L.C | 32 |

2.5K 72 2
                                    

| Araina |

"Oy, may nangyari ba sa inyo ni Brazzen habang nastuck kayo?"

"Psh, pameron na sana kung di lang kayo epal" pabulong kong saad habang nag aapply ng lotion. Sumakit ang balat ko sa tindi ng init kanina, pumula nga lang ito "huwaaat?"

"Wala nga Kat, ang ingay mo. Sinong panalo?"

"Haaaah! Syempre, hindi kami" nakabusangot si Katana habang tinatapos ang ikalimampu niyang sit-ups. Hinawakan ko naman ang paa kong nasprain at marahan itong pinisil "sumakit ata lalo ang paa ko mula sa paglangoy"

"Oh eh, anong tawag sayo"

"Maganda, kako" tumayo ako mula sa pagkakaupo matapos kong malagay ang compress bandage ko sa paa "aist, mageexercise ka ba Aina? Jogger pants at sports bra! Haler, na sa beach tayo"

"Magbibikini ka pa rin haaaa? Ansakit ng balat ko kanina, pwede taymperss muna?"

Dinilaan niya lang ako bago dumiretso ng banyo, napahawak naman ako sa buhok ko at napagdesisyunan na itali ito ng pabun. Alas onse pa lang ng umaga, nagpakawala ako ng hangin sa bibig. Habang hinihintay si Katana, nakaramdam ako ng biglaang gutom kaya mabilis kong sinuot ang bunny slippers ko sabay kuha ng wallet ko sa tukador "Kaaaat! Gutom na koooo, kakain muna ako. I'll see you later ha?"

"Dalhin mo phone mo!"

"Arasseo!"

Nakangiti akong lumabas ng kwarto namin "going somewhere?" Napako ang mga paa ko nang marinig ang boses ni Brazzen, pumihit ako para harapin siya habang may alanganing ngiti "ah yah, kakain"

Nagulat ako ng makitang naka jogger pants rin siya. Oh what the, sht. Mukha kaming magjowa, we're both wearing the same bottom with the same color which is black. Pareho rin kami ng kulay na pangitaas na kulay gray. Masasabi kong fan siya ng v-neck shirt dahil yun ang suot niya ngayon "oh, yung shirt mo pala. Kakalaba ko lang, I'll return it to you as soon as matuyo"

"Keep it" pumikit pikit ako tyaka muling ngumiti. Tipid akong tumango tyaka kinagat ang ibaba kong labi "may I join you? I'm also hungry"

Mabilis akong tumango tyaka siya sinabayan sa paglalakad. Agad kaming dumiretso sa isang kainan matapos makalabas ng hotel "mukhang di mo kasama si Elsa at Cole?" Tinapunan ako ng tingin ni Brazzen matapos na makaupo. He's indeed a gentleman dahil pinaghila ako nito ng upuan bago siya umupo.

Pigil ang ngiting nakatingin lang din ako sa kanya. Pero sa loob ng utak ko ay gumugulong na ko sa kilig, nagagawa ko na ring kumalma kahit papano dahil hindi na gaanong mabilis ang pagtibok ng puso ko "I don't know where they went, pero magkasama sila"

Napa 'o' naman ang labi ko tyaka ito binasa upang pigilan ang sobrang pag ngiti. Sa totoo lang ay naninibago ako kay Brazzen, hindi na ko nakakaramdam ng pangit na tensyon sa pagitan naming dalawa. It seems like, he's now giving me the opportunity to enter his life. Charot. Pero sana totoo dahil hindi namang maikakailang mas naging friendly and aura niya ngayon, di tulad noon na kapag nakikita niya pa lang ako ay parang bulkan siyang sasabog na.

"Aina"

Gulat kong binalingan ng tingin si Brazzen, he was giving me his sexy smile dahil kagat nito ang ibabang labi "ah?" He pointed the waiter that was also looking at me as well "your order"

"Ah yes, order ko. Wait"

Napalunok ako habang mabilis na tinignan ang menu, matapos kong mabigay ang order ko ay mabilis na umalis ang waiter "your spacing out awhile ago, mind telling me what were you thinking?"

Winagayway ko ang dalawa kong kamay na parang sinasabing wala "c'moooon" pagpipilit nito. Pinagdikit ko ang labi ko tyaka inekis ang kamay ko mesa "hindi ka na galit?"

Ngumiti siya. Okay, that was unexpected. Nasanay na rin ako sa masasakit na salitang binibigay niya noon so, hindi na magiging bago yun kung sakali man "Nah. I just realized that, anger won't do me good. So, I decided to free myself from all the grudges and anger that I'm feeling. It won't be easy but I'll take it step by step"

Titig na titig ako habang nagsasalita siya. I'm happy that finally, he's finally learning to forgive. Ginawa ko rin yan nuon sa sarili ko and that was hard, forgiving yourself. Dahil, ikaw lang mismo ang makakatulong sa sarili mo sa ganitong sitwasyon "so, I forgive you Araina. I may not be able to forget everything but, I'm accepting the fact. What happened years ago but I forgive you"

Agad kong pinunasan ang mga luhang pumatak at bahagya pang suminghot singhot. Mabilis siyang lumipat sa tabi ko tyaka ako tinapik tapik sa likod "shh shh" inangat niya and mukha ko tyaka hinarap sa kanya. Unti unti niyang pinunasan ang mga luha ko, he was smiling before pulling my face towards him. Napapikit naman ako nang dumampi ang labi niya sa noo ko "thank you"

Tumango siya tyaka nilahad ang kanan niyang kamay sa harapan ko "Hi! My name's Brazzen Klay Wade West, nice to meet you" muli akong suminghot tyaka tinanggap ang kamay niya, we shook hands "Hello, I'm Araina Keen Wakefield. Nice to meet you too"

***

"Aaaah ang sarap!"

Brazzen let out a chuckle "ang takaw mo" ngumuso ako tyaka siya dinilaan, bahagya kong pinaliit ang mga mata ko "matagal tagal ka na ring hindi masyadong nagtatagalog, ang arte mo"

Kumunot ang noo niya tyaka nagkibit balikat "nasanay sa mga meetings, we've been getting a lot of foreigner costumers so"

"Meh, maarte ka lang eh. Sooo, ikaw pala ang nagbigay nung isang t-shirt. Crush mo ko no"

Namasid siya mula sa paginom ng tubig dahil sa naging tanong ko, ako naman ang tumawa. Tinapunan niya ako ng masamang tingin bago nilapag ang baso na may lamang tubig "eh ikaw, you broadcasted your feelings to the whole battalion. So, you love me huh?"

"Waiter!"

Mabilis na lumapit ang waiter sa mesa namin "yes ma'am?"

"Bill po"

Humagalpak ng tawa si Brazzen matapos na makaalis ang waiter "suntok gusto mo?" Tinaas niya ang dalawa niyang kamay na para bang sumusuko pero patuloy pa rin sa pagtawa. Maya maya ay bumalik na rin ang waiter dala ang bill naming dalawa, aakmang kukunin ko na ito nang maunahan niya ako. Pagkatapos mailagay ang bayad ay agad niya kong niyayang umalis na, na sa huling baitang na ko ng hagdan nang muli siyang magsalita "Don't worry"

"I'm getting there Aina"

Ay sht.

***
Note:

Ye baby, update nanamaaan! Thoughts everyone? Thank you for reading, lovelots 💗

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon