kaninang nag-aalmusal kami.

To tell Yvo the truth.

About my pregnancy.

I am not closing doors naman sa suhestyon niya.May karapatan naman talaga siya. Pero hindi pa din nagbabago ang desisyon kong hindi siya pakasalan haggat hindi pa niya ako tuluyang mahal.

 Kaya lang paano ko sasabihin kay Yvo kung sakali? Ayaw ko siya biglain. Pero kahit ano naman ang gawin ko mabibigla pa din siya.

Hmm...paano kaya?

Pinaikot-ikot ko ang swivel chair ko. "Sulatan ko kaya siya para hindi masyadong awkward. Iipit ko sa mga files na ibibigay ko sa kanya." kausap ko sa sarili ko. Umiling-iling ako. "Hindi pwede baka hindi niya makita at mga empleyado pa niya ang makaalam." napapitik ako sa ere,"TAMA. Itetext ko na lang siya." pero bigla din akong nanlumo dahil baka hindi niya paniwalaan at baka hindi niya mabasa kaagad. "Hmmm..eh kung sumuka na lang ako sa harapan niya para magkaroon siya ng ideya?" Ipinilig ko ang ulo ko at tinataktak iyon. "Edi super turn off na sa akin yun. At tsaka msyado pala siyang dense baka hindi niya ma-gets yung gagawin ko."bulong ko. Nag-isip pa ako...Nang wala na akong ibang maisip ay naiinis kong sinabunutan ang sarili. "urrrrrghhh----"

"GRACIELA!!!" sigaw ng isang babae na siyang pumutol sa frustrations ko.

Sa sobrang pagkabigla ko ay napahiyaw ako. "AY PUSANG BUNTIS!" matinis kong hiyaw.Napahawak ako sa puson ko hindi sa dibdib. Parang awtomatiko na ata sa akin iyon.Nang linguni ko kung sino ang dumating ay si Isabel pala. Dios Mio. Baby..kasalan ito ng tita mo.

Napahagikgik siya. "Did I scare you? Sorry."

"Its alright." sagot ko kahit hindi okay. Matapos lang ang usapan.

"Sinong buntis?" takang tanong niya.Napatakip siya sa bibig niya. Oh my, did she figure it out? Pero nakatago naman ang tiyan ko at hindi pa naman halata. "OMG you have a cat and shes preggy?" tanong niya ulit. Nakahinga ako ng maluwag. Wheew!

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon