| Araina |
"Okay na ba talaga ang likod mo Suprema?" Napangiti ako sa naging tanong ni Cindy, siya ang panghuling nagtanong ng mga salitang kakasabi niya lang na nauna nang itinanong ng tatlo "oo nga, ang kulit niyo"
"Hindi mo naman maialis sa amin ang magalala Suprema, hindi basta basta ang pinagdaanan mo para lang hindi mapahiwalay saamin tapos may file of transfer pa ding dumating"
Naging tipid ang ngiting binigay ko sakanila tyaka unti unti pinasok ang dalawa kong kamay sa magkabila kong bulsa "I have to obey them this time, baka matawag na naman ako for insubordination. Mailalayo na talaga tayo nun"
Matagal silang hindi nakapagsalita kaya naman minabuti ko nang basagin ang katahimikan "I have to take a look to my file of transfer, kita kita nalang tayo mamaya"
Hindi nila ako sinagot kaya isa isa ko silang tinapik sa kani kanilang balikat at tuluyan nang lumabas ng medicube "salute" mabilis kong binalik ang pagsasaludo ng isa kong kasamahan "magiging masaya po kayo sa ibabalita ko" napataas naman ang kanan kong kilay sa sinabi niya
"Talaga bang ikakasaya ko yan?" May halong biro kong saad, napakamot naman ito sa likod ng kanyang ulo tyaka alanganing tumango "dumating na po ang bagong batch ng mga armas, at mas upgraded na po ito kaysa sa mga nauna"
Hindi ko mapigilang mapangiti habang patuloy na iniinspek ang mga bagong armas namin "it has finger activation?!" Kagat labi kong tinignan ang isang kulay gintong baril na siyang sinadya daw para sakin
"Opo Suprema, hindi po ito maglalabas ng bala hangga't hindi naaidentify ang daliri ng may ari nito"
"This kiddos amazing– alis na ko, kailangan ko pa palang makita ang file of transfer na ibinigay saakin" pagpapaalam ko rito, ngunit hindi pa ako tuluyang nakakaalis nang muli itong magsalita "ay! Oo nga pala, heto Suprema. Pinabibigay sayo galing sa Corps command"
Napatitig ako sa hawak niyang papel saka napabuntong hininga, labag sa loob ko itong kinuha at muling nagpaalam para basahin ang file. Hindi ko alam kung ilang beses na akong napabuntong hininga habang binabasa ang buong papel "hey"
Mabilis kong nabitawan ang papel dahil sa gulat ngunit hindi ito naging hadlang para tumibok ng mabilis ang puso ko "h–ey?" Naging bati ko rin sakanya, bakit ba laging pasulpot sulpot itong si Brazzen? Kung may sakit lang talaga ako sa puso baka noon pa ko namatay dahil sa labis ng gulat sakanya
"Are you finally– uhm okay?"
Pagaalanganing tanong nito, hindi ko maiwasang hindi mapaisip kung bakit ba parang interesado siyang malaman ang kalagayan ko– okay ang feeler ko it's not like he's really pushing the question to know what my condition is "ah oo, the pain's bearable than last time"
Bakit ba siya nagtatanong? Sinabi niya na kaming mga Supreme ay hindi karapat dapat na mabuhay kaya diba dapat masaya siyang may napahamak sa isa sa mga kinamumuhian niya? "Are you sure?"
Tumango ako "my wound is a good thing yeah?" Kumunot ang noo nito habang nakatingin saakin, kagat labi akong napaiwas ng tingin. I can't handle his damn stares
"What's good about it?"
Hindi ko alam kung mali ba ang pagkakarinig ko pero parang may bahid ng pagkakainis ang tono niya habang nagsasalita "madali akong mamatay" natatawa kong saad na para bang isa itong malaking biro "ganyan ka ba kaatat na mamatay?"
Pigil na ngiti ang ginawa ko nang matantong nagtagalog ito– it's not everyday you hear Brazzen talking in tagalog, rare lang kumbaga ang pagsasalita niya ng tagalog "kung masaya ka sa pagkakamatay ko then why not?"
Natigilan siya sa sinabi ko, baka hindi niya inexpect na marinig yun mula saakin "I need to go, see you around" hindi pa rin siya nakapagsalita at patuloy lang na nakatingin saakin
Nagsimula akong gumawa ng mga hakbang palayo sakanya habang dala dala ang bigat ng sakit na ginawa niya, bakit ba sa maling tao pa ako nahulog? Pwede naman dun sa taong sasaluhin ako ano mang oras
***
"Suprema! Bumalik po ang grupo ni Mandrick!"
Naputol ang paguusap namin ni Baymax nang may isa humahangos na Supreme ang pumunta saamin "ano nanaman ba ang kailangan nila?" Naiinis na saad ni Baymax habang inaayos ang baril nito sa kanyang bewang
Naguusap kami ni Baymax because I have to give him instruction before leaving Urk, tutal sa Pilipinas pa ang muli naming pagkikita ng team Alpha pagkatapos ng assignment namin dito sa bansa "tara"
Napasingkit ang mata ko nang makita ang grupong may dala dalang de karibleng mga baril "it's not Mandrick's group"
"H–a?"
Hindi ito ang grupo ni Mandrick, kilala ko si Mandrick. He doesn't always waste his time para sa mga bagay na hindi makakapalago ng kanyang mafia "what are they thinking?"
Wala sa sariling sambit ni Buttercup "WHERE'S YOUR LIEUTENANT COLONEL?! I HEARD SHE'S THE ONE WHO IS INCHARGE–"
"Good day" pagputol ko rito, mabilis kong naagaw ang atensyon nilang lahat, ang tahimik ng buong lugar na pawa bang natatakot gumawa ng ingay ang kahit na isa man lang sakanila "good day!"
Nakapalibot ang mga Supreme sa mga armadong lalaki "what exactly your reason to come in such peaceful place?" Seryoso kong tanong rito
"Amoooss of course!"
Tyaka ito tumawa ng malakas, mas napakunot ang noo ko sa naging saad nito– impossible– they came here for a different reason, that, I'm sure "of course, you're not"
Mas tumawa ito ng malakas, tawa na para bang nasisiyahan siya't namamangha sa mga pinagsasabi ko "a wise woman indeed" saka ito muling tumawa ng malakas "whatever may your reason is, leave, you and your men is not welcome here"
"We need your doctors and nurses" diretsong saad nito, kasabay nito ang pagseryoso ng kanyang mukha "leave"
Nakipagsabayan ako sa kanyang titig na nagtagal ng ilang minuto bago ko napagpasyang lisanin ang entrance ng aming campo para pumasok sa loob "kyaah!"
I know that he's serious with his reason but it's not my call to make, without the permission from my superior– I can't announce something to provide their needs and beside, hindi kami local employees sa bansang ito "we should kill you instead if we can't make you come with us!"
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkakatapon nito ng kutsilyo sa gilid ni Rue kasabay ang sigaw nito't mapangasar na tawa, hindi ako nagdalawang isip na tapunan rin siya ng isang swiss knife na dumaan sa gitna ng kanyang mga paa "leave or die, now choose"
***
note:Updaaaattteee~ december naaa! Anyways, take care you guys. And please do leave a comment for an inspiration! By for now, Supremes! 💓☺️😘
BINABASA MO ANG
Lieutenant Colonel Araina
Action"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)