L.C | 23 |

2.9K 82 5
                                    

| Araina |

"Kumpleto na po lahat Suprema"

"Okay, let's ready for take off" sumaludo naman si Buttercup tyaka naunang naglakad papasok ng eroplano. Binigyan ko ng huling tingin ang paligid bago tuluyang sumunod sa loob. It's been two days.

Hindi rin naman nagtagal ang pagtingin ni Brazzen sa likod dahil kinailangan niya pumunta sa isang pasyente na inatake. His touch really sent shiver through my whole spine, malinaw pa rin saakin ang pakiramdam ng bawat haplos niya. Argh, stop it Araina "you'll surely miss this place"

Naging saad ni Katana, bahagya naman akong tumango "sobra" ilang buwan rin kaming nandito. But I'll be back here, that's for sure. Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay tyaka napaisip, dahil hindi ko alam ang mangyayari pagkalapag na pagkalapag namin sa bansa.

Paniguradong bibigyan kami ng munting bakasyon, at pagkatapos nun ay balik serbisyo. How about you and Brazzen? Eh? Wala nga pa lang namamagitan saaming dalawa, well. The last I checked nga diba, he hates me "pangmalakasang buntong hininga yan fren ha" inirapan ko lamang si Katana na ikinatawa lang nito.

Nakatulog naman ako halos buong byahe kaya nakasimangot si Katana nang malapit na kami sa Pilipinas "nung mukha yan ha kutsilyo" natatawa kong tanong dito. Binigyan niya naman ako ng matulis na tingin tyaka bahagyang enikes ang dalawa nitong kamay "alam mo naman na hindi ako mahilig matulog kapag nasa byahe tapos tinulugan mo ko"

"Hoy ka, anong gusto mo? Makipagusap sayo ng sabog? Magkaiba kaya tayo" binelatan niya lamang ako tyaka ngumuso. Hindi naman nito napanindigan ang hindi pagpansin sakin "Ainaaa, gutom na ko. Di ba uso pagkain dito?"

"How about calling a stewardess huh Katana?"

"Hayst, nevermind. Malapit naman na din tayo, babawi nalang ako ng kain"

It was true dahil kalahati ng oras ang lumipas nang magsalita ang piloto na lalapag na ang eroplano. Pinauna muna naming makababa ang lahat bago namin napagpasyahang bumaba rin, malakas na hampas ng hangin ang bumungad saamin nang tuluyan na kaming makababa "welcome home Team Alpha!"

Magiliw na sigaw ni Katana. Ngiti ang ibinigay ko sa crew na nadaanan namin tyaka muling inangat ang backpack na dala ko "hala, di nga pala Supreme's plane Ang sinakyan natin. Babyahe nanaman tayo papuntang batalyon?"

"We'll travel to the nearest Sumpreme building, may nakahanda na dung helicopter"

Excited namang naglakad si Katana papuntang exit ng airport "thank you ulit sa tulong niyo, naging delikado man ang pananatili niyo sa bansa. I admire all of your bravery"

"It's our pleasure to serve other people, it was a good experience Suprema. Thank you for choosing us as your medical team"

I gave them my genuine smile tyaka nagpaalam "Mauna na kami, kailangan pa naming magreport sa kampo" napatawa naman ako ng sumaludo silang lahat, well, except for one person. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti bago tuluyang umalis sa harapan nila "naks, lang goodbye kiss?"

Mapangasar na saad ni Katana nang maabutan ko siya "suntok sa nguso baka gusto mo?" Mabilis niyang tinakpan ang bunganga niya tyaka nanlalaki ang matang humarap sakin "hala, ako ba si Brazzen ha?"

***

"Itetext kita para sa shat session natin haa! Hoy Araina!" Natatawa kong binuksan ang sasakyan ko tyaka pumasok dito. It's been a while since magamit ko to "wag mo kaming indianin, di ka Indian hoooy!"

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon