| Araina |
"How come you're so good at shooting?" Napatigil ako sa pagsuot ng seatbelt tyaka tinignan ng pagtataka si Brazzen "because I'm a Supreme? And we were trained how to shoot?"
Ilang segundo siyang napakurap kurap tyaka biglang tumawa "of course, what a stupid question" napangiti na rin ako sabay suot ng seatbelt "nainis ko yata si Tim?" Inosente kong tanong sa boyfriend ko. Ehem, boyfriend yun mga tropa ha "don't mind him, serves him right for being not fair"
Napatango tango na lamang ako ngunit agad ring natigilan nang tumunog ang cellphone ko. Naramdaman ko naman ang titig ni Brazzen habang hinahanap ko ito sa loob ng aking bag "hello Mommy?"
"where are you baby?"
"Pauwi na po"
"Kasama mo ba si Brazzen?" Muli kong tinignan si Brazzen na patuloy pa rin sa pagtitig saakin "opo"
"Invite him to go with you dito sa farm, dumating ang pinsan mong si Bliss. We decided to call for a family dinner and she has something to tell you, she said it's urgent" natahimik ako bigla at hindi nakapagsalita. Ilang taon na rin ang lumipas nang muli ko siyang makita at ang biglang pagbalik niya't pagtawag saakin ay hudyat na tungkol lamang ito sa misyon naming umabot na ng taon "Aina?"
Mabilis ang aking pagkurap sabay ng pagbuga ko ng hanging kanina ko pa pala pinipigilan "opo, I'll be there. We'll be there I mean" napakagat labi ako sabay lipat ng tingin sa labas ng sasakyan "see you two baby, have a safe trip" minabuti kong liitan ang mga mata ko habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan. Isang kalabit ang muli na nanamang kumuha ng atensyon ko "anong sinabi ni tita?"
"Ah, dumating kasi ang pinsan ko mula ibang bansa. May family dinner sa farm and I need to be there, mom wants you to come. Well if you don't have any schedule left for today and tomorrow morning"
Kinabahan ako nang tinitigan lang ako ni Brazzen "i-i--is something w-wrong?" Nakahinga naman ako ng maluwag matapos itong tuluyang ngumiti "I would love to baby, do we have to stay there til morning?"
"Yes, it's a long ride. Baka maabutan na tayo ng umaga sa daan kung uuwi pa tayo, it's not that safe"
"Okay, let me get my things first then? May kukunin ka pa ba sa bahay niyo?" Napaisip naman ako kung sapat ba ang dala kong armas "I'm good, may mga gamit naman na ko dun" agad na nagmaneho si Brazzen papuntang condominium niya dahil ito ang pinakamalapit na lugar ng makukunan niya ng gamit "we're here"
Pag anunsyo niya nang makarating kami sa floor ng condo niya, mabilis niyang pinindot ang passcode tyaka kami tuluyang makapasok "I'll be quick" tumango lang ako sa kanya bilang tugon. Patakbo itong pumasok sa kanyang kwarto habang nilibot ko naman ng tingin ang buong lugar. Ito ang unang beses na makapasok ako sa condo niya dahil sa condo ko naman siya nadala nung panahong nalasing siya ng husto sa bar.
Nilapitan ko ang wide cabinet kung saan may mga iilang picture frames na nakalagay. Agad na nanlamig ang buo kong katawan dahil sa mga nakita, a picture of Brazzen's sister and her ex-fiancee. My throat went dry and I suddenly felt suffocated, I bit my lower lip as I took steps away from the cabinet. I compose myself through letting out deep sigh, tamang tama naman na lumabas si Brazzen sa kanyang kwarto "you okay?"
"Y-- yeah"
"Let's go" binalik ko ang ngiting nilabas ni Brazzen tyaka sumunod sa kanya palabas. Hanggang sa paglabas namin sa elevator at pagpunta sa parking lot ay lutang pa rin ako "I'll drive"
Agad akong tinignan ni Brazzen nang may hindi pagsang ayon, ngunit bago pa siya makaalma. Mabilis kong kinuha sa kanyang kamay ang susi ng sasakyan at pumasok sa driver's seat, siya naman ay saglit na natigilan bago sumunod at nilagay na lamang sa back seat ang kanyang mga gamit "andaya" nagpakawala ako ng tawa sabay paandar ng sasakyan "I don't have the energy to argue with you who's going to drive"
Bago tuluyang makalayo sa building ng condominium ni Brazzen, sinundan ko nanaman ng tingin ang kanina ko pa inoobserbahan.
***
Hindi ako matigil sa pagtingin sa salamin upang tignan ang na sa likuran namin. Mahigit dalawang oras na rin kaming bumabyahe at medyo may kalayuan pa ang farm "I'm sorry I fell asleep" tinapunan ko lang ng mabilis na tingin si Brazzen sabay ngiti dito "it's fine"
Minabuti kong panatiliin ang bilis ng takbo ng aming sasakyan habang patuloy pa rin sa pagmasid, tatlumpong minuto ang nakakalipas ngunit hindi pa rin ito nag iiba ng daan "Klay, please pass my phone" matapos makuha ang cellphone ko, mabilis akong tumipa ng numero tyaka ito kinonekta sa earpiece ko. After three rings, she picked up "where are you?"
Agad kong bungad sa kanya "In Giovanni's Restaurant, waiting for tita's order" great, that's just 5 minutes away from our direction "need help, asap"
"Ah sht, I forgot to bring my amos with me" o–kay, that's just great. Mabilis kong sinulyapan si Brazzen na prenteng nakatingin saakin "I did, I'll roll the car's window for you. Track me, I already opened my system for you"
"Target locked, wait for me"
Matapos na madaanan ang restaurant ni Giovanni, isang motorsiklo ang pumantay sa bintana ko sakay ang isang babae "hand me my gun baby" without any complaints, Brazzen passed my gun. Agad kong binaba ang bintana tyaka ibinigay dito ang baril "this one's tailing you?"
"Yeah, what do you think?"
"Wait, I'll look inside to confirm" bumagal ang takbo ng motorsiklo tyaka ito lumipat sa likuran ng kotseng kanina pa sumusunod saamin ni Brazzen "oooh, they're Cs. I'll handle them, go ahead"
"Thank you, be careful. I have company so, can't beat their asses"
"I know, see you later. This will be fun though, be careful in driving"
"Affirmative" pinal kong sagot dito bago maputol ang tawag. Maya maya'y nakarating na rin kami sa farm, matapos na makapasok sa gate at makapark ay agad rin kaming lumabas ni Brazzen "Sino yun?"
Nginitian ko siya bago tumingin sa aking relos "she'll introduce herself instead, she will be here in 20 seconds" after the said time, a motorcycle entered the gate and park just in front of us. She then took her helmet off while giving us her famous grin "consider it done, I'll give you the info later. For now"
Hinarap nito si Brazzen na kasalukuyang tinitignan kami habang bakas sa mukha niya ang pagtataka "let me introduce myself first"
"Major Bliss Wakefield Ferrer, upperclass Supreme and cousin of Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield. At your service, salute"
***
Note:Happy New Year and Belated Merry Christmas everyone!!! I'm very sorry sa super duper late and slow update (di naman na bago hehe) talagang mabagal lang ang ideas saaking brainyy kaya mabagal rin ang updates. This update's just short so please bear with it for now.
Anyways, I would like to say thank you for being amazing last 2019. For your unending support sa story ni Araina and in my journey as well. More years to us!!! ❤️ I do hope that you'll continue to support me, especially Araina's story hanggang sa dulo. Let's continue being amazing this 2020, praying for a better year. Godbless everyone 😘❤️
BINABASA MO ANG
Lieutenant Colonel Araina
Action"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)