L.C | 39 |

2.4K 81 7
                                    

| Third Person |

"Ma'am, may naghahanap po sa inyo ni sir" nagtatakang bumababa si Ara, ang ina ni Araina upang tignan ang taong naghahanap sa kanila ng asawa. Sa pagkakatanda niya ay wala siyang inaasahang bisita kaya naman labis ang pagtataka niya habang patuloy na bumababa sa mahaba nilang hagdan "good morning tita" agad na bati ni Brazzen tyaka nagmano dito.

"Oh, Brazzen! Iho, anong sadya mo?"

"Ahm, si Araina po tita?"

Napailing ang ginang tyaka siya sinenyasan upang umupo "hindi pa siya nakakauwi eh" bakas naman ang pag alala sa mukha ni Brazzen matapos malaman na hindi pa rin nakakauwi sina Araina mula sa misyon "I see, akala ko po kasi ay madali lang matatapos ang misyon nila" binigyan siya ng matamis na ngiti ng ina ni Araina.

"Don't worry, she'll be back before you know it" bahagyang nagisip si Brazzen at nagdalawang isip kung itutuloy ba ang tanong sa ginang nang biglang dumating si Kane, ang ama ni Araina mula sa ikalawang palapag ng bahay "good morning po Tito"

Pagsalubong na bati ni Brazzen dito tyaka nagmano "good morning iho, looking for Araina?"

"Opo, pero hindi pa daw po siya nakakabalik sabi ni tita" tipid itong tumango bilang pagsang ayon tyaka tinabihan ang asawa sa pagkakaupo "Honey, Katana called"

Biglang sumeryoso ang paligid dahil sa tono na rin ng ama ni Araina "what did she said? Pauwi na ba sila?" Brazzen and Araina's mom are both hopeful while waiting for his answer, bahagyang nawalan ng pag asa si Brazzen nang malalamim na buntong hininga ang pinakawalan ng ama ni Araina "what is it Kane?"

Nagsimula na ring magpanic ang ina ni Araina dahil sa matagal na hindi magimik ng asawa "Araina got shot" nanggilid ang mga luha sa mga mata ni Ara nang malaman ang balita tungkol sa anak "oh no"

"Don't worry, Katana said she's fine. Hindi naman daw ganon kalalim ang pagkakatama niya, but she's still unconscious"

Wala sa sariling tumango tango ang ina ni Araina habang nagpupunas ng mga luhang hindi na napigilan "why don't we visit her po?" Napailing si Kane, tyaka bahagyang hinagod ang likod ng asawa "we just can't enter their base, although we can do something about it, it's also too far. We can just wait for Araina"

Malungkot na ngumiti si Ara "my husband's right, iho. I don't trust Araina's job but I trust my daughter and her promises, her words are enough to calm me everytime something bad happens"

Lieutenant Colonel ArainaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon