L.C | 28 |

2.6K 79 3
                                    

| Araina |

Tahimik ako buong byahe papuntang resort, binibigyan ko ng pasimpleng tingin si Brazzen na mukhang naabala rin ang pagtulog. He looks hot though. Wearing his khahi shorts and floral polo, urgh so manly mga bakla "Here's your iced coffee and munchkins"

Naabala ang pagmamasid ko kay Brazzen nang tumambad saakin ang mga pagkain na inorder ni Katana para sakin "malapit na ba Adam?" Inaantok na tanong ni Cole, Adam gave him a nod as a response. Kitty and Rue are both stunning in their summer clothes. Medyo conservative tignan ang suot ni Rue na dress dahil hindi ito nakikitaan ng boobs at hindi rin masyadong kaiklian.

Si Kitty naman ay maikli ang maong shorts na suot, somewhat ripped as well. Pinaresan niya naman ito ng spaghetti-strapped na pangitaas "hindi ka naiinitan sa suot mo ha Aina? Ano bang na sa loob ng hoodie mo?" Napaisip naman ako habang sumisipsip ng iced coffee.

"Spaghetti-strapped fitted top, mababa ang cut sa likod, mukhang backless" bored kong pagdescribe ng suot kong panloob "aray!"

Agad kong pagreklamo ng paluin niya ako ng malakas sa braso "take your hoodie off" kunot noo ko siyang binalingan tyaka bahagyang dumila "no way, I'm so comfortable sa hoodie ko"

Pinandilatan niya ko ng mga mata, I did the same thing. She let out a sigh "huhubarin mo rin yan mamaya" binuka ko ang bunganga ko tyaka sinubo ang munchkin na hawak hawak "shoo"

"Let's go!"

Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami ng resort, uminat inat ako ng katawan pagkababa ng sasakyan. Sinipa ko rin sa pwet si Ralph para mastretch ng mabuti ang paa ko "sadista talaga kayo ni Kutsilyo" pagreklamo niya. Mukhang hindi naman narinig ni Katana ang sinabi niya dahil patuloy lang ito sa pagpindot pindot sa cellphone na hawak "let's put our things first bago kumain"

Suggestion ni Cole na sinangayunan naman ng lahat, Adam then announced our room assignments pagkarating namin sa reception area. By pair ang room assignments maliban sa tatlo, si Katana tyaka ako syempre ang magkasama sa isang kwarto.

Si Rue at Kitty, Brazzen at Cole, samantalang sina Adam, Ralph, and Pierce naman ang magkakasama sa isa pang kwarto "Araina, get up! Ang hirap mo pa namang gisingin pag nakatulog ka na!" Nagrereklamo akong tumayo ng kama tyaka hinubad ang eye mask na nakakabit pa rin sa ulo ko. I also took my socks off at nagpalit na rin ng tsinelas "hindi mo pa rin huhubarin ang hoodie mo?"

"Nah" mabilis kong sagot tyaka inipit muli ang buhok ko, kinuha ko naman ang sarili kong sunglasses matapos gawin ang mabilisang pagfrefreshen up "oh, hi doc Cole!"

Magkakatabi lang ang mga kwarto namin kaya hindi kataka takang nakasalubong namin si Cole pagkalabas ng kwarto "salute" biro nitong bati saamin. Bahagya kaming napatawa ni Katana "galing ka na sa labas?"

Tumango si Cole habang inaayos ang card ng kwarto nila ni Brazzen "I'm just gonna get Brazzen's wallet, itetreat niya daw kami ni Elsa"

"Elsa? Sa frozen diba yun"

Sinamaan ko ng tingin si Katana samantalang tawa naman ang pinakawalan ni Cole "nakasama namin siya ni Brazzen sa medical school, actually siya ang kalove team ni Brazzen nun"

"Love teaaaam?" Bahagya kong siniko si Katana dahil sa lakas ng boses niya "bingi? Ha?"

"Hahaha ye, tinutukso silang dalawa. Anyways, hinihintay na kayo nina Adam sa restaurant ng resort nila. Sorry, hindi kami makakasabay ni Brazzen"

"Aaaah, okay lang. Enjoooy!"

"Bawi kami sa dinner"

"Okaaaay!" Agad na humarap saakin si Katana nang tuluyan ng makapasok si Cole sa kwarto nila ni Brazzen "hah, ano? Maghohoodie ka pa din? Bahala ka sa buhay mo"

"Tulungan mo kong mag ayos" malawak ang ngiting nagpahila saakin si Katana pabalik ng kwarto namin. Agad ko namang nilapitan ang maleta ko tyaka ito binuksan, I took all of my bikinis then placed it on the bed "hoy, aren't you going to help me?"

Inis kong tanong kay Katana habang patuloy ito sa pagscoscroll sa cellphone niya "sandali" I waited for her to finish her phone business na umabot pa ng ilang minuto "Aina, may sports bra kang dala?"

"Lagi, baket?"

Binigyan niya ko ng mala asong ngiti tyaka pinakita saakin ang cellphone niya "Ivring's monthly league" nakaramdam naman agad ako ng excitement matapos mabasa ang announcent sa page ng resort nina Adam "nice!"

Excited kong sigaw tyaka nakipagapir kay Katana. I forgot about my agenda. I forgot about Brazzen. All I could think of was the game, now this is the vacation that I was looking for!

***

| Third Person |

Nakanguso si Ralph pagkatapos na malunok ang huling subo ng pagkain niya "bat daw sa court natin sila imimeet? Nakakain na ba sila Suprema?" Nagkibit balikat si Pierce na kasalukuyang inienjoy ang ice cream na kinakain "nagcoconduct ng games sila mom every month, plus fun I guess"

"Eh? Meron bang interesadong sumasali?"

"It depends actually, anyways. Hurry up, mag totwo thirty na"

Agad na dumiretso ang team Alpha at sina Rue sa court ng resort para manuod sa laro ng dalawa "tahimik yata kayo?" Nagtatakang tanong ni Pierce sa dalawang nurse "mageenergize muna kami sir Garf"

"Oooh nice" sabay na nagapir si Rue at Pierce. Napahinto naman si Kitty na ikinahinto rin ng apat "oh? Oy pusa, malayo pa ang court"

"Sina sir Cole ba yun? Ang ganda ng feslak ng girlalu na kasama nila ah" sinundan nila ng tingin ang itinurong direksyon ni Kitty, kunot noong nagsalita si Rue "eh? Parang si Elsa Wilson"

"Elsabels who?"

"Dr. Elsa Barnum Wilson, isa siya sa mga sikat at magaling na doctor sa batch nila doc Cole. Not only because she has pretty face but she's also talented and wise"

Hindi napigilang tawagin ni Kitty sina Brazzen. Agad naman na lumapit ang tatlo sa direksyon nila "where's Katana and Araina?" Nagtatakang tanong ni Cole nang tuluyan na silang makalapit "maglalaro po sila at manunuod kami doc! Sama kayo?"

"Ey? What game?"

Nakangising umabante si Adam tyaka ipinasok ang dalawang kamay sa mga bulsa ng kanyang shorts "basketball"

***
Note:

Hehez, medyo natagalan ang update. Anyways, very short update lang po ito and as always ay maraming errors so bear with me guys. Medyo mabilisan rin para makaupdate kahit papano 😬 comments? Anyone? Xoxo

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon