| Araina |
Halos maubusan ako ng hininga matapos akong halikan ni Brazzen. It wasn't a torrid kiss or a French kiss! It was just a plain kiss but it already felt different and special! Napapikit ako nang pinagdikit niya ang mga noo naming dalawa, maya maya'y hinalikan niya naman ang tungki ng ilong ko tyaka ako mahigpit na niyakap "what have you done to me?" Mahina niyang bulong na siyang nakapagpakunot ng noo ko.
"Anong ginawa ko?"
I was even more clueless when he let out a loud laugh. Hinila niya na din ang magkabila kong pisngi tyaka pinanggigilan ang ilong ko bago ako muling niyakap ng mahigpit "how can you be so cute and gorgeous at the same time Keen?"
"Inborn yan" napangiti ako nang muli siyang napatawa ng malakas. Mas hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya because not only I'm comfortable with his embrace, ang bango niya din! Urgh, weakness "tapos na trabaho mo? Akala ko ba busy ka"
Agad kong tanong matapos kumalas sa yakap niya, hinila ko na rin siya papasok ng kwarto tyaka sinarado ang pintuan. Naunang naupo si Brazzen sa kama ko "work can wait"
"I can also wait din naman ah, ikaw nga nahintay ko ng ilang buwan. Yun pa kayang pagtapos mo lang ng trabaho?" Naasiwa ako bigla sa paraan ng pagtitig ni Brazzen kaya umiwas ako ng tingin at tumabi sa kanya sa kama habang nakahiga "I know, I'm talking about myself Keen. Hindi ko kayang maghintay ng matagal"
Natigilan ako sa naging saad niya. Pumasok ako sa loob ng comforter, sinusubukan niya namang alisin ang comforter pero mahigpit ang kapit ko dito "hey Keen, why are you hiding? C'mon, alisin mo ang comforter. I want to hug you"
Imbis na alisin ang comforter, mas lalo ko lang siniksik ang sarili ko palayo kay Brazzen "Keen!"
"Ayoko" kagat labi kong saad. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Brazzen "fine, alis na ko"
"Kinikilig ako Klay! Don't mind me"
Naging matagal ang pananahimik naming dalawa, matapos ang ilan pang mga minuto, narinig ko nanaman ang pabilis tibok ng puso na tawa niya "you're starting to make me crazy Keeny baby, stop it"
Nakanguso kong binaba ang comforter tyaka binuka ang magkabila kong kamay "hug me" nakangiti siyang umiling kaya mas napanguso ako. Hindi ko pa rin binababa ang kamay ko sa ere at bahagya pang ginalaw galaw ang mga daliri ko "no"
Sinamaan ko siya ng tingin bago malungkot na binaba ang mga kamay ko. Kinagat ko ang dila ko at umatras pa palayo sa kanya, hindi naman naging problema ang pag atras ko dahil malaki ang kama "ilang oras pa nga lang tayo, nagsawa ka na agad?" Nagtatampo ko siyang tinalikuran.
"Ano? Hey, of course not. Come here, I was just teasing you"
"Hmp" pigil ngiti kong iniiwasan ang mga kamay niyang pilit akong pinapaharap sa kanya "Keeny baby"
Halos tumalon ako dahil sa lambing ng boses niya, aahhh stop it! Huhu ako naman yata ang mas binabaliw niya "galit ka talaga?"
Kita mo to, sinabi ko bang galit ako? Sabi ko tampo, hindi ko napigilan ang pagtawa kaya humarap na ko sa kanya "echos lang, to naman. Labas na nga tayo, baka ano pa ang isipin nila mommy pag nalaman nilang nandito ka sa loob"
Imbis na tumayo, pabagsak na humiga si Brazzen tyaka ako niyakap sa bewang "hoy, di mo ko narinig? Labas na tayo uy" marahan kong tinampal ang braso niya pero hindi man lang ito natinag "nagpaalam ako Keeny, they know everything. Pinapaalam ko para hindi nila tayo mamisinterpret" bored nitong saad. Nanlalaki ang mga matang kinurot ko ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
Lieutenant Colonel Araina
Action"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)