L.C | 13 |

3.3K 77 8
                                    

| Araina |

"Mommmmyyy! Dadddyyy! I'm baaaacccckkkk!" Hyper kong sigaw nang tuluyan akong makapasok ng bahay, sinalubong naman ako nina mom and dad with a smile plastered on their faces "Aina baby!"

Mom showered me with her kisses at suminghot singhot pa habang ginagawa ito "I'm glad na nakabalik ka ng ligtas" tinignan ako ng matagal ni mommy tyaka tipid na nginitian "you didn't even visit us when you drop by in the country"

Nagtatampong saad ni daddy, natatawa ko naman siyang niyakap ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit– bakit masakit. Bakit bumuhos ng malakas ang mga luha ko at mas napahigpit ang yakap ko kay daddy, napahagulgol ako ng malakas.

Masaya ako pero hindi namang maipagkakailang, dala ko ang bigat at sakit na nakuha sa pinanggalingang bansa. Unti unti kong naramdaman ang paghagod ni daddy sa likod ko, they've been always supportive to me. Always

Hindi naman na bago sa kanila ang pagiyak ko kapag nakauwi galing sa matagal na misyon, dahil siguro alam kong labis silang nagaalala kapag napatagal ang misyon ko? Lalong lalo na kapag sa ibang bansa ito, and I know– even though they won't tell me. They are disappointed with the occupation and path I chose "shh shh"

Dala na rin siguro ng sakit at labis na pagkamiss ang dahilan ng break down ko "it's alright, it's okay baby" pagalo saakin ni mommy't daddy "lagi ka namang umiiyak kapag galing sa matagal na misyon, pero bakit mas lumala ata ngayon? Broken hearted ka siguro" biro ni mommy, bahagya naman silang napatawa. Ngunit mas lumakas lang ang paghagulgol ko

"Mom, Dad!"

"Yes baby? What is it?"

"Mom, Dad!" Ang sakit po, ang sakit sakit. The pain would not just go away, and it's killing me "you can tell mommy and daddy, what is it?"

Hindi ako sumagot, hindi na rin sila nagtangka pang magtanong at hinayaan nalang akong umiyak habang nakakulong sa kanilang mga bisig.

"Aina?" *tok! Tok! Tok!*

Lutang akong nakatingin sa sahig habang nakasalampak nang patagilid sa kama, pinaakyat ako ni mommy matapos akong umiyak nang wala ng luha ang gustong lumabas. Naubos na siguro, napagod na rin ako eh. Isa pa, ang sakit na ng mata ko. Ngayon ko lang nailabas ang sakit na pilit kong tinatago sa mahabang panahon "Aina!"

"Kuya naman, pagod ang sexy at maganda mong kapatid– mamaya na tayo mag wrestling ha?"

Walang gana kong bati kay kuya nang tuluyan na itong makapasok, isa rin kasi sa bonding namin ay ang pagwre-wrestling. Si mommy nga ay parang aatakihin tuwing naabutan kaming nagwre-wrestling "hiyaaah!"

"Araaaay! Kuya naman eh, masakit ang sexy kong katawan! Wag mo nga akong daganan!"

"Hahahaha no waaaay!"

"Ayaw mo?"

"Ayaaaww!"

"Ganon ha? Mommmmyyy!! Daddyyyyy!!! Si kuya oh! Si Kuyaaa— hmmpppp!"

Mahigpit nitong tinakpan ang bunganga ko tyaka tumawa ng malakas "sumbongera ka talaga!" Sinubukan kong kumuwala sa kanya pero dinaganan lang ako nito tyaka pinagpatuloy ang pagtawa

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon