L.C | 21 |

3K 90 12
                                    

| Araina |

"Araaaaayyy" naiinis kong tinignan si Katana habang nakahawak sa balakang ko "oh ano ha? Baka nakalimutan mong mas malala ang akin" sumimangot na lamang ako sabay haplos sa masakit kong bewang.

"Bat mo ba ko niyayang mag exhibition?!"

Di makapaniwalang binalingan ako ni Katana "hooooy, siszt baka lang nakalimutan mo ulit ano? Dahil sa pagiging kalog mo nanaman ang dahilan kung bat nauwi tayo sa sakit ng katawan"

Hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin nang may kumatok sa pintuan "kakain na ba?" Nagtataka niyang saad habang nakatingin na rin sa nakasaradong pintuan ng kwarto namin "how would I know? Sabog ka ba? Pareho lang tayong nandito sa loob, malay ko ba sa kumakatok"

She made face tyaka sinenyasan akong buksan ang pintuan. I gave her a glare before standing up to open the door. Laking gulat ko naman pagbukas ko ng pintuan nang makita ang Team Alpha, pawang mga tutang nakatayo at naghihintay na tawagin ng amo "sabihin mo na Buttercup"

"Eh kung ikaw na lang kaya, baka biglang sumigaw si Suprema eh"

"Ayoko nga, baliw ka ba? Nauutot din ako, baka mamaya sumabog to"
Napaatras naman ng bahagya si Garfield nang makitang nakatingin ako sa kanya "kakautot mo lang kanina diba, sabihin mo na kasi"

"Eh bakit ba hindi na lang si Baymax. Tutal siya naman and sumagot kay Suprema"

"What is it?" Biglang basag ko sa pagbabangayan nila na akala nila'y hindi ko naririnig. Their whispers sounds like a shout already though, that's why "ah eh Suprema, may sasabihin sana kami"

Pautal utal na saad ni Buttercup sabay siko sa nakayukong si Baymax. Napataas ang kanan kong kilay nang hindi pa din nagsasalita ang huli "well then?" Bahagya silang nagulat sa munti kong pagsalita.

"S. .sorry Suprema"

"Sorry Suprema!"

"Sorry po Suprema huhu, hindi na po namin uulitin. Alam mo naman na g-go iyang si Baymax diba? Nadamay lang kami ni Buttercup beybeh"

"Oo nga Suprema"

Hindi ko alam kung matatawa ako o ano sa sabay sabay nilang pagpapaliwanag "h-hoy!" Naiinis na sambit ni Baymax tyaka muling napatingin saakin, bahagya siyang napasimangot sabay labas ng bulaklak na nasa kanyang likuran.

Inilabas ni Buttercup ang chocolates, ganun rin si Garfield na inilabas ang isang paperbag sabay abot saakin ang mga ito. Bahagya pang suminghot singhot si Garfield at Buttercup "halabyu Suprema" madramang saad ni Buttercup.

"Anong meron?" Napatigil si Katana nang makita ang tatlo, she smirked as she crossed both of her arms together "nice, may ikakadrama din pala kayo no?"

"Pwede? Ikaw ba kausap namin ha panget?" Saad ni Buttercup kay Katana tyaka pinaikot ang mga mata "gusto mo masaktan?"

Poker face na sambit ni Katana. Dinilaan lamang siya ni Buttercup sabay labas ng kamao niya "payt me, payt me. Ano ka ha literal na espada, ang flat mo"

"Anong sabi mo?" Maangas na sambit ni Katana. Pigil tawa kong hinila ang tatlo papalayo kay Katana "get back here you fvcking Powerpuff buttercup!"

"Nye nye" nangiinis pa na pahabol ni Buttercup habang naglalakad kami palayo sa galit na si Katana.

Hindi rin naman nagtagal ang paguusap naming tatlo, hindi naman na rin ako galit sa kanila. It was plain misunderstanding saaming apat, I love those three. Kahit naman anong sabihin nila, mawawala rin agad ang galit ko pagkatapos ng ilang araw.

"Suprema! Pinapatawag ho kayo ni ma'am Katana sa control room"

Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa control room. Naabutan ko naman si Katanang seryoso sa pagkakalikot ng kung ano "what's up?" Mukhang bahagya siyang nagulat dahil nauntog siya sa mesa. Sa ibaba kasi siya ng mesa nagaayos kung saan ang mga wirings "aray ko naman"

"Anong trip yan?" Tanong ko sabay nguso sa inaayos niya. Binigyan niya naman ako ng masamang tingin "oh ano" maangas kong tanong.

"Ahmp, naayos ko na ang speaker"

"Eey? Nasira pala yan?"

"Aayusin ko ba kung hindi ha?"

"Ba malay ko, baliw ka pa naman. Baka sinira mo lang at inayos agad dahil wala kang magawa" mabilis niya kong tinapunan ng isang screw na mabilis ko namang naiwasan "check 1, 2, 3"

Mukhang satisfied naman na siya sa resulta dahil ngumisi na ito ng napakawalak "baliw, bat mo ba ko pinatawag dito" nagkibit balikat lang ito tyaka lumapit saakin "hoy, nakita mo na ba si bebe mo?"

"Sinong bebe?" Pag maang maangan ko, ngumisi naman siya ng nakakaloko "pakipot ang g-ga"

"Heh, wala ka bang sasabihin? Tyaka bat ka ba bumubulong?"

Pinalakihan niya ko ng mata "sino nga ulit mahal mo?" Panguusisa niya, tinampal ko naman ang braso niya tyaka lumapit sa mic. Mukhang swinitch off niya na ito kani kanina lang, Katana rolled her eyes upward tyaka tumalikod para magligpit.

"helllooooo urkiiesss, this is your dj gorgeous and swag Supremaaaaa!"

Nanlalaki ang mga matang napatingin saakin si Katana, tinaasan ko siya ng kilay. I motioned a shoo shoo gesture tyaka pinagpatuloy ang pag didj, wala talaga akong magawa dahil tapos na rin naman ang misyon.

Napatampal noo si Katana siya napailing iling pa ng bahagya "kayo ba ay sawi? Sawi tulad ng beauty kong umiiyak sa pagmamahal ng snob na si doctor Brazzen? Tumawag na sa station namin upang akin kayong matulungan!"

"You're so dead Araina"

"Bakit ba?" Balik na saad ko sa problemadong si Katana, umingay naman ang walkie-talkie ko "Suprema speaking"

"Si Kitty po ito dj Suprema, paano po ba makuha ang matamis na oo ng mga kasamahan mong boys sa team Alpha?" Tanong niya sabay hagikhik, nalilito ko namang tinignan ang walkie-talkie na hawak ko "you just broke my heart dj Suprema"

Madramang saad ni Cole sa kabilang linya, now I'm confused. Tinignan ko si Katana na nagkakamot na ng ulo, kunot noong binalingan ko ulit ang walkie-talkie "Suprema"

"Ano Baymax?"

"Meghad Suprema!"

"Buttercup?" Nalilito kong tanong, bahagyang kalabog ang narinig ko sa kabilang linya "ano Suprema"

"Ano ba kasi yun Garfield?"











"You just confessed your feelings to the whole battalion"

What the? Gulat kong tinignan ang microphone na nasa harapan ko tyaka di makapaniwalang sinulyapan si Katana "I didn't. Hindi ko pinatay ang mic beh" parang gumuho naman ang mundo ko at muling tinignan ang mic, now what? Paniguradong narinig iyon ni Brazzen.

Pero, baka naman tulog siya o busy kaya hindi niya naman siguro narinig. Tama tama, positibo lang dapat Araina. Bahagya akong nagulat nang muling nag-ingay ang walkie-talkie, nanginginig ko itong kinuha sa mesa tyaka nagsalita "s-suprema sp-speaking"

"Araina"

I'm finally fvcked up. It was Brazzen. Speaking.

***
Note:

Huhu, I have no acceptable excuse para sa super duper mega late kong update. Sorry talaga and thank you guys 😭☹️💖 lovelots

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon