| Araina |
Nagising ako sa sinag ng araw mula sa labas ng aking glass window. Dahan dahan akong tumihaya ng higa tyaka napatingin sa itaas habang hinihintay na makapag adjust ang utak ko mula sa pagkakagising. Napabuga ako ng hangin matapos na mapahikab, isang araw na rin pala ang lumipas matapos na makaalis si Bliss at hanggang ngayon ay wala pa akong natataggap na balita sa kanya o sa misyon. Maaga rin kaming nakabalik ni Brazzen mula sa farm nung araw na yun "ma'am?"
"Gising na po ako manang, ano po yun?"
"Tumawag po kasi ang mommy niyo, pinapatanong po kung gising na raw kayo" napangiti naman ako tyaka napagpasyahang bumangon na mula sa pagkakahiga "tatawagan ko po siya, salamat po"
"Sige po ma'am, iinitin ko na po ang almusal niyo" matapos na magpasalamat ay agad akong dumiretso sa banyo upang maghugas ng mukha at mag mouth wash. Naging madali naman ang phone call namin ng mommy dahil minamadali na ako nitong bumaba upang kumain ng almusal "good morning po ma'am"
"Good morning El, nakapag almusal na ba kayo?"
"Opo ma'am, kayo na lang po ang hindi pa nakakakain" natawa naman ako dahil tinanghali na nga ako ng gising. Agad akong nagtimpla ng kape pagkapasok ko sa kusina, pinasalamatan ko rin si manang matapos nitong ihanda ang mga kakainin ko "ay ma'am, pinabibigay po pala ni sir Brazzen"
Pigil ang ngiting tinanggap ko ang malaking sunflower at sulat mula kay manang "thank you po" abot tenga na yata ang naging ngiti ko habang binubuksan ang sulat niya. Keleg, it was just a short message from him saying good morning and I love you pero mas lalo lang yata akong na in love sa kanya. Mabilis kong tinapos ang pagkain at muling umakyat sa kwarto upang maligo, mukhang kailangan yata ng bisita ni lover boy.
Habang nagmamaneho papuntang kumpanya ni Brazzen, biglang tumunog ang cellphone ko. Tamang tama naman at naging pula ang traffic light, matapos na makita ang caller, bigla akong nanlamig at kinabahan. Nanginginig ang kamay kong sinagot ang tawag "salute"
| Third Person |
Sumasakit ang ulong lumabas si Brazzen mula sa meeting dahil may naging problema sa produktong ilalabas nila in 2 weeks. Kunot noong dumiretso siya sa kanyang opisina, mukhang napansin naman ng kanyang sekretarya ang naging kalabasan ng meeting base na rin sa kanyang mukha. Agad itong kumuha ng water bottle mula sa kusina ng palapag kung saan sakop ng kanyang boss, kumatok muna ito bago pumasok tyaka inalok ang tubig "sir, uminom po muna kayo ng tubig"
Tipid na salamat lamang ang nasambit ni Brazzen sabay patong ng kanyang ulo sa mesa, mabilis itong nagpaalam bago lumabas "stress na nanaman si boss" naiiling nitong saad sabay sarado ng pintuan "Ay! Hello po ma'am, mabuti naman ang nakabisita kayo ulit"
Masiglang ibinalik ni Araina ang bati nito "Anjan ba ang sir mo?"
"Yes po ma'am, tamang tama po ang dating ninyo. Mukhang stress nanaman po kasi si sir sa naging meeting nila, pasok po kayo"
"Thank you" agad na nakita ni Araina si Brazzen matapos buksan ang pinto. Para itong batang natutulog sa klase, tipid siyang napangiti dahil sa posisyon ng kasintahan. Ginamit niya ang galing sa trabaho upang makapasok ng tahimik at hindi maistorbo ang nobyo sa pagtulog, mas lumawak naman ang ngiti nito nang tuluyang makita si Brazzen na mahimbing ngang natutulog. Hanggang sa pag upo sa tabi nito ay naging maingat si Araina "ang gwapo, kainis"
BINABASA MO ANG
Lieutenant Colonel Araina
Action"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)