| Araina |
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko but I was too sleepy to check the person who entered my room. Mag aalas dos na ng umaga nang makatulog ako kanina dahil hindi ako makatulog sa mga sinabi ni Brazzen, that was too heart fluttering. Naalimpungan ako ng bahagya nang maramdaman ko ang pag galaw ng kama sa kabilang bahagi, sandali. Pamilyar ako sa amoy na yun ah, humarap ako sa kabilang bahagi ng kama at unti unting minulat ang mga mata ko "good morning"
Napabangon ako agad nang makita kung sino ito, tinakpan ko naman ang bunganga ko gamit ang dalawa kong kamay matapos masuri ang magkabila kong mata kung may muta "g. .good morning" mahina kong saad sa nakangiting si Brazzen. Halatang kakatapos lang nitong maligo dahil basa pa ang kanyang buhok "why are you covering your mouth?"
Umiling ako habang hindi pa rin tinatanggal ang dalawa kong kamay "c'mon Aina, hindi naman mabaho ang hininga mo" natatawa nitong sambit ngunit iling pa din ang naging sagot ko dito, napabuntong hininga siya tyaka muling nagsalita "maligo ka na, papalitan ko ang gauze bandage mo matapos mong maligo and you might want to cover up"
Sinundan ko ng tingin ang mga mata niyang nakatingin sa, what the fudge. Wala pala ako suot na bra, nagmamadali akong bumangon mula sa kama at dumiretso sa banyo pero hanggang sa loob ng banyo ay naririnig ko pa din ang pamatay pusong tawa ni Brazzen.
Nang maging kuntento at komportable na ko sa suot kong army green na t-shirt at may kaikliang shorts ay agad akong lumabas ng kwarto pero hindi pa ko tuluyang nakakatapak sa hagdan nang mabilis na tumakbo pataas si Brazzen upang salubungin ako "wag ka ngang tumakbo, baka mahulog ka" ngiti lang ang naging sagot nito saakin. Napatingin ako sa pulsuhan ko nang hawak niya ito "your wound"
Ah, oo pala. Nagtataka ako kung namanhid na ko sa dami ng pinagdaanan kong mga sugat noon mula say mga misyon, hindi ko man lang naramdaman ang sakit ng kakatahi ko lang na sugat though kumikirot ito kanina nang naliligo ako. Pinaupo ako ni Brazzen sa kama ko at mabilis na kinuha ang isang paper bag na nakapatong sa bedside table. Nilabas nito ang gauze bandage at iba pang gagamitin sa sugat ko, kagat labi akong tumingin sa taas habang hinihintay siyang matapos.
Matapos ang ilang mga minuto ay muli kong binalik ang tingin ko sa kanya, laking gulat ko nang makitang nakatingin din siya saakin. He let out his boyish smile that could melt my heart anytime "can you lift your shirt?" Dahan dahan akong tumango tyaka kagat labing itinaas ang t-shirt ko. Marahan niya dinampian ng cotton na may gamot ang sugat ko at habang ginagawa niya ito, patuloy ako sa pagtitig sa kanya "sabihin mo kung masakit, okay?"
"Okay" mahina kong sagot. Imbyerna naman Aina, may ikakapabebe ka rin pala. Eksperto niyang tinapos ang paggamot sa sugat ko tyaka niya ako binalingan ng tingin kaya muli kaming nagkatinginan "can I ask you out for breakfast?"
Date? Wait, date ba? O walang malisyang kainan lang ang gusto niyang mangyari? Palihim kong hinawakan ang dibdib ko nang maramdaman nanaman ang mabilis na tibok ng puso ko, hindi niya naman sinabing date diba? Pero ano ba talagaaaaa, huhu. Ayokong magexpect kaya I'll take this as a simple friendly breakfast, ganon. Pumitik si Brazzen sa harapan ko kaya muli akong napatingin sa kanya, napapikit pikit naman ako at pigil hiningang nakipagtitigan sa kanya dahil sobrang lapit na pala ng mukha niya sakin.
Unti unting bumaba ang tingin niya papunta sa nakaawang kong labi, bahagya siyang napalunok "oo naman" kinakabahan kong sambit. Napalunok rin ako sabay pikit nang nagsimula niyang ilapit ang mukha niya sa mukha ko, my heart cried in happiness when I felt his lips on my forehead. Why? Why do you have to do that Brazzen? You're giving me so much hope "nasabi ko na bang maganda ka?"
Saad niya matapos akong halikan sa noo, he was staring at me intently. I can even see adoration in his eyes, hoping that hindi ako namamalikmata "you're so beautiful and you can't starve so let's go" natatawa akong nagpatangay sa kanya. Sana– sana ngayon maibalik niya na rin ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya. Hindi naman masamang umasa diba? And him forgiving me was a good start to something new, right?
***
"Pinabihis mo muna sana ako" nakanguso kong saad kay Brazzen na kasalukuyang nagmamaneho. Pagsuot ng dogtag, paglagay ng pulbo, liptint, perfume, at pagkuha ng wallet tyaka cellphone lang ang nagawa ko. I don't even know kung saan kami kakain! "You look fine Aina, I told you na maganda ka diba"
"Hmp" arte ko habang nagpipigil ng ngiti, kinikilig ako. Kingini naman oh "San pala tayo kakain?"
Tanong ko matapos lumipas ang ilang mga minuto, sandali niya akong tinapunan ng tingin sabay ngiti. Kita mo to, papatayin yata ako sa ngiti niya. Namumuro na tong lalaking to ha, kanina pa ko kinikilig ay hindi, kagabi pa pala! "You don't need to worry, ang may ari ng kakainan natin ay second cousin ko. His eatery is very simple, a combination of restaurant and karenderya"
"Ah, yung pinsan mong may ari ng isa sa mga sikat na restaurants dito sa bansa?" Kakabukas lang nito ng isang kainan na pang masa. Yung style ng lugar ng kainan ay parang restaurant habang ang mga hinahain naman dito ay mga putahe ng karenderya with a twist, because the taste has the touch of his famous recipes. Parang he can do both ang peg ng pinsan niya, he has glamorous restaurants with eye popping prices and he also has simple restaurants with friendly prices "oh, so you knew about him"
"Medyo lang, pag nagfafamily dinner kami sa labas. Dun kami sa restaurant niya pumunta, his restaurant with one of the highest recognition"
Humarap siya sakin nang nag red ang traffic light "gusto mo bang dun na lang tayo kumain? I want to bring you to a fancy restaurant but since you were not able to change your clothes, I decided to bring you there because I don't want you to feel uncomfortable while eating. Fancy restaurants has sort of dress code righ–"
"Brazzen, I don't mind eating a simple breakfast. Hindi ako pihikan sa pagkain, if I would choose between street foods and expensive foods. Mas gugustuhin ko ang street foods, mura na, sulit pa" Saad ko sabay kindat sa kanya. Napatawa naman siya tyaka muling pinausad ang sasakyan "simple breakfast it is"
Maganda ang ambiance ng lugar, maging ang mga pagkain ay talagang masarap rin kaya naging mabilis ang pagkain namin ni Brazzen dahil wala ring ilangang naganap "Braz? Insan!" Patayo na sana kami ni Brazzen matapos niyang magbayad nang may isang gwapong lalaki ang lumapit saamin "Drei!"
"Sana sinabi mong pupunta ka dito para naman ako mismo ang naghanda ng pagkain m– niyo. What do we have here? Salamat naman at matapos ang napakahabang panahon ay may girlfriend ka na ulit! Hi! My name's Drei, the owner of this eatery"
Nahihiya kong tinanggap ang kamay niya tyaka nakipagkamay. Napahalakhak lamang si Brazzen sa naging saad ng pinsan niya, ni hindi siya nagdeny. Huhu why "Araina Keen Wakefield, nice to meet you"
Mas lumawak ang ngiti nito at namamanghang tinignan si Brazzen "malalaki ang kompanya ng pamilya mo diba?""Ah yes" agad kong sagot dito, tumango tango naman ito. Aakmang magsasalita ito ulit nang magpaalam na si Brazzen "oh okay, take care! And Araina, hoping to see you in one of our family dinner soon"
Alanganin akong tumango tyaka nagpaalam na rin bago kami tuluyang lumabas ni Brazzen, tahimik kaming naglakad papuntang sasakyan niya "Brazzen?" Agad kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses "baby!"
Oh.my.gawd
***
Note:Sorry po sa mga errors, nagmamadali na po kasi akong magupdate so hindi ko na na proofread ☺️ anyways, expect slow updates again since nagsimula na po ang pasukan namin 😅 but I'll try my best po. Have a nice day ahead!!! Xoxo 💗
BINABASA MO ANG
Lieutenant Colonel Araina
Action"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)