| Araina |
Agad akong tumingin sa pintuan nang bumukas ito sa pag aakalang si Brazzen ang pumasok "hoy babae, pwede ka na raw lumabas mamaya" pinagkrus ko ang dalawa kong kamay at umiling iling "ayoko" Kunot noong napataas ng kilay si Katana habang tinitignan ako "at bakit?"
"Hindi pa ko magaling"
"Sabi ng doctor mo, magaling ka na raw"
"Hindi ako naniniwala, katawan niya ba ang katawan ko para malamang magaling na ko? Baka gusto niya lang na makaalis na ko kaagad dito dahil ayaw niya kong makita" hindi maipaliwanag ang mukha ni Katana habang naglalakad papalapit saakin. Kumuha siya ng mansanas sa bedside table at biningwit ang kanyang dagger sa pants ng kanyang uniporme "gusto mo saksakin kita para may panibago kang sugat?"
"Game— aray naman!"
"Baliw sa pag ibig. Kahit abutan ka pa ng isang buwan dito ay hindi ka pa rin pupuntahan ni Brazzen, hindi na siya ang doctor na nakatoka sayo"
Nanlaki ang magkabila kong mata tyaka mabilis na napabangon "ANO?! BAKET?!" nakangusong pinagpatuloy ni Katana ang pagbabalat ng mansanas na kinuha niya kanina "anong baket? Nagtataka ka pa eh sa inasta mo kahapon ay halatang gusto mo siyang iwasan, at syempre eto namang si lover boy mo mukhang ayaw kang pahirapan kaya siya na ang nag adjust para sa inyong dalawa. Nakipagpalit siya sa kasama niyang doctor"
"IPINAMIGAY NIYA KOOO?"
"OA mo, babae ang doctor mo. Halatang ayaw niyang lalaki ang mag take charge sayo no, hindi mo nakita kasi tulog ka lagi kapag chinicheck up ka ng bago mong doctor. O mansanas, tumahimik ka na ang ingay mo" agad niyang nilagay sa bunganga ko ang nabalatan niyang mansanas para hindi na ko makapagsalita. Sinamaan ko naman siya ng tingin siya kinagatan na lang ang mansanas "bat mo ba binalatan? Kumakain ako ng balat neto ah"
Umaksyon siyang sasaksakin ako kaya mabilis akong tumalon pababa sa kabilang parte ng kama "ang likot mo talagang babae ka! Natanggal tuloy!" Tinignan ko lang si Katana na naka in panic mode habang lumalabas ng kwarto. Bored kong tinignan ang kamay kong dumudugo, natanggal ang cannula matapos kong tumalon. Nagkibit balikat lang ako habang bumabalik sa pag upo at pinagpatuloy ang pagkain, hindi naman nagtagal ay pumasok ang isang Supreme nurse.
Patuloy pa rin ako sa pagkain ng mansanas habang naglalakad kami ni Katana palabas ng infirmary "napaaga tuloy ang labas mo, baliw" hindi ko pinansin ang sinabi niya. Kaliwa't kanan pa rin akong nagmamasid at nagbabakasakaling makita ko si Brazzen "wala dito si bebe boy mo, maaga pa silang umalis kanina para magconduct ng medical mission sa bayan"
"Anoooo?! Kelan naman ang balik nila?"
Nang aasar akong binalingan ng tingin ni Katana tyaka nagkibit balikat "hindi ko alam, tyaka hindi ako parte ng medical team natin. Sa supplies ako, okay?" Tinapon ko sa kanya ang mabutong parte ng mansanas na tapos ko na ring kainin "kainis ka talagang bruha ka" tinawanan lang ako nito tyaka tinapik tapik ang aking balikat "you'll be fine mah bebe Aina, kapag hindi pa rin tumalab ang charm mo. Isabak mo na yang katawan mo"
Hindi makapaniwalang tinignan ko siya sabay palo ng malakas sa kanyang braso "no wedding, no entry to no" ngiting aso at mapanuksong tingin ang ibinalik niya saakin habang hinihimas himas ang parte ng braso niyang pinalo ko "ano ba sa tingin mo ang tinutukoy ko? Sexy dance naman ang suggestion ko ah, pwede naman gawin yun nang naka winter suit. Igiling mo lang yang matigas mong katawan"
BINABASA MO ANG
Lieutenant Colonel Araina
Action"This is Lieutenant Colonel Araina Keen Wakefield, reporting for duty" (Crdts to the owner of the used photo)