L.C | 60 |

2K 79 9
                                    

| Araina |

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat na mararamdaman ko. I'm so confused. Gusto kong magalit, gusto kong umiyak, gusto kong sumigaw pero masyado akong nagulat para man lang gumalaw. So I became stupid and didn't even confront them. Pinili kong tumakbo palayo sa kanila at umiyak ng mag isa sa kwarto. Masyadong masakit ang mga nakita ko, far from what I expected. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa kusa na lamang tumigil ang sarili ko nang wala ng luha ang gustong kumawala.

I was too tired from the pain so once again, I slept all the pain, hoping it would go away the moment I'll open my eyes in the morning. Scam, isang malaking scam dahil pag gising ko at nakita ang sariling repleksyon mula sa salamin. Kusa nanamang bumuhos ang mga luha ko. Sa pag aakalang napagod na ang mga mata ko mula sa pagkakaiyak kagabi, nagkamali nanaman ako. Namamagang mga mata na animo'y kinagat ng sandamakmak na bubuyog, sabog ang buhok na para bang sinabunutan ako ng ilang mga kamay, at kaawa awang mukha na pawa bang namatayan.

Ginawa ko ang lahat magmukha lang normal ang mukha ko bago lumabas ng kwarto. Kung pwede nga lang ubusin ang foundation na hiniram ko kay Katana at magpanggap na inakala ko'y Halloween na, hmp. Maghapon akong lutang na nagtrabaho, ilang beses pa kong binatukan ni Katana at kung hindi lang ako broken hearted ay malamang binatukan ko na rin "tsk, ang pangit talaga"

"Sinong pangit?!"

"Ikaw, ikaw nagreact eh"

Kasalukuyan kaming kumakain sa malawak na cafeteria. Napagdesisyunan naming mag early dinner dahil marami pa raw gagawin si Katana at Adam. Kakaumpisa pa lang namin sa pagkain nang mag umpisa rin ang aso't pusa naming kasama sa pag bangayan, Katana and Ralph.

"Ang kapal ng mukha mong sabihan akong pangit eh mukha mo nga parang paa"

"Ang tanga mo naman kutsilyo, hindi ka man lang ba marunong mag identify ng shape? Ang layo ng hugis ng paa sa gwapo kong mukha ano, bumalik ka nga ng kindergarten"

"Tanga ka rin! Kelan pa naging kutsilyo ang Katana, hindi ka yata marunong magbasa"

"Bakit ba, kutsilyo ang gusto kong itawag sayo eh"

"Oh bakit rin?! Gusto kong paa ang ihalintulad sa mukha mo eh"

"Aba't, bawiin mo yun!"

"Manigas ang mukha mong mukhang paa!"

"KUTSILYO KA!"

"PAA!"

"KUTSILYO!"

"PAA!"

"KUTSIL-"

"Araina"

Natigilan ako sa pagsubo ng pagkain at napaharap sa dalawa "bat nasama ako sa away niyong dalawa? Nananahimik ako dito ah"

"H.. hindi kami" kunot noo kong binalingan ng tingin ang tinuturo ng mga nguso nila, oh sht "may I talk with you?" Ayoko. Buo ang desisyon kong hindi makipag usap kay Brazzen na kasalukuyang nakatayo sa harapan ko. Aakmang sasagot na ako ng hindi nang itulak ako patayo ni Katana, naiinis ko siyang tinignan "go na kayo"

Nanatili akong nakatayo sa aking pwesto hanggang sa napagdesisyunan kong tignan si Brazzen. Napakagat labi ako nang magkasalubong ang mga mata namin, bigla akong nakonsensya matapos na makita ang mga mata niyang nangungusap. Labag sa loob akong tumango "saan ba?" Finally, his face lit up. Sinundan ko siya sa paglalakad matapos niyang sabihin kung san kami pupunta, it was the same spot written in the note he gave me. Mabibigat ang mga hakbang na ginawa ko habang sinusundan siya.

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon