| Araina |
"Ang init" reklamo ko habang inuubos ang ice cream na hawak hawak "why are you even wearing a sports bra huh woman? Di uso t-shirt sayo?"
Napanguso ako sa naging saad ni Brazzen. Kasalukuyan kaming na sa labas ng isang store dito sa resort upang magpahinga at magpasilong, kanina pa kami libot ng libot para mamasyal. Unti unti na ring lumulubog ang araw pero ramdam ko pa rin ang init ng paligid "medyo lang" sinilip ko ng mabilisan ang reaksyon ni Brazzen. Nakaawang na ang labi nito na parang hindi alam ang sasabihin.
"Nakakauhaw ang ice cream na binili mo, bili kang tubig"
Pinanliitan ako nito ng mga mata tyaka pinitik nanaman ang noo ko "yah! Namumuro ka na, ang sakit mo kayang pumitik" aba ang loko, tumawa lang habang tumatayo "ikaw, utos ng utos"
"That's what you get for hurting me, suplado"
Nilapit naman nito ang kanyang mukha sa mukha ko tyaka nagpakawala ng nakakalokong ngiti "affirmative" tumawa lang ako sa naging tugon niya. Muli naman itong pumasok sa store upang bumili ng tubig, habang naghihintay kinalikot ko muna ang cellphone ko "bat kaya hindi ako tinawagan ng babaeng yun"
"LC?"
Mula sa pagkakatungo ay iniangat ko ang tingin ko para tignan ang taong nagsalita "oh? Ethan!" Nagfist bump kaming dalawa tyaka ito umupo sa tabi ko "I knew it was you! Kamusta ka na? Matagal tagal na rin mula ng huli tayong magkita ah, huli nating kita ay sa misyon pa natin sa Moscow" ngumiti ako tyaka tumango. Bahagi rin ng Supreme si Ethan, he's one of my comrade pero hindi siya dito sa Pilipinas nakadestino but in Europe "so, what are you doing here?"
"Vacation! Actually, I'm with my fiancee"
"Ooooh nice, parang nung na sa Moscow tayo which was 2 years ago, nageemote ka pa from your ex girlfriend" natatawa kong saad habang binabalikan ang naging misyon namin "well, too bad she wasn't the right one for me. But I'm happy because if Verna and I didn't broke up then I would've not met my amazing fiancee"
Ngumiti ako tyaka siya tinapik ng bahagya "you're right, I'm happy for you my dear comrade. So, no plans of inviting me you dimwit?"
"What? Of course I do! We're planning to get married next year so. How about you? How's ahem the lieutenant Colonel's love life ey?"
Napatawa lang ako sa naging turan niya, I wish I have that same relationship na meron siya. Too bad din, mahinang magdamoves si Brazzen. Ako na lang kaya ang manligaw? Pero kakabati lang namin, sa susunod na lang siguro. Mga after one week, ehe "aist, don't even start" bago pa muling magsalita si Ethan ay natigilan ito nang may water bottle na bumungad sa pagitan naming.
Nilingon ko ang may hawak nito. Brazzen! Homegawd, I almost forgot about him buying water inside the store "oh, thank you. By the way Ethan this is Brazzen, Brazzen, this is hoy! San ka pupunta?!"
Mabilis akong napatayo tyaka hinarap si Ethan "hahabulin ko lang, nice seeing you again my dear comrade. May period ata yung kasama ko, sorry for his rudeness"
Tawa agad ang naging sagot ni Ethan tyaka nito nilahad saakin ang kanyang cellphone, binigay ko rin ang akin. We exchanged numbers before finally saying our goodbyes "he's just probably jealous, now here I thought you're single. Rereto na sana kita, anyways nice seeing you also Suprema. Go after him"
"I doubt that, anyways. Contact me nalang haaa!"
Agad kong tinahak ang daan na dinaan ni Brazzen, mabilis ko rin naman siyang naabutan dahil hindi pa siya gaanong nakakalayo "oy, that was rude you know" hinihingal kong bungad sa kanya matapos magawang sabayan ang paglalakad niya "they're looking for us, we should get ready for dinner later. Besides, you're really getting too much attention even with just wearing that"
BINABASA MO ANG
Lieutenant Colonel Araina
Action"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)