L.C | 5 |

4.3K 99 4
                                    

| Araina |


"Suprema"

"Suprema!" Agad akong napatingin kay Baymax nang sumigaw ito "oh?" Tinignan ako nito ng ilang minuto na para bang sinusuri niya ako

"What is it?" Kunot noo kong tanong, napakamot ito tyaka bukas sarado ang bibig habang iiniwasan ang tingin ko "ah– wala" mabilis niyang saad tyaka tumakbo palayo sa direksyon ko

Napabuntong hininga ako at pilit na iniiwasang matulala nanaman
"Araina" napatigil ako sa paglalakad nang may nabangga ako "Mr. West" he looked at me for a minute bago tuluyang umiwas ng tingin, hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. It pains me a lot knowing that he hates me, now I wonder how he feels to be in a place

With the people he hates the most, napakagat labi nalang ako para mapigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko. It was like I was back at the day he told me how he hates and always hated the Supreme

Para kasing sinabi niya na rin na we Supreme are useless human being when in fact he doesn't even know how hard it is to be one, if a soldier's work is hard and dangerous then how about ours? At least kahit papano, a soldier's sacrifice can be known and recognized while the Supreme's not, simply because we work in shadows in order to keep the peace of the countries

"Are you okay with your room?"

Napatingin ulit siya saakin tyaka tumango "that's good, ah- kung may kailangan kayo. Don't hesitate to approach anyone in the Supreme" isang minuto pa kaming nagtitigan nang tumunog ang walkie talkie ko

"Suprema, this is Baymax over"

Pareho kaming napatingin dito na agad ko namang kinuha "This is Suprema, over" nanatiling nakatingin saakin si Brazzen kaya hindi ko maiwasang mailang

"Medicubes are on the way, and so is eagle over" mabilis akong napatingin kay Brazzen na nanlalaki ang mata "prepare for his arrival, where are you?"

"Preparing for his arrival, areglado, we are in the main cabin" agad kong binaba ang walkie talkie ko tyaka tipid na tumango kay Brazzen bago tuluyang umalis

Napabuntong hininga ako tyaka napailing bago tumayo at nagsimulang maglakad papuntang kwarto, agad kong sinalampak ang buo kong katawan "ahh– this feels nice"

I took a breath in and out before finally closing my eyes, maaga akong nagising kinabukasan. Good thing at wala kami morning jog ngayong araw dahil na rin kakabalik pa lang ng iba saamin, and we're damn tired.

Hindi di naman natuloy ang nasabing pagdating ni eagle kaya kahit papano ay wala kami masyadong paghahandaan, nakasuot ako ng Supreme combat uniform at kasalukuyang naglalakad papuntang medicubes kung saan kami kukuhanan ng dugo ng medical team "phew! Sexy"

Agad akong nag swag sign tyaka kumindat kay Buttercup "anong plano natin ngayong araw?" Tanong nito habang nakaakbay, nagkibit balikat lang ako tyaka patuloy na tinitignan ang mga medicubes sa paligid

"Suprema, ba't di ka nalang nagdoctor?"

"Buttercup, kung nagdoctor si Suprema paniguradong wala tayong tatawaging Suprema ngayon" biglang singit ni Baymax, napatango tango nalang ang huli habang nakahawak sa baba nito

Pagpasok namin sa loob isang medicube, agad kaming sinalubong ng mga Supreme na nagkakagulo at naguunahan sa mga nag gagandahang doctor "tss, kahit anong tapang talaga ng isang lalaki. Babae pa din ang kahinaan"

Napapailing nalang ako sa mga lalaking Supreme, i'll admit na ang mga Supreme ay talagang biniyayaan ng mga mukha. I don't know if it is one of the requirements to be part of the Supreme or what "Miss Araina"

Napatingin ako sa tumawag ng pangalan ko "Mr. Almero" bati ko dito tyaka tipid na tumango "nakunan kana ba ng dugo?"

"Hi–"

"She's my patient Cole" bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko nang marinig ang boses niya "can't you see? She's in my line" agad kong tinignan ang mga Supreme na nasa harapan ko pati na rin ang iba pang Supreme na lumilinya sa ibang doctor, wait he's a doctor?

I thought he delivered the weapons personally that's why he's here, but that's indeed a stupid theory because I know how much he hates the Supreme to deliver the weapons himself. Ngayon ko lang din napansin na nakalinya na pala ako sa table niya "oh, so she's the girl?"

Napakunot noo naman ako, lalo pa't tinapunan ni Brazzen ng empty injection si Cole na mabilis naman nitong naiwasan. Ngayon ko lang tuluyang naisip na madami pa pala talaga kaming hindi alam sa isa't isa
"Miss Araina, you're next"

Agad naman akong napatingin sa harapan at dun ko lang napagtanto na wala na palang mga tao sa harap ko, agad akong umupo tyaka tinaas ang sleeves ng kanan kong kamay. Patuloy lang ako sa pagtingin sa kamay kong kasalukuyan niyang pinupunasan ng cotton

Napakagat labi naman ako ng tusukin niya na ang braso ko kung saan ang ugat "Suprema over" tinapunan ko ng tipid na tingin si Brazzen tyaka tumayo at kinuha ang walkie talkie ko

"Suprema speaking"

"We found UN missiles" napangisi ako tyaka mabilis na tumakbo palabas ng medicube "Suprema!" Bati saakin ni Garfield, tumango ako tyaka siya kinindatan

"Kunin na ba natin?"

"Anong sabi ko?" Nakangisi kong saad habang tinitignan ang missiles na nakabaon sa lupa "physical is more easy than mental!"

***

"What did I told yoouuuu?!"

Napakagat labi ako tyaka iniwasang matawa habang tinitignan ang commander in charge namin "Sinong may pakana nito?!"

"Si Garfield po!" Agad kong sagot, nanlalaki naman ang mata ni Garfield na tumingin saakin "—hindi ako pinigilan, aish! Bakit hindi mo ko pinigilan sa pagbigay ng order para kunin ang missiles?! Waeyo?! Alam mo naman kung gano ko kagusto ang gumawa ng paper works diba?"

Napailing iling pa ako "kayong dalawa!" Agad kaming tumayo ng tuwid ni Garfield tyaka buong pusong nakinig sa panenermon niya "gear up and do 50 laps! Do you have any objection?!"

"Sir, no Sir!"






"Ang ganda ganda ko talaga~" yamot na yamot akong tinignan ni Garfield habang patuloy kami sa pagjajog at dala dala ang Supreme bag na may mabibigat na bagay, maging ang baril ay hawak hawak rin namin "aish! Suprema naman kasi"

Naiinis na saad niya tyaka inikutan pa ako ng mga mata, tinawanan ko lang ito tyaka pinatuloy rin ang pagjajog. Nang dumaan kami sa isang cabin ay agad kaming tinukso ng kapwa namin Supreme at aakmang dadaluhan pa "baliiiikkk!"

Humagalpak ng tawa ang mga ito, matapos ang 50 laps na ginawa namin. Agad akong naglinis ng katawan tyaka nagbihis ulit ng Supreme combat uniform bago tuluyang lumabas ng headquarters, dalawang quarters lang naman ang nandito. The cabin for fresh graduate trainees and the headquarters for team Alpha

"Suprema!"

"What is it?" Tanong ko sa humihingal na Baymax "nagkakagulo sa medicube, civilians are pointing their guns to the doctors!"

***
Note:

Sorry for the two months late update Supremes! Anyways sana nagustuhan niyo, I was really busy for the past two months at hindi agad nakahanap ng time para makaupdate. Have a good day ahead, and take care always! 😘

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon