Chapter 1

897K 8.8K 375
                                        

Yvo's POV

Lumabas ako ng office para magtanghalian. Katatapos lang ng meeting ko with the board para pagtuunan ng pansin at ireview ang lahat ng hakbang na gagawin ng kumpanya. Umaasam kaming tataas ang sales bago pa man mamaalam ang taong ito. Mabuti na lang, dadalhin namin ang Villareal Incorporation sa European market sa susunod na taon para sa 50th anniversary ng kumpanya magmula ng itatag ito ng mga ninuno ko.

Villareal Incorporation is one of the largest automobile parts manufacturer in Asia and soon to be in Europe.

Hindi naman maganda ang timing ng personal assistant ko na naka-maternity leave.

Napansin kong wala ang bago kong assistant na si Graciela sa kanyang mesa. Para sana sabihin na lalabas ako for lunch.

Nang makalapit ako ng husto, nakita ko talagang wala si Ms. Garces sa mesa nito dahil nasa ilalim ito mismo ng lamesa.

Napailing na lang ako.

Temporary assistant.

Si Miss Liza Garcia talaga ang assistant ko kaya lang nagleave ito at babalik din pagkatapos ng 6 months,1 week, 4 days at -------tinignan ko ang relo ko---------2 hours at 35 minutes.

Tama kayo. Binibilang ko talaga kung kailan siya babalik.

At kasalanan to lahat ni Lola. Kinumbinsi niya akong i-hire si Graciela na kahit may experience naman ito ay masyado namang madaldal. Kilala ni lola ang pamilya Garces,kaya ng walang tumagal na assistant ko magmula ng magleave si Liza, lola took advantage of my frustration to hire Graciela and keep her unti Liza's return.

Kahit na di ko nakikita ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa akin, hindi ko din naman maialis na hndi tignan ang bandang likuran nito. Dahil nakatuwad ito, lumihis paitaas ang palda nito. Nalantad ang maputi at makikinis na binti nito.

Naramdaman kong nag-iinit na ako. Without conscious thought I walked around the side of her desk to get a better view.

My cheeks heated when I realized what I had done.

Annoyed at myself and her, I snapped, " Ms Garces, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Mukang nagulat ito kaya "Ouch,"impit na hiyaw nito, nauntog ito sa mesa.

"Kailangan...ko....lang...kasi..." parang may pilit itong inaalis sa ilalim, "i-plug tong printer. Pero ayaw umabot sa saksakan kaya inaayos ko lang."

Nakatitig lang ako sa baywang nitong gumagalaw habang inaayos nito ang cord.

Bakit di na lang siya humngi ng tulong sakin?

"Ms Garces, you could have called the maintenance to handle this for you?" i asked impatiently

"Boss, hindi ako tatawag ng maintenance para lang sa maliit na bagay na kayang kaya ko naman gawin. Hindi lang maabot yung saksakan,yun lang. Matatapos din ito in a minute. May kailangan po ba kayo?"

Her hips wiggle,bend,wiggle. Hayssst... Nag-iinit na naman ako. Balak ba akong patayin ng babaeng to?

Dapat kanina pa ako umalis para matapos na itong paghihirap ko. Pero hindi ko kaya,may kung anong pumipigil sakin. Baka may makakita sa kanya na ibang lalaki sa ganitong posisyon. Tinignan kong mabuti ang buong opisina para masiguradong walang ibang lalaki ang malapit dito.

We're alone.

Both a blessing and a curse.

"Ms Garces, umalis ka na diyan at tumayo ngayon din," madiin kong sabi.

"Malapit na po akong matapos pero naipit yung cord. Pwede mo po akong tulungan?" tanong nito

Lumapit ako at yumuko para sana ilapit ang cord sa may saksakan. Kaya lang, puno na ang saksakan at buhol buhol pa ang pagkakasaksak.

"Boss?" tawag niya sa akin. Nainip na siguro dahil kanina pa ako dito.

"Sandali lang. Ang daming nakasaksak dito." dahan dahan kong nilagay ang isang paa ko sa gitna ng mga binti nito. Tinanggal ko ang buhol ng ito at isinaksak ang cord ng printer. Hindi naman sinadyang nasagi ko ang pwetan niya.

"Whew!" she exclaimed.

Nagulat pa ako at napatayo ng biglang nagsalita ito.

"Salamat Boss ah!" nakangiting sabi nito habang nagpapagpag ng kamay. "Ano nga po pala ang kailangan mo?"

Na-blangko naman ako sa tanong niya. Bakit nga ba ako nandito?

This is insane.

This isnt me.

I need to regain my composure.

Tumikhim ako. "Pwede ka ng umalis mula diyan sa ilalim ng mesa. May binabayaran tayong maintenance dito. Sa susunod gamitin mo sila." utos ko. Sabay talikod at bumalik sa opisina ko.

Nang makaupo ako sa may opisina ko ay biglang kumulo naman bigla ang tiyan ko. Nakalimutan ko tuloy ang rason kung bakit lumabas ako ng opisina kanina.

I ignored it.

Mas gugustuhin ko pang magutom baka sa oras na lumabas ako, hindi na ako makapagpigil.

P.S. I'm PregnantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon