L.C | 35 |

2.7K 78 2
                                    

| Araina |

Nagising ako ng maramdaman ang sakit sa kaliwa kong tagiliran "oh, gising na si Suprema!" Sinubukan kong imulat ang kaliwa kong mata bago ko sunod na minulat ang kabila. Ilang beses akong pumikit pikit ng mariin habang hinihintay na masanay ang mga mata ko sa liwanag ng paligid "masakit ba masyado ang tama mo Suprema?"

Nag aalalang tanong ni Ralph, binigyan ko siya ng tipid na iling habang pinapakiramdaman ang tagiliran ko. Aist, nabaril nga pala ako habang tinatransport namin sa ibang lugar ang anak ng dating Supreme Major General. Napakagat labi ako nang maramdaman ang muling kirot ng gilid ko "buti na lang at dito ka na sa base nahimatay bebe Aina"

"Akala ko immune na ko sa tama ng baril" Saad ko at napatawa ng bahagya. Kung iisipin, magiisang tao na rin pala simula ng huli akong mabaril. At nangyari yun sa bansa ng Iraq habang na sa gyera kami "muntik na kong atakihin sa puso Suprema nang mahimatay ka"

Malungkot na saad ni Ralph, binigyan siya ni Katana ng nakakatawang tingin "may sakit ka sa puso? Feeling ka" sinuklian naman ni Ralph ng masamang tingin si Katana na binalewala lang ng huli "don't get shot again Suprema, we were really worried"

Lahat kaming na sa kwarto ay napabaling ang tingin kay Pierce na may gulat na ekspresyon "hoool~ english yun fren, nosebleed" saad ni Ralph habang umaaktong pinupunasan ang ilong "sorry for making you all worried. Mas mag iingat pa ko sa sunod"

Sabay sabay nila akong binigyan ng thumbs up, sakto namang pumasok si Cindy sa loob ng kwarto "hi" mahinhin nitong bati saaming lahat. Tinapunan ko ng tingin si Ralph na prenteng nakatayo sa tabi ni Katana, sa pagkakalaam ko ay may paghanga si Ralph kay Cindy. So, bakit mukhang wala lang dito nang pumasok ang doktor? "Ichecheck ko lang ang sugat mo Suprema, this won't take long"

Tumango ako bilang sagot tyaka nagpakawala ng tipid na ngiti "okay na naman Suprema, sa dalawang araw na hindi ka nagising. Mabilis ang naging reaksyon ng katawan mo sa binibigay na gamot namin sayo, your wound is healing well. Your body is also recovering fast, you'll be good in no time"

"Uh, since mabilis naman ang pagrerecover ko. Can I continue my recovery at home?"

Tumango si Cindy tyaka ako binigyan ng reseta "mmm, kailangan mo lang palitan ang gauze bandage mo at gamutin ito ng gamot na na sa reseta na rin para mas mapabilis ang pag galing mo. I also recommend na bumalik ka dito next week para macheck ang recovery mo, pwede rin naman sa local hospital if you can't make it here"

"I will, thank you Cindy"

"Always welcome Suprema and also, please avoid doing activities na makakabukas ng sugat mo lalo na't hindi pa talaga ito tuluyang gumagaling. Oh, we also checked your sprained ankle. Kailangan pa nito ng ilang mga araw pa para tuluyang gumaling"

Muli akong nagpasalamat kay Cindy. Matapos niyang makalabas ay agad akong nagpatulong kela Katana upang mag ayos ng mga gamit, I want to go home. Gusto ko ring magpahinga ng kumportable sa bahay lalo pa't andun ang pamilya ko "ooooh, hindi kinabahan ang isa dito kanina"

Basag ni Pierce habang nag aayos kami ng mga gamit. Pero mukhang hindi naging apektado si Ralph dahil patuloy lang ito sa pagayos, nagkibit balikat lang ako tyaka tinuon ang atensyon sa pagaayos. Maya maya ay biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Colonel Sebastian "salute" sabay sabay naming saad habang sumasaludo. Tumango naman ito tyaka binalik ang saludo namin "well done Team Alpha, gaya ng inaasahan ko. Hindi niyo kami bibiguin, same to you Katana"

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon