Epilogue

2.9K 76 33
                                    

| Araina |

Nakangusong ginalaw galaw ko ang hotdog na ulam ko habang napapabuntong hininga. Bwest na Brazzen, nakakalimutan niya na yatang may girlfriend siya ah? Aba, minsan nalang kaming magkitang dalawa simula nang magkabalikan kami. It's been almost 6 months, at sa loob ng halos anim na buwan na yun ay bihira lang kaming nagkikita! Matapos kaming magkaayos, nanatili pa kami sa Ukran ng isang linggo bago kami pinabalik ng Pilipinas.

Bwest, kampante pa naman akong hindi na kami gaanong magkakalayo dahil nga Supreme na rin siya pero nyenye. Mas lalo lang yata kaming pinalayo dahil sa pagsali niya sa organisasyon, kainis. Kung busy ako ay busy rin ito, kung hindi ako busy ay busy pa rin ito! Mas busy pa ang lalaking yun kesa saken! "Aray!"

Sinaamaan ko ng tingin ang kuya nang pitikin ako nito sa noo, alam kong medyo may kalapadan ang noo ko pero wag naman sanang ilandakan saakin ano "stop playing with your food Aina"  napatingin ako sa hotdog na pira piraso na dahil sa pinanggagawa ko "oo nga Suprema, binigay mo nalang sana saakin kung hindi mo kakainin. Hay kawawang hotdog, wala namang ginawang masama"

"Hindi nanaman siguro kayo nagkita ni doc no Suprema, kawawang nilalang ka naman"

Kunot noo kong binalingan si Ralph at Pierce, mga bwest "hoy kayong dalawa, wala ba kayong mga pagkain sa bahay niyo? Ginawa niyong cafeteria itong bahay namin sa araw araw niyong pagkain dito"

"Hindi kaya kami nakakain dito kahapon Suprema"

"Eh pano, merong handaan sa kampo. Bwest ka ha" aba, inikutan ako ng mata. Ang mommy naman kasi, spinoiled ang dalawang to kaya mas kumapal pa ang mukha. Kung dati ay isang meal per day lang silang kumain dito, ngayon ay 3 meals per day na. Minsan ay nagiging lima pa kung kasama meryenda, not that ayaw kong magshare no. That's not a problem, pero ang kumain dito at may kasama pang bring home at lait. Aba'y talagang magkakaproblema talaga, imbis na tulungan ako sa problema ko sa buhay pag-ibig, nilait lang ako "San nga pala si doc, Suprema?"

"On a research institute, babalik rin daw sa kampo dahil may bagong Supreme doctor at siya ang inappoint na iguide ito. Do you know him?"

"Hiiiimm? Anong him? Her kasi yun Suprema, balita ko sobrang ganda raw" natigil ako sa pagsubo ng toast bread dahil sa sinabi ni Pierce "nakita ko kanina, sobrang ganda Suprema! No offense pero bagay sila ni doc Brazzen ha, may chemistry"

What did he just said?

Naghahanap ba siya ng sakit sa katawan?

Kalma Araina, you trust Brazzen remember? Have confidence in yourself and have confidence in Brazzen's love for you. Right.

"I'm sure you're way beautiful than her, i gotta go sis. Please behave, I love you" napangiti ako sa naging saad ni kuya, talagang maaasahan talaga to kapag kinakailangan. Mabilis ko siyang binigyan ng halik sa pisngi "thank you kuya, be safe. I love you too!"

Nang makaalis na si kuya, muli kong binalingan ang dalawang mokong na abala na sa pagtingin ng kung ano sa cellphone ni Pierce "hoy, ano yan?" Nanliit ang mga mata ko nang hindi man lang nila ako binigyang pansin. Mga chismoso talaga ang dalawang tao, kaninong buhay nanaman kaya ang pinag-uusapan nilang dalawa? Kibit balikat kong binalik ang atensyon sa pagkain, inubos ko ang natitirang fresh milk na nasa baso at sinimulan na ang pagliligpit "hoy, magliligpit na ko"

Bwest, hindi pa rin nila ako pinansin. Natapos ako sa pagliligpit na hind man lang pinapansin ng dalawang to, bigla tuloy akong nausisa sa tinitignan nila. Hindi kaya— bigla akong kinilabutan sa ideyang pumasok sa isip ko "Hoy, wag niyo sabihing nanunuod kayo ng porn sa harap ko?!" Nandidiri ko silang tinignan. Pero parang wala man lang silang narinig sa mga sinabi ko. Hindi na ko nakatiis kaya naman mabilis kong kinuha ang cellphone ni Pierce at tumakbo papasok sa common bathroom na katabi lang ng kusina.

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon