| Araina |
"–I'm still fvcking in love with my ex fiancée" masakit, sobra kagat labi ang ginawa ko para mapigilan ang paghikbi sa harap niya. Parang pinipiga ang puso ko, palihim ko itong sinuntok suntok at napapahinga ng malalim "of course you do"
Isang pekeng ngiti ang pinakawalan ko bago tumingin sa itaas, ginagawa ang lahat ng pwedeng gawin para mapigilan ang pagiyak ng sobra. It was my fault after all, ako yung umasa, ako yung nagmukhang tanga, and I was the one who fell in love when I know that there's someone else "sorry"
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nang dumating na ang mga orders namin, tahimik kong sinimulan ang pagkain. Palihim akong napapasinghot habang pilit na nilulunok ang pagkain, tang*na ang hirap kumain habang nagpipigil ng iyak
Tahimik at mabilis namin natapos ang pagkain, agad naman naming nilisan ang lugar pagkatapos magorder for take out ni Brazzen para sa mga kasamahan niya "thank you sa pagkain" mahinang pagkakasabi ko at marahan pang napayuko, tipid na tingin lamang ang ginawa nito tyaka tuluyang naglakad papalayo
"Suprema!" Napatigil ako sa paglalakad nang harangan ako ni Baymax sa paglalakad "oh?"
Binigyan niya ako ng isang nagpapacute na tingin at pagpipigil na iyak na mukha "wag ka ng umalis Suprema! Bakit ang bilis naman? Uuwi kana agad bukas?! Supremaaa!"
Napatawa ako ng malakas habang napapailing iling, muntanga talaga ang isang to. Para namang hindi kami magkikita sa Pilipinas, isa pa, malapit nang matapos ang trabaho namin dito "papatayin na ba ako? Magkikita tayo sa Pilipinas, tigilan mo nga ako sa pagdadrama mo"
"Nagmamalasakit lamang ang isang gwapong tulad ko! Wala kang pusoooo!" Emotero talaga ang isang to, iling lang ako ng iling habang pinatuloy ang paglalakad papasok ng main cabin "ay pusa!"
Napahinga ako ng malalim habang gulat na gulat na nakatingin kay Cole "Miss Araina" he gave out his boyish smile and made a slight bow "bakit ka nandito?"
It was a 50-50 question to ask, 50% percent good and 50% bad. Bad in a way that he can get offended which I think he didn't kasi mas lumawak pa ang pagngiti nito "Do you mind if i invite you for a coffee?"
Napalibot ang tingin ko at saglit na natagalan sa pasasalita "no, not at all. Insant? Wala kasi masyadong coffee shops dito at isa pa, malayo ang city proper dito sa camp"
"I can see that, instant coffee sounds good" natatawa nitong saad, tipid na ngiti ang binalik ko dito tyaka pumasok sa kusina. I prepared the coffee, it's not new to me anyway. Sanay kami sa kape lalong lalo na pag nagpupuyat sa pagbabantay bawat borders at kung may pinagpupuyatang reports
"Ah, nakakain kana?"
"Yeah– sabay kaming kumain ni Brazzen" napangisi naman ito matapos makuha ang mug na inabot ko sakanya "thank you, Brazzen huh? I knew it"
"Knew what?" Balik kong tanong dito, posible naman sigurong siraulo rin minsan ang mga doktor diba? Ganun kaya kaming Supremes "nothin'"
Ano kaya ang pakay nito at niyaya akong magkape? Tipid akong napailing, I'm overthinking things. Hindi naman siguro kailangan ng rason para magyayang magkape ang isang tao "matagal na rin pala kayo diro sa bansa"
"Yeah" marahan kong hinipan ang kapeng hawak ko bago ito tikman, kailangan ko pa lang matulog ng maaga ngayon. I have to leave the place early tomorrow "when will you leave the country?"
"Tomorrow" nabaling ang atensyon ko sa kanya nang tumawa ito "it seems like you don't really want to talk to me, you're very eager to finish our conversation– and also drinking your hot coffee, fast"
"H. . a? No, I'm sorry if I made you think that I don't want to talk to you. Lutang lang talaga ako ngayon"
"Hahaha! No, no— no need to say sorry. I was just joking, ang bilis mo kasing sumagot" nalilito ko siyang tinignan tyaka binalik ang tingin sa kapeng hawak ko "then, should I answer you after a minute? Slowly?"
Bakas ang pagtataka sa tono ng pagkakasagot ko dito, mas lumakas naman ang tawa niya. Ginulo niya ng bahagya ang buhok ko tyaka tuluyan nang inubos ang kapeng hawak nito "i won't ask you why will you leave the country tomorrow, I guess I just have to see you in Manila when we get back. Have a safe trip and you should take a rest, goodnight"
"Salamat, and ah–goodnight"
We exchange smiles bago siya tuluyang lumabas ng kusina, inubos ko na rin ng tuluyan ang kape ko matapos magmuni muni ng limang minuto. Have a safe flight to me and I wonder what the future holds, is he going to be there? In my future? I may look so foolish and stupid to think this,
But I'm still hoping that destiny and fate together have something for the both of us
***
| Third person |Maagang naalimpungan si Brazzen nang pumukaw sa kanya ang maingay na tunog sa labas ng tent nito "a– ah Doc! Goodmorning po" bati sa kanya ng isang nurse na kasalukuyang kasama ni Cole "what the fvck Cole?! Bakit ba ang ingay?!"
"Ah hehe, sorry. We're kinda dragging these medicines to the medicube" inis na inis namang ginulo ni Brazzen ang buhok nito at labag sa loob na tinulungan ang kasamahan "let's finish this damn thing"
"Doooc! Ang aga aga nakasimangot ka!" Naging bungad sa kanya ni Rue na kasalukuyang nagsisipilyo nang madaanan nila, napailing naman si Cole nang makita ang tinitignan ni Rue. Supremes while doing their morning jog "Yeah, what's with the frown?"
"Baka naman nageemote si Doc Brazzen, Doc Cole?" Tinapos ni Rue ang pasisipilyo at labag sa loob na inalis ang tingin sa mga Supreme "why would I?" Kunot noong saad ni Brazzen
"Pshhh! Kungyari pa si Doc"
Dagdag asar ni Rue sa lalaki "you know what? You're all unbelievable!" Napahagikgik si Rue nang tuluyang magwalk out si Brazzen sa harap nila "haist!"
Naiinis na sinisipa ni Brazzen ang mga batong nahahagip ng kanyang mga mata "at ease! Before I forget team A, wag niyong kalimutan ang mga iniwang trabaho ni Suprema"
"Sir, yes sir!"
"That's all, please be reminded to finish your tasks for this day" mabilis na nilapitan ni Brazzen si Baymax nang paalis na ito matapos magbigay ng ilang paalala sa mga kasamahan "Doc Brazzen! May kailangan kayo?"
"Have you seen Araina? Ah– I forgot to give her the list of—"
"Si Suprema? Hindi mo ba alam?" Parehong pagtataka ang pinakawalan ng dalawa habang nakatingin sa isa't isa "ang alin?" Hindi alam ni Brazzen ngunit pawa bang gusto nitong pigilan si Baymax sa pagsasalita
"Bumalik na ng Pilipinas si Suprema, kaninang umaga pa. Sa civilian airplane kasi siya sasakay, walang available flight ang Supreme airplanes kaya kailangan niyang umalis nang maaga"
***
Note:Your comments will be a great help for me as an inspiration, please do leave one or two. ☺️💓
BINABASA MO ANG
Lieutenant Colonel Araina
Action"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)