Special Chapter

2.3K 61 19
                                    

| Third Person |

"We are about to land in 2 minutes" napamulat ng mga mata si Araina nang marinig ang announcement ng kasamahang nagmamanorba ng kanilang sinasakyang panghimpapawid. Tinignan niya naman ang mga kasamahan na mahimbing pa rin ang tulog, nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga tyaka isa isang ginising ang mga kasamahan "Supremes, we just landed at our APh main base. Time of post arrival , mission 2001— 18:25. Please state code of confirmation"

"Confirmed, proceed to record" sagot ni Araina mula sa kanyang earpiece "affirmative, the process of mission 2001 record starts now" nang makitang nag green light na ang button na nasa itaas, tinanggal na nila ang kanilang mga seatbelts tyaka isa isang lumabas. Agad na nakita ni Araina si Katana na naghihintay sa kanya, mabilis siyang nilapitan ng kaibigan nang makita siya nito. Pinatungan siya ni Katana ng tela at inalalayan sa paglalakad.

Sa infirmary agad ang diretso nilang dalawa, nang makarating ay mabilis  siyang inasikaso ng on duty na Supreme doctor. Naging mabilis naman ang paggamot kay Araina, binigyan rin siya ng ilang mga paalala bago sila tuluyang iniwan ni Katana sa kwarto "grabeng tingin naman yan, iisipin ko talagang crush mo ko" hindi nagbago ang seryosong tingin ni Katana kay Araina "that's enough of taking over Keen"

"I'm fine Kat, you don't have to worry"

"Fine mo mukha mo, Keen! Did you even look at yourself in front of the mirror? Hindi ko alam kung tao ka pa ba o isang combat dummy sa dami ng hiwa sa katawan mo!" Natahimik si Araina, napabuntong hininga naman siya habang naghahanap ng tamang isasagot sa kaibigan "pero marami pa akong pending missions Kat—"

"Na hindi naman sayo pero inako mo! Aina, I know you're accepting missions to not think of Brazzen all the time but this is too much! Did he even know how miserable you are right now?! Alam ko rin na sobra siyang abala sa trabaho lalo na at promoted pa siya, he's also being deployed out of the country! Bakit ba takot na takot kang humingi ng oras sa kanya? At bakit ba hindi rin siya makabigay ng oras niya sayo kahit isang araw man lang?!" Napalunok si Araina. Hindi malaman ang dapat na sasabihin "I respect his work"

Pinigilan ni Katana ang sarili para hindi masigawan si Araina, maya maya ay pinili niya na lamang magpakawala ng malalim na buntong hininga tyaka tumango. Alam niya kung gaano katigas ang ulo ni Araina kaya minabuti niya na lamang na tumahimik at wag nang ipilit pa dahil baka mag away pa sila "fine, you respect his work. I get it! You have a huge responsibility on your shoulders right now so focus with that mission alone, ako na ang bahala sa mga kinuha mong misyon. Sumasama na ang loob ng team mo dahil sa mga kinuha mong misyon mula sa iba, they miss their Suprema. Kaya sundin mo ang sinabi ko kung hindi ay magfafile ako ng force mission restraint note laban sayo"

Wala nang nagawa pa si Araina kung hindi ang tumango dahil gaya niya, may tigasan rin ang ulo ni Katana "stay here for tonight and rest, kukunan kita ng gamit sa kwarto mo. Tatanungin ko rin muna si Air kung anong mainam na ipakain sayo" ngumiti si Araina at nagpasalamat. Alam niya naman sa sarili na masyadong nag aalala na ang mga kaibigan niya sa kanya dahil sa walang hinto niyang pagsabak sa mga misyon, sa totoo lang ay hindi niya na maalala pa ang huling beses na nagkasama sila ng team Alpha sa isang misyon "kailangan ko nga talagang bumawi sa kanila"

Sa katunayan ay hindi natupad ni Brazzen ang sinabing babawi siya sa nobya dahil sa biglaan niyang promotion kaya mas lalo siyang naging abala sa trabaho. Si Araina naman ay iniiwasang bigyan ng trabaho ng kanyang mga Superiors dahil sa kasalukuyang misyon na hawak niya, ngunit magtatalong buwan na simula nang ibigay ito sa kanya. Wala pa ring may nabubuong plano para sa misyon at wala pang trabahong naibibigay sa kanya, hindi naman siya ang head ng mission kaya wala siyang magawa kundi ang maghintay na lamang.

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon